Alessia Rae's Pov.
I years later
Pagod na naupo ako sa sofa sa sala ng bahay ni boss. Kakatapos ko lang ayusin ang mga groceries na pinamili ko dahil ubos na ang stock.
Pasado alas-nuebe pa ng umaga. Pagkatapos ko kasing maglinis sa malaking bahay ni boss kanina ay umalis ako para mag groceries.
Isang taon na rin akong nagtrabaho bilang assistant niya. Nag thank you na rin siya dahil sa pagligtas ko sa Mommy niya noon.
Kung saan siya nando'n rin ako. Kapag hindi ako sasama sasabihin niyang...
"Miss Salvatore, do you want to be fired?"
"Miss Salvatore, gusto mo bang masisante?"
Iyan lagi ang lumalabas sa bibig niya tuwing tatanggi akong sumama sa kaniya.
Mula nang inutusan niya akong kunin lahat ng gamit ko dahil nagmamadali siya ay 'yon pala sa bahay niya ako patitirahin.
Para hindi raw ako malate sa trabaho at no need na tawagin pa niya ako lagi.
Mas mabuti raw na rito ako tumira sa bahay niya para sabay na kaming pumunta sa kompanya.
Noong una ay tuwang tuwa ako dahil makakatira ako sa ganito kalaki at kagandang bahay.
Pero kalaunan ay naiinis ako. Pa'no ba naman, daig ko pa ang katulong!
Ako lagi ang naglilinis ng buong bahay. Minsan niya lang papuntahin ang caretaker niya.
Pati maglaba ng mga damit niya ay ako! Magluto ng pagkain ay ako! Magtimpla ng kape, mag ayos sa mga damit niya!
Ako rin ang nagplantsa sa mga damit na susuotin niya sa kompanya! Lahat ako!
Pati iyong kapag nagpunta kami sa mall para bumili ng kakailanganin sa bahay niya ay ako ang pinapili niya!
DAIG KO PA ANG ASAWA NIYA!
Jusko!
Kung totoo sana ay ayos na ayos lang sa akin! Pero hindi, eh!
Hmp!
Minsan naiisip kong sasapakin ko siya. Minsan naman naisipan kong lagyan kaya ng lason ang kape o pagkain niya?
Hehehe.
Pero syempre, hindi ko gagawin 'yon. Masama kaya 'yon, ano!
Ayaw ko pang makulong habambuhay. Ayos lang sana kung makulong ako sa mga matipunong braso ni boss.
Kahit habambuhay go na go ako!
Hehehe.
Actually, mula nang tumira ako rito ay hindi naman masyadong harsh sa akin si boss.
Maliban nga lang na para niya akong katulong.
Tss!
Pero minsan kinikikig ako. Shhh! Lang kayo, ah!
Pa'no ba naman, sabay kami lagi ni boss kakain, manood ng tv, pupunta sa kompanya. Minsan pinagbuksan niya ako ng pinto, tapos minsan hinawakan niya ako sa kamay.
Oh, 'di ba? Sinong hindi kikiligin niyan?
Tapos ako pa lagi ang nag-aayos ng necktie niya.
Oo!
Ako nga! Minsan nga nagkatitigan kami, eh! Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag napapadikit o nagkakatitigan kami.
Hehehe.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Husband (Complete)
RomansaWarning ⚠️: Rated SPG Alessia Rae Salvatore, isang simple at ambivert type na babae, minsan ay maluko at makulit pero strong ang personality. Pilit siyang nagmakaawa sa isang CEO ng kompanyang pinag aplayan niya. Nag resign kasi ito sa pinagtrabahu...