Alessia Rae's Pov.
Inis na bumaba ako ng building para bumili ng pagkain ng devil 😈 boss ko. Pa'no ba naman, paglabas ko ng kwarto niya ay nauntog ang noo ko dibdib niya dahil nakatayo pala siya sa harap ng pinto.
Pagkatapos sinabihan na naman akong 'idiot'. Eh, kung sapakin ko kaya ang mukha niya ng makita niya ang kayang gawin ng isang idiot!
Peste!
Hehehe.
Sorry Papa Lord. Nagmura na naman ako. Sige lang ilista mo lang senior San Pedro. Tapos babayaran na lang kita kapag marami na.
Hehehe.
Joke lang naman po, eh.
Kailangan ko lang iwaksi iyong kumag kong boss!
Baka makagawa pa uli ako ng hindi maganda. Ayaw ko naman na magkasala 'no!
Jusko!
Baka hindi ako makapasok sa langit kapag patay na ako!
Hmp!
Baka hindi ko na makita si Tatay sa langit pagnagkataon.
Nang makarating ako sa restaurant na malapit ay nag order na ako ng pagkain ni boss.
Sarap lagyan ng lason ang pagkain niya, eh! Nang matsugi na siya. Tapos ako ang papalit na maging CEO.
Sus!
Kaya ko kaya magpatakbo ng kompanya. Patatakbuhin ko lahat ng emlpeyado sa kompanya.
Eh, 'di napatakbo ko na ang kompanya kapag gano'n. Pfft!
Joke lang.
Para na akong sira rito. Binayaran ko na lang ang pagkain ni boss bago lumabas ng restaurant. Agad na akong bumalik sa kompanya.
Baka makatanggap na naman ako ng salitang 'idiot' o kaya ay 'stupid'.
Psh!
Hayst!
Pero kahit papaano ay maayos naman ang trabaho ko. Hindi gano'n ka bigat. Kayang-kaya ko lang naman.
Kelangan ko nga lang na pagtiisan iyong masungit kong boss. Pero kapag panay ang 'idiot' at 'stupid' na lalabas sa bibig niya.
Papatayin ko na talaga siya!
Papatayin ko siya sa halik! Ang gwapo kasi kahit masungit! Lalo na kapag naka side view! Ang tangos ng ilong mga pre!
Gusto ko sana magpalahi sa kaniya, eh!
Hehehe.
Pero huwag kayo, ah! Hindi ako malandi. Biro lang 'yon.
Nang makaakyat ako sa floor ng office ni boss ay inayos ko muna ang buhok at mukha ko.
Baka may dumi at masabihan pa akong panget. Hindi naman ako panget. Maganda at cute kaya ako.
Ang aangal punta kayo rito sa HENDERSON COMPANY! Bibigyan ko kayo ng halik!
Marunong akong humalik, ah! Oo, marunong talaga ako!
Ako pa!
No boy friend since birth kaya ako pfft!
Hayst!
Kumatok na lang ako bago pumasok. Formal mood na naman tayo para hindi matanggal sa trabaho.
"Heto na po, boss." sabi ko pa.
Hindi ito nagsalita kaya napairap na lang ako at naglakad papasok sa kusina.
Hinanda ko ang pagkain niya pagkatapos ay nagtimpla ako ng juice.
![](https://img.wattpad.com/cover/256122519-288-k916644.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Husband (Complete)
RomanceWarning ⚠️: Rated SPG Alessia Rae Salvatore, isang simple at ambivert type na babae, minsan ay maluko at makulit pero strong ang personality. Pilit siyang nagmakaawa sa isang CEO ng kompanyang pinag aplayan niya. Nag resign kasi ito sa pinagtrabahu...