Chapter 0ne

7.1K 138 12
                                    

A/N: Hello Blueeems! I hope you will enjoy reading. Sensiya na kung hindi maganda ang story ko ah.😊

Alessia Rae's Pov.

Hingal na hingal ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Panay ang tingin ko sa paligid at umaasang may makita akong pwedeng pasukang trabaho. (Alangan namang kuweba 'di ba?)

Hehehe.

Pero ramdam ko talaga ang pagod ko ngayon. Kanina pa kasi akong umaga kakalakad, eh.

Oo!

Naglalakad lang ako. Kasi naman wala akong perarets mga beshy bells! Wala akong pampamasahe sa jeep.

Naisipan ko nga kanina na magnakaw, eh. Pero jusko! 'Di ata kayanin ng konsensiya ko kapag ginawa ko 'yon.

Hindi ko rin kayang gawin ang gano'ng mga bagay.

Mabait kaya ako! 'Di ba readers? Nabasa niyo sa prologue kanina 'di ba? Ang bait ko hindi ko kinalbuhan at sinabuyan ng mainit na tubig ang mukhang petrang kabayo na kalaguyo ng animels kong ex-boyfriend!

Hmp!

'Wag na natin pag-usapan ang animels na 'yon kasi nababadtrip ako kapag naalala ko. Ipagpalit daw ba ako sa isang mukhang petrang kabayo?

Abah! Sino ang hindi pagtaasan ng dugo niyan! Naiinsulto ang pagkatao ko sa ginawa niya.

Tss!

Sa ganda ng peslak ko na 'to ipapalit lang ako sa mukhang kabayo? Hindi ko ata tanggap 'yon.

Ikaw ba na nagbabasa nito. Tanggap mo ba na ipagpalit ka ng boyfriend mo sa mukhang petrang kabayo?

Naku!

Kung ako sa inyo, bantayan niyo iyang mga jowa niyo. Baka 'di niyo namamalayang ipinalit na pala kayo sa isang kauri nila.

Tulad ng walang hiya kong boyfriend---este ex-boyfriend pala. Animels siya!

Ang sweet sweet niya sa mga text niya sa akin.

May pa I love you I love you pa ang t*ngina! Tapos ako naman si tanga as in T.A.N.G.A ay kilig na kilig.

Pangiti-ngiti habang nakatingin sa text ng animels kong boyfriend!

Sino ba naman ang hindi kiligin 'di ba? Ikaw nga na nagbabasa nito sinabihan ka lang ng jowa mo na...

"You're the love of my life. My beautiful lady in my heart."

"Ang ganda mo. Para kang si Liza Soberano. Ngiti pa lang napapa-ibig mo na ako.😍"

"Love, oxygen ka ba? Kasi hindi ako mabubuhay kung wala ka.😉"

(Tapos naghiwalay, 3 weeks later. Nakita mong buhay na buhay ang animels mong jowa. May kalaguyo pang iba. Nasaan na ang 'hindi ako mabubuhay kung wala ka? Hanep na 'yan!)

"Babe, tubig ka ba? Kasi too big ang pagmamahal ko sa'yo.😉"

"Ang ganda mo. Ikaw ang pinaka maganda na nakikita ng aking mga mata.😍"

"Hon, honey ka ba? Kasi ang tamis tamis ng buhay ko mula ng naging tayo."😘

(Alangan! Honey nga 'di ba? Matamis talaga. Alangan namang mapait at maasim tulad ng relasyon nitong nagbabasa.🤭)

My Boss Is My Husband (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon