Alessia Rae's Pov.
Tahimik lang ako habang nakaupo at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Paminsan-minsan ko pa sinusulyapan si boss.
Ang awkward kasi ng feeling ko. Pa'no ba naman. Akala ko kanina ay hahalikan niya ako. Ang lapit-lapit kasi ng kurimaw, eh!
Ramdam ko na naman ang pag-init ng pisnge ko. Pasimple na tumingin na lang ako sa labas.
Shemay!
Baka mahuli pa akong namumula, eh! Huhuhu.
Nag emote lang naman ako kanina, eh. Ikaw ba naman ang tumayo ng halos dalawang oras sa harap ng table niya. Habang siya ay prenteng nakaupo habang nagbabasa.
Naubos nga ang battery ng cellphone ko kaka facebook, eh. Kaya ayon, dahil sa ngalay ay natumba ako sa sahig at iidlip sana ako kung 'di lang sumigaw ang devil na ito.
Tss!
Kundi lang siya gwapo sinapak ko na mukha niya, eh.
Kaya kahit na sumasakit ang binti ko kanina ay lumabas na lang ako ng kompanya para umiwi. Nag-abang ako ng jeep pero walang dumaan.
Akala ko pa nga imahinasyon ko lang ang narinig kong pagtawag niya kanina.
Hayst!
Inaantok ako kanina pero biglang nawala dahil nga sa akala ko hahalikan niya ako.
Ang assuming ko 'no?
Hehehe.
"Where is your house?" biglang tanong pa nito.
Hindi ako nagsalita at tinuro lang ang daan.
"What? Nasa daan ang bahay mo?" salubong ang kilay na tanong pa nito.
Napakunot naman ang noo ko.
"May sinabi ba akong sa daan? Kelan pa nagkaroon ng bahay sa gitna ng kalsada?" sarcastic na tanong ko pa.
Lubusin ko na habang wala kami sa kompanya.
Naku!
Hindi pa ako nakabawa sa kaka stupid at idiot niya sa akin, eh!
Hmp!
"Stupid woman!" tanging sabi niya.
See?
Stupid woman na naman.
Noong una, stupid girl, idiot tapos ngayon stupid woman na naman?
Pigilan niya ako readers, puputulin ko dila nitong devil kong boss.
Tss!
"Nakakarami ka na, ah." masama ang tinging sabi ko sa kaniya.
Hindi naman niya ako pinansin. Para nga siyang walang narinig, eh!
Sus!
Baka puno ng atuli ata tainga niya, eh!
Sus!
Ke gwapong nilalang pero hindi marunong maglinis ng tainga.
Yuck!
Tumingin ako sa labas at...
"Tigil!!!" mabilis na sigaw ko dahil lumagpas na kami sa apartment namin ni Milo.
"Shit!/ Ay belat!" sabay na sigaw pa namin ng ipreno niya bigla ang kotse.
Kundi lang ako naka seatbelt paniguradong napasubsob ang maganda kong mukha sa harap.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Husband (Complete)
RomantikWarning ⚠️: Rated SPG Alessia Rae Salvatore, isang simple at ambivert type na babae, minsan ay maluko at makulit pero strong ang personality. Pilit siyang nagmakaawa sa isang CEO ng kompanyang pinag aplayan niya. Nag resign kasi ito sa pinagtrabahu...