chapter eighteen

3.2K 106 5
                                    

Alessia Rae's Pov.

Nandito na kami ni Boss sa airport ngayon para sunduin ang girlfriend niya.

Noong pumasok ako sa office niya kanina ay sinabi niyang pupunta kami rito.

Umuwi na raw ang girlfriend niya at nagpapasundo ito.

Hayst.

Kung bakit kasama pa kasi ako, eh.

Tss!

Tiningnan ko si boss. Blanko lang ang mukha niya habang naka cross arm na nakasandal sa upuan niya.

Ayaw niyang pumasok sa waiting area ng airport kaya rito kami naghintay sa loob ng kotse.

Napakagat labi pa ako habang nakatingin kay boss. Ang gwapo talaga niya.

Daig pa niya ang pang Hally wood actor or model, eh.

Ang perfect ng mukha.

"Stop staring at me." walang lingong sabi nito.

(0_0)

Napansin pala niya?

Hehehe.

"Ang gwapo mo talaga boss, ano?" biglang tanong ko pa.

Nakita kong gumalaw ang bagang ni boss.

Naks! Pa'no ba gawin 'yon?

Lumapit ako kay boss at tinitigan ang bagang niya.

"What are you doing?" salubong ang kilay na tanong nito.

"Paturo nga kung paano pagalawin ang bagang, boss. Ang cool mo kasing tingnan." nakangiting sabi ko pa.

Itinaas ko pa ang kamay ko at sinundot ang pisnge niya.

Ang lambot hehehe.

(0_0)

"Are you teasing me?" biglang tanong pa nito habang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Napalunok ako.

"H-hindi." kinakabahang sagot ko.

Nag smirk siya at tinitigan ang labi ko.

"Wahh!"

Mabilis na lumayo ako sa kaniya nang ilapit pa niya lalo ang mukha niya. Napatakip pa ako ng bibig.

Baka nakawin niya uli ako ng halik, eh.

Nakuha na niya kagabi ang first kiss ko, eh.

Huhuhu.

Rinig ko pa ang mahinang tawa nito.

"Silly girl." napapailing na sabi pa nito.

"Oo nga pala, boss. Anong name ng girlfriend mo?" tanong ko pa habang nakatingin sa labas.

Marami na ang nagsilabasan sa airport.

"Venice," maikaling sagot niya.

Venice?

Pangalan pa lang halatang maganda na.

"Siguro ang ganda niya. Pangalan pa nga lang ay maganda na." sabi ko pa.

Naalala ko ang sinabi ni Kathy. Hindi raw masyadong sweeet si boss sa gf niya.

Para nga raw silang kaibigan lang, eh.

Nilingon ko si boss. Nakapikit na siya.

"Boss," tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

My Boss Is My Husband (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon