Chapter Nine

3.3K 125 2
                                    

Alessia Rae's Pov.

Nandito ako sa kusina ng office ni boss. Pagkatapos kasi niyang linisin ang sugat ko kanina ay pumunta siya sa conference room para sa meeting with board members.

Si Kath ang kasama niya roon kaya naiwan ako rito. Wala naman kasi akong gagawin. Kaya naisipan kong magluto na lang para sa lunch ni boss.

Lagi na lang kasi nagpapabili ng pagkain, eh.

Mukhang hindi na ata nakakain ng house made na pagkain.

Binuksan ko ang ref at tiningnan kung anong meron. Halos kompleto ang nandito pero mukhang wala lang magluluto kaya hindi nagalaw ang mga ito.

Napatingin ako sa mga fruits. Natakam tuloy ako. Hehehe.

Maya ka sa akin. Hindi ka na maabutan ng boss mo kakainin na kita.

Sabi ko sa isip ko bago tiningnan ang iba pang laman ng ref. May mga meat, freeze meat, ham, hotdog, bacon at iba pang madali lang lutuin.

Napatingin ako sa vegetables section. Wala masyadong gulay.

"Hindi ba siya kumakain ng gulay?" tanong ko pa.

Hayst!

Naglabas na lang ako ng chicken meat, para sa lulutuin kong adobo. Naglabas rin ako ng chinese pechay. Magluluto rin ako ng sinabawang karne ng baboy.

Nagsuot na muna ako ng apron para hindi ako madumihan.

Nagluto na muna ako ng kanin gamit ang rice cooker. Pagkatapos ay nag slice ako ng karneng manok para sa adobo. Gano'n na rin ang karneng baboy para sa sabaw.

Nagslice na rin ako ng mga rekados para sa adobo at pati ang pechay.

Pagkatapos kong hugasan ang mga meat ay nilagyan ko ng mantika ang kawali ng uminit na ito. Ang adobo na muna ang lulutuin ko.

Isinunod ko ang bawang at union. Hinalo-halo ko pa ito at napangiti na lang ako dahil ang bango. Pagkatapos ay inilagay ko ang karne ng manok at hinalo.

Hindi ko na nilagyan ng tubig dahil may tubig naman galing sa karneng manok.

Hinayaan ko na muna ito at hinanda ang para sa sabaw na lulutuin ko. Stove naman kasi ang gamit. Sa kabilang lutuan ko nilito ang sabaw. Idinaan ko pa sa paggisa ang karne ng baboy at nilagyan ng tubig pagkatapos.

Habang naghintay pa akong kumulo ang sabaw ay tinimplahan ko ang adobo ng lumambot na ito. Nilagyan ko pa ng paminta para medyo maanghang siya.

Hanggang sa matapos akong magluto.
Napatingin ako sa relo ko. Mukhang tapos na sila sa meeting dahil lunch time na.

Hinugasan ko na lang muna ang mga ginamit ko sa pagluto habang hinihintay si boss.

Maya-maya lang ay narinig kong bumukas ang pinto.

"Bakit nandito ka na naman?!" rinig ko pang iritang tanong ni boss.

"Psh! Ang init ng ulo mo, dre. Bawal bang pumunta rito?" tanong pa ng isang lalaki.

Mukhang iyong lalaking pumunta rito kahapon ang kasama niya.

Mabilis na naghain na lang ako at hinanda ang pagkain sa mesa.

"Woah! Bakit amoy bagong lutong ulam?" rinig ko pang sabi ng lalaki.

Nakarinig ako ng yabag na papunta rito sa kusina.

My Boss Is My Husband (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon