︰sixty-nine

37 2 0
                                    

JUNKYU

❝Woooh! Kaya mo yan, Junkyu! Fighting!❞ pero seryoso, sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan.

Eh kasi diba mamaya mapahiya lang ako sa harap ng tatay ni Yshia. Hindi ko kakayanin pag nangyari yun huhu.

❝Kaya mo yan! Kumalma ka lang muna❞ sabi ko sa sarili habang nakatingin ng diretso sa salamin.

Sumabay ako kay Mommy sa hospital and nagtataka rin siya kung bakit daw ako pupunta dun. Sinabi ko na lang sa kanya na may bibisitahin akong kaibigan para hindi na rin siya magtaka.

Kung ano mang magiging kalalabasan ng pag-uusap namin ng papa ni Alyshia, sana talaga wala akong masabi or magawang kahihiyan. Mukha pa namang strikto 'to si Mr. Yoon.

I was at the elevator at pakiramdam ko ang panghihina ng tuhod ko. Hindi ko alam kung tutuloy pa ako pero binigyan ako ng chance ni Mr. Yoon, ayokong masayang pa 'tong opportunity na 'to dahil lang sa takot ko.

Nang marinig ko ang tunog ng elevator ay agad kong inayos ang sarili ko saka naglakad para hanapin ang room number ni Mr. Yoon.

Ilang kwarto na lang at 304 na, sobrang kinakabahan ako pero bahala na.

Tumigil ako sa harap ng pinto ng kwarto saka muling kinalma ang sarili ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'to ginagawa pero one thing is for sure, I want Alyshia to be happy again.

Alam ko rin na magagalit siya sa gagawin ko pero bahala na.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok. Pag pasok ko pa lang ng kwarto ay may nakita akong tao na nakatayo sa harap ng bintana. Tahimik ang paligid, mas lalo tuloy akong kinabahan.

❝M-mr. Yoon?❞ nauutal na tawag ko sa kanya. I saw him turned around saka ngumiti ng bahagya.

❝You must be Junkyu❞ napalunok na lang ako nang marinig ko ang ma-awtoridad na boses ni Mr. Yoon.

❝Y-yes sir❞ sagot ko. Junkyu, umayos ka!

❝Have a seat❞ sabi niya sabay turo sa isang silya na nakatabi sa kama niya. Ngumiti muna ako saka umupo sa tabi niya.

Lord, kayo na pong bahala sakin kung ano mang mangyayari ngayon.

❝What made you think of talk to me?❞ napaupo ako bigla ng maayos nang tumingin siya sa gawi ko saka sinubukang magsalita.

❝Sir, wag niyo po sanang masamain pero gusto ko po sana kayong tulungan to make it up with Alyshia❞ nakita kong mas lumawak ang ngiti niya nang mabanggit ko si Alyshia.

You know, that bright smiles of Dads kapag nakikita nila yung anak nila for the first time.

❝Ahh, my daughter. Is she doing well?❞ napakurap lang ako bago tumango.

❝Yes sir. Ang totoo po niyan, she was really focused on studying. Sumali rin po siya sa Volleyball Team ng school❞

❝Are you her friend?❞ ngumiti lang ako ulit saka tumango.

Yes sir, friends lang kami.

❝Alam mo, I'm surprised that he has guy friends. Tuwing bibisita ako sa school ng batang yun, palaging si Denise ang kasama niya❞

❝And one more question❞ napaangat ang tingin ko kasabay ng muling malakas na pagtibok ng puso ko sa kaba. Hindi ako sanay na ganito ka-seryoso ang paligid jusko.

❝A-ano po yun?❞

❝Do you like my daughter?❞ halos masamid ako kahit wala naman akong kinakain sa naging tanong ni Mr. Yoon.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA paano niya nalaman yun?

❝P-po?❞ I asked in pure confusion. Or baka naman nahihilo lang ako at kung ano ano lang naririnig ko?

❝Hijo, may gusto ka ba sa anak ko?❞ hindi ko alam ang isasagot ko. Alam ko naman sa sarili kong oo, gusto ko siya. Sobra pa sa sobra. Pero at some point, nakakahiya eh.

❝So I guess it's a yes❞ ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kaya yumuko na lang ako. Nakakahiya talaga.

❝Siguro nagtatanong ka kung paano ko nalaman yun❞

❝It's because you're obvious, hijo. I can see how bright your smile nang itanong ko si Alyshia sayo. Your eyes can't lie❞ Wow, hindi ko alam na manghuhula pala 'tong si Mr. Yoon. Hahaha joke.

❝How did you two met?❞ Sir, balak mo po ba akong pakiligin ngayon? Wag naman pong ganun :((

❝Ahh sa totoo lang po, Alyshia helped me with bad guys po. I know it's unusual to hear pero si Alyshia lang po yung naglakas-loob na tulungan ako❞

❝Simula pa lang po sobrang hanga na ako sa katapangan ni Alyshia and that made me realize that I want to be her friend. Alyshia doesn't like me at first pero I was really consistent about keeping her❞

❝Kinulit ko po siya araw araw because that was the only thing I am good at. I thought everything will be alright but not until I realized that I was excited to meet her everyday or to talk with her not because I still wanted to be her friend❞

❝Mr. Yoon, sa maniwala man po kayo or hindi, I really like your daughter, so much. So much that I would do anything just to make her happy❞

❝Sorry po kung bigla bigla akong nage-email sa inyo. Sorry rin po about liking your daughter. I just.. I just couldn't help myself❞

Lalo pa ngayon na alam kong kailanman, hindi darating ang araw na magugustuhan niya rin ako. Kaibigan lang naman ang tingin nun sakin. Maybe I shouldn't expect more.

❝Simula mamatay ang Mom niya, Alyshia changed. And it was all because of me, Junkyu. Hindi basta basta magalit si Alyshia. Sure ka ba na willing kang tulungan ako?❞

❝Yes Mr. Yoon. Kahit pa magalit siya sa akin, I would do anything for her❞ nakaramdam ako ng ginhawa nang makita kong nginitian niya ako.

And what more surprised me is when he patted my shoulder.

❝Junkyu, there's nothing wrong about liking my daughter. And I was about to say that I was proud of you for helping me. Alyshia deserved someone like you❞

Ngumiti lang ako. She doesn't deserve me, she deserved someone na mas better sakin. Wala naman akong ginawang matino sa buhay niya pwera sa panggugulo eh.

TO BE CONTINUED..

❛Childish❜┇TREASURE's JunkyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon