JUNKYU
Medyo dumidilim na rin and sa totoo lang hindi ko napansin na anong oras na pala dahil sa sobrang ganda ng usapan namin ni Tito.
Well, he said na I shouldn't be too formal and just call him Tito. Masaya ako, akala ko kase nung una eh aalis ako ditong may kahihiyan na nagawa but I was wrong.
Sobrang bait pala ni Tito, mukhang alam ko na kung saan nag-mana si Alyshia.
❝Maraming salamat hijo. Oo nga pala, siguro dapat umuwi ka na lang muna. Gumagabi na rin eh❞ ngumiti ako saka tumayo.
❝Salamat rin po, Tito. Babalik po ako❞
❝Junkyu, can I ask you one thing?❞
❝Sige po, ano po yun?❞
❝Please take care of Alyshia. No matter what she says please understand and take care of her❞ napangiti lang muli ako saka hinawakan ang kamay ni Tito na nakahawak sa kamay ko.
❝I will try, Tito❞
Just as I was bidding my goodbye to Mr. Yoon, parehas kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas.
❝Junkyu?❞
Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko at nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko ang pamilyar na mukha sa pinto.
❝Alyshia..❞ nakita kong padabog niyang sinara ang pinto. I need to follow her.
❝Tito, mauna na po ako. Maraming salamat po ulit❞ sabi ko saka kumaripas ng takbo para habulin si Alyshia.
Unfortunately, the elevator was still at the 1st floor at matatagalan ako kung hihintayin ko yun. I took the stares pababa at halos mawalan ako ng hininga nang makarating ako sa 1st floor.
Nakita ko si Alyshia na papalabas pa lang ng hospital kaya tumakbo ako as fast as I could para lang mahabol siya.
❝Alyshia wait!❞ sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan. Ang panget naman ng timing.
❝Alyshia please listen to me❞ mas lalo kong binilisan ang takbo ko and I was panting really hard nang maabot ko na ang kamay niya.
❝Alyshia please? Beb, I'm sorry❞ hindi ko na talaga alam kung paano ko siya papatigilin. Sobrang galit siguro siya sakin ngayon
❝I said stop with those stupid names, Junkyu! Hindi ka ba nakakaintindi?❞
❝I'm sorry❞
❝Puro ka sorry. Paulit-ulit na lang! Junkyu, hindi ka ba napapagod? Saka ano yun? Bakit andun ka? Hanggang kailan mo ko balak gaguhin ha? Masaya ka ba sa ginagawa mo?❞ hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
❝Alyshia, I was just trying to help you❞
❝Alam mo, potanginang help yan! Lahat na lang ba papakialaman mo? Junkyu, sinabi ko na sayong ayokong may nanghihimasok sa buhay ko. Bakit ba kasi ang kulit mo?❞
Oo nga naman, bakit ba kasi ang kulit mo? Ayaw na nga ng tao sayo bakit pinipilit ko parin yung sarili mo?
❝It doesn't mean na tinuturing na kitang kaibigan, may karapatan ka ng mangialam. You know nothing, Kim Junkyu❞
❝I know nothing, Alyshia. Kaya nga gusto kong mag-open ka sakin eh. Pakikinggan kita kahit ano pa yan. Ginawa ko na lahat, Alyshia. Bakit parang kulang parin?❞
❝Hindi ko na kasalanan kung bakit ka umaasa. Simula pa lang sinabi ko na sayong wala kang maaasahan sakin. Ikaw lang naman 'tong nagpumilit eh❞ napababa na lang ang tingin ko.
Masakit pala
Sobra..
Bakit ganun? Akala ko naman okay na eh. Akala ko naman may connection na kaming dalawa. Bakit biglang ganito? Masakit pala 'to haha.
❝Bakit ba kase kailangan mo pang mangialam ha?❞
❝Ginawa ko lang naman yun kase..❞ should I say it? Mababago ba nito lahat kapag sinabi ko?
❝Kase ano? Gusto mong manggulo? Gusto mong magpatawa? Gusto mong magbida-bida?❞ ganun ba talaga ang tingin niya sakin?
❝Haha, bakit? Totoo diba? Gusto mo lang talaga manggulo kaya simula pa lang kung ano ano ng panggugulo ang ginagawa mo. Bakit kase—❞ hindi ko na rin alam. Nasasaktan na rin ako sa sinasabi niya eh.
❝Alyshia, gusto kita. Sobrang gusto kita. Hindi pa ba sapat na dahilan yun para marealize mo kung bakit ko 'to ginagawa?❞
❝Gusto lang naman kitang maging kaibigan dati pero hindi ko alam kung bakit I've decided to cross the line. Hanggang dun lang dapat ako kaso bakit kase nagkagusto ako sayo?❞
❝Ginawa ko lahat kahit na napapahiya ako sa iba kase gusto kong ipakita sayo kung gaano ka-sincere sayo. Hindi ko naman din ginusto eh, kase alam kong kapag nagkagusto ako sayo, wala akong makukuha❞
❝Pero here I am. Totoo yung sinabi ko sayo sa Ferris Wheel. Hindi yun biro, hindi lang kaibigan turing ko sayo. Alyshia, you didn't know how much I am hurt kapag malungkot ka. Pero alam mo kung ano yung masakit?❞
❝That was for having this stupid feelings kahit alam kong hindi mo ko makikita. Akala ko this was a good thing pero narealize ko na oo nga pala, wala pala tayong chance❞
❝Please don't say na ginagawa ko 'to kase nagbibida ako. Gusto kong tulungan kang maging maayos ulit. Because that was one of my goals, to complete you pero siguro nga tama ka, masyado akong nangialam. I'm sorry for that. I was dreaming that maybe I could be the one to complete you again❞
❝Ano pang gusto mong gawin ko para makita mo rin ako? Alyshia, paano ako? Gusto kita. Anong lugar ko sayo? Andito pa ako oh❞
Sino ba kase naka-imbento ng one sided love? Sobrang sakit ha! Pero sabagay, kasalanan ko naman 'to eh. Hinayaan kong mahulog yung sarili ko sa taong alam kong imposible na magkagusto rin sakin.
Junkyu, you are so stupid!
❝Junkyu, hindi kita pwedeng mahalin❞
Alam ko naman eh, kaya kasalanan ko lahat. I became too confident of myself na baka pwede, baka may chance.
❝Kailangan ko bang ubusin lahat ng meron ako para magustuhan mo rin ako?❞
Hingal na hingal pa ako pagkatapos kong sabihin lahat ng yun. Grabe, how come I had been keeping all these petty thoughts of mine for couple of months.
Akala ko eto lang yung masakit eh, pero mas nasaktan ako nang tumawa siya like I was telling a funny joke. Joke na pala mag-confess ng totoong nararamdaman ngayon? Wow nice.
❝Stop telling bullshits, Kim Junkyu. And stop messing up with me. Wag kang mangialam ng buhay ng iba because I wasn't doing the same to you❞
Great.. Just great!
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
❛Childish❜┇TREASURE's Junkyu
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Kailangan ko bang ubusin lahat ng meron ako para magustuhan mo rin ako?❞ ➳ Wherein Kim Junkyu liked Alyshia Yoon ever since she saved him and acted more childish and cute hoping that she'd fall for him ❙ Kayamanan Series #2 ❙...