Alessia Rae's Pov.
One week na mula no'ng mangyare sa ice cream shop. Balik sa bahay na naman ako ni boss---este ni Davy. Buti na lang talaga at hindi pumunta sa bahay niya ang girlfriend nito---este ex pala.
Oo!
Ex!
Sinabi ni boss na kinausap niya si Venice noong nakaraan at nakipag hiwalay daw siya ng maayos. Hindi ko alam kung bakit 'yon ginawa ni Davy.
Siguro nga totoo ang sinabi niyang wala siyang nararamdaman kay Venice. Nakaramdam din ako ng awa sa malditang babaeng 'yon.
Panay pa nga ang tawag niya kay boss sa cellphone pero hindi sinasagot ni Davy. Kahapon ay pumunta ito sa kompaniya pero hindi ito kinausap ni Davy. Nagulat pa nga ako ng samaan ako ng tingin ng babaeng 'yon kahapon.
Parang galit na galit ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong matandaang kasalanan sa kaniya, eh.
Nagkasagutan rin sila ni Kathy kahapon. Pa'no ba naman binunggo niya si Kathy kaya ayon! Plakda sa sahig si Kathy.
Kundi ko pa sila inawat hindi sila matitigil sa pagsisigawan, eh. Ayaw na ayaw talaga ni Kathy kay Venice.
At ngayon alam ko na kung bakit.
Tss!
Hanep kasi magsalita. Ang sakit ng mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Matapobre ang maldtiang 'yon. Naiinis rin ako dahil sa mga pinagsasabi niya kahapon kay Kathy.Mahirap talaga kapag mayaman ano? Nilalait na nila iyong mga taong hindi nila ka-level.
Psh!
Buti na lang hindi lumabas ang badside ko kahapon. Baka na sipa ko na siya sa mukha.
Hehehe.
"Uy! Bakit ka nakangiting mag-isa?" takang tanong ni Kathy.
Nandito kami sa mall ngayon at sinamahan niya akong mag groceries para sa stock sa bahay ni Davy. May lakad kasi si Davy at sinabi nitong nag groceries ako. Sabado kasi ngayon at binigyan kami ng day off ni Davy.
"Naisip ko lang ang nangyare kahapon sa kompaniya, Kath. Buti na lang hindi lumabas ang badside ko nang laitin ka ng malditang 'yon. Baka nasipa ko na siya sa mukha," natawang sabi ko pa.
Natawa siya at hinampas ako sa braso na ikinangiwi ko.
"Naku! I can handle her, Sia. Ayaw ko lang ma-bad record sa kompaniya kaya hindi ko binigyan ng sample kahapon." Natatawang sabi pa niya.
Napapailing na lang ako at lumapit kami sa meat area. Namili ako ng meat.
"Pero naawa ako sa kaniya," sabi ko pa.
Napatingin naman si Kathy sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.
"At bakit ka naman naawa sa isang tulad niya?" Taas kilay na tanong niya.
Inilagay ko sa cart ang napili kong meat bago nagsalita.
"Kasi nga 'di ba hiniwalayan siya ng boss natin?" Patanong na sabi ko pa.
Bigla siyang tumawa dahilan para mapatingin sa gawi namin ang ibang bumibili.
"Pfft! Buti nga sa kaniya! Alam ko na dati pa na hihiwalayan siya ni boss. Sino ba naman ang magkakagusto sa tulad niya?" Nakangiwing sabi ni Kathy.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Husband (Complete)
RomansaWarning ⚠️: Rated SPG Alessia Rae Salvatore, isang simple at ambivert type na babae, minsan ay maluko at makulit pero strong ang personality. Pilit siyang nagmakaawa sa isang CEO ng kompanyang pinag aplayan niya. Nag resign kasi ito sa pinagtrabahu...