Chapter twenty-eight

4K 102 0
                                    

TAHIMIK na nakatingin si Davy sa malawak na karagatan habang nakaupo sa pino at puting buhangin. Kakagising lang din niya at doon dumeretso para magmuni-muni. Ito na rin ang araw ng kaarawan niya, kagabi pa tawag nang tawag ang ina niya pero hindi pa rin niya ito sinasagot. Kukulitin lang din naman siya ng ina para sa party na hinanda nito sa kaniya. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago humiga sa buhangin.

Napatitig siya sa kulay asul na kalangitan, napakaaliwalas ng langit. Hindi naman ganun ka tirik ang araw dahil pasado alas-otso pa lang naman ng umaga. Ang sarap ding tingnan at pinakatitigan ang langit ngunit habang tumatagal ay iba na ang nakikita niya.

"Fvck!" He cursed.

Ipikit niya ang mga mata pero ang mukha ni Alessia ang nakikita niya. Kagabi pa siya walang maayos na tulog sa kakaisip sa babae.

He wanted to find her at the resort but everytime he tried to, he lost his courage to find her.

Napamura siya sa gukat bang may biglang kumalabit sa kaniya. Nagmulat siya ng mata at akmang mumurahin ang kung sinong pangahas na umisturbo sa kaniya nang mapatigil siya.

Isang maamo at cute na mukha ng bata ang bumungad sa kaniya. Inosenteng nakatingin ito sa kaniya, kalaunan ay bahagyang nagsalubong ang kilay nito na para bang nakakita ito ng kataka-takang tao.

"I thought you were dead, Mr.," anas nito sa matigas na tinig.

He frowned.

'Bata ba 'to?'

Tanong niya sa isip bago bumangon at muling tumingin sa bata. Tumayo naman ito at pumunta sa harapan niya. Unti-unting kumunot ang noo niya nang mapansing parang pamilyar sa kaniya ang mukha ng bata. Parang nakakita na niya ang hitsura nito.

"Hey!" Kaway ng bata sa mukha niya.

"Hi," kalmadong bati niya rito.

"Why are you sleeping here alone?" Fluent na tanong nito.

He look sound's matured and adult the way he spoke to him.

"I just want to relax here, kido," tugon niya.

Nag-'O' ang bibig nito at biglang naupo sa kandungan niya. Sa gulat ay hindi siya agad naka-react sa pag-upo nito sa hita niya.

"I'll accompany you here then," wika nito na nilalaro ang hawak nitong laruan na baril.

Looking at the kid made him felt strange.

"Where's you parents?" Tanong niya rito.

Itinuro nito ang sa tingin niya ay pinagmulan nito kanina.

"There." Tugon nito.

"Then why did you left without your parents?" Kalmadong tanong na naman niya.

Nagkibit-balikat ang bata at itinutok sa laruang baril ang atensyon nito. Napahinga na lang siya at napapailing, malamang nag-aalala na ang magulang nito sa kaniya.

"Do you wanna get inside?" Ata niya sabay turo sa rest house niya.

Tumingin naman doon ang bata saka uli tumingin sa kaniya sabay tango. Nagniningning pa ang mga mata nito na para bang excited ito makapasok sa bahay niya.

Natatawang binuhat niya ito saka tumayo. Pumasok siya sa rest house bago ibinaba sa sofa ang bata na iginala agad ang paningin sa buong silid.

"What do you want to eat?" He asked.

"Do you have an alcoholic drinks?" Inosenteng balik tanong ng bata na ikinalaglag ng panga niya.

Napanganga siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa bata. Naka-cross na ang mga braso nito sa dibdib niya habang nakatingin sa kaniya.

My Boss Is My Husband (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon