Dylan Davy's Pov.
Busy sa kusina si Mom at Miss Salvatore. They are going to cook for our lunch. I heard their voice that's why I can't concentrate on reading the documents that I read.
Tsk!
Napasandal na lang ako sa swivel chair ko bago ipinatong ang dalawang binti ko sa ibabaw ng table.
Pumikit ako at bumuntong-hininga. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi at kaninang umaga sa bahay.
*Flashback
I was sleeping when I smell something. Parang may nagluluto sa kusina.
Kaya nang bumangon ako ay napatingin ako sa tabi ko at wala na pala si Miss Salvatore.
Mukhang siya ang nagluluto. Kaya dumeretso na lang ako sa banyo para maligo. Habang naliligo pa ako kanina ay bigla kong naalala ang mukha ni Miss Salvatore habang natutulog kagabi.
Late na akong nakatulog kagabi is it because of her presence.
Naninibago ako dahil may kasama akong babae sa kawarto. Worst, katabi ko pang matulog.
Pasado alas-dose na ata ako nakatulog kagabi.
Napatitig pa ako sa mukha niya kagabi habang natutulog. Para siyang anghel kung matulog.
Hindi rin siya maingay matulog. I mean hindi siya humihilik. Payapa siyang matutulog kaya lang ang likot niya matulog.
Nagising pa ako kaninang madaling araw dahil naramdaman kong nakayakap na ito sa akin.
Natigilan pa ako dahil sa ginawa niya. At nang humarap ako ay ang maganda niyang mukha ang sumalubong sa akin.
Ang lapit lapit pa ng mukha niya sa mukha ko. I was about to move nang maisip ko na baka magising siya kaya hinayaan ko na lang.
Napapikit na lang ako at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
Tinapos ko na lang ang pagligo ko bago lumabas ng banyo.
Kumuha ako ng damit sa closet ko bago nagbihis. Nagsuot lang ako ng sando at shorts.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Pababa pa lang ako ng hagdanan nang makarinig ako na parang may kumakanta.
Nakapamulsang naglakad ako papunta sa kitchen at nakita ko si Miss Salvatore.
Nakaharap sa niluluto nito habang kumakanta. Ginawa pa niyang mic ang sandok.
Lihim na natawa ako.
"Stupid girl." mahinang bulong ko sabay sandal sa pinto at naka cross arm na pinanonood ito.
Hindi naman panget ang boses niya.
Napatingin ako sa damit na suot nito. It was my clothes.
Mahinang natawa pa ako dahil hanggang kalahati ng hita niya ang damit ko.
She's a silly pretty small.
Napalunok pa ako nang mapatingin sa hita niya. Napaiwas na lang ako nang tingin at pinanood na lang ito sa ginagawa niya.
Parang ang saya saya ata ng babaeng 'to. Sakto namang pinatay niya ang stove bago humarap habang kumakanta pa rin.
Nakita ko ang nanlalaking mga mata niya nang makita ako.
Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya.
Fvck!?
Why the hell she's not wearing a bra? Lihim na napalunok ako.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Husband (Complete)
Lãng mạnWarning ⚠️: Rated SPG Alessia Rae Salvatore, isang simple at ambivert type na babae, minsan ay maluko at makulit pero strong ang personality. Pilit siyang nagmakaawa sa isang CEO ng kompanyang pinag aplayan niya. Nag resign kasi ito sa pinagtrabahu...