chapter seven

3.4K 98 0
                                    

Alessia Rae's Pov.

Nakabalik na kami rito sa kompanya at pasado alas-kwatro pa naman ng hapon. Wala na rin dito iyong lalaking pumasok sa office ni boss kanina. Umuwi na ata. Nakaupo ako sa swivel chair at tiningnan ang schedule ni boss bukas.

Mamayang alas-singko pa ang out ko. Hayst. Wala naman na akong gagawin. Biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Pagtingin ko si Milo pala.

From: Milo
Sige. Dadaan ako sa palengke mamaya para bibili ng chicken meat.

Reply pa nito sa text ko kanina. Napangiti na lang ako. Ang sarap kaya humigod ng sabaw ng karneng manok.

"Alessia, tinawag ka ni boss." sabi pa nito.

Mabilis na tumayo ako at naglakad palapit sa pinto ni boss. Kumatok ako pero walang sumagot.

Bakit ba kapag kakatok ako hindi siya sumasagot? Pektusin ko kaya siya?

Tsk!

Pumasok na lang ako sa loob. Nakasandal ito sa swivel chair niya habang nakapikit.

Wusho!

Ang pogi namin niya kapag nakapikit. Hayst! Pipikit na lang kaya siya lagi kasi para siyang anghel 'pag gano'n.

Kahit ilang araw pa ako rito ang pinakaiinisan ko ay ang kasungitan niya. Lalo na kapag sinasabihan akong 'stupid' at 'idiot'.

Kunti na lang talaga reypin ko na siya. Hmp!

Nakatingin lang ako sa kaniya. Nakapikit naman siya kaya 'di niya----

"Stop staring."

--malalaman.

Tss!

Akala ko ba hindi niya malalam? Paano niya nalamang nakatitig ako sa kaniya? Ang totoo? May powers ba si boss?

Hehehe.

Hayst!

"Pinatawag mo raw ako, boss?" tanong ko pa.

"I want coffee." walang ganang sabi pa nito.

Lihim na napataas ang kilay ko. Iwant coffee raw tapos ang boses niya para namang ayaw sa kape, eh.

Psh!

"Sandali lang po, boss." sabi ko at pumunta sa kusina.

Nagtimpla ako ng kape niya. Pagkatapos ay lumabas ng kusina at ibinigay sa kaniya ang kape.

"Heto na po, boss." sabi ko sabay lapag ng kape.

Nagmulat siya ng mata at kinuha ang kape bagi uminom. Nakatayo lang ako sa harap niya habang nakatingin sa kaniya.

Kita ko pa ang paggalaw ng adams apple niya ng lunukin niya ang kape.

Ang manly naman!

"Stop staring." sabi pa nito.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Bakit ba kasi ang attractive ng kumag na ito!

Kahit napakasungit niya ay nawawala ang inis ko kapag makita ko ang gwapo niyang mukha.

Ayst!

Kundi lang sana siya masungit wala sana siyang bad record sa utak ko hehehe.

"Idiot."

(0_9)

Napatingin ako sa kaniya. May ginawa ba ako para sabihan niya ng idiot.

Sira 'tong lalaking to, ah!

My Boss Is My Husband (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon