Alessia Rae's Pov.
Gabi na at nandito na kami sa bahay ni boss. Matapos naming ihatid ang girlfriend niya kanina ay sa kompaniya na kami dumeretso.
May kailangan pa kasing permahan na mga papeles si boss kanina. Tapos nang uwian na ay sa bahay na kami dumeretso. Panay pa ang tawag ng girlfriend ni boss para magyayang magdinner sila ni boss sa labas pero ayaw naman ni boss.Pagod na naupo pa si boss sa couch habang napapahilot sa sintido nito.
Pumasok ako sa kusina para kumuha ng tubig pagkatapos ay lumabas ako at ibinigay kay boss ang tubig."Uminom ka muna ng tubig, boss." Sabi ko pa.
"Thanks." Maikling sagot nito at inabot ang tubig sabay inom.
"Aakyat na muna ako para magbihis bago magluto ng hapunan." Paalam ko pa.
"Mmm. Go ahead," sagot nito.
Tumalikod na ako at umakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto ko at inilapag sa table ang bag ko. Kumuha ako ng damit at pumasok sa baniyo bago nagbihis.
Pagkatapos ay lumabas na ako at dumeretso sa baba. Nakita ko pang may kausap si boss sa phone niya.
"Venice, I'm tired right now. I can't go with you." Rinig kong kausap niya sa girlfriend nito.
Halata nga ang pagod sa mukha ni boss. Tadyakan ko kaya para maging energize siya tulad ng red horse beer!
Tibay ang lakas!
Nakita ko 'yon sa advertisement sa tv. Sumipa 'yong kabayo, eh.
"Tsk! I'll talk to you tomorrow." Huling sabi ni boss bago ibinaba ang tawag.
Napapailing na lang ako bago pumasok sa kusina. Curious talaga ako sa relasyon ni boss at sa girlfriend niya.
Sa isang taon na magkasama kami sa isang bahay ay never ko pa siyang nakitang nakangiting kausapin ang girlfriend niya sa phone.
Kahit kanina sa labas ng airport.
Tama kaya ang sinabi ni Kath na parang hindi mag jowa ang dalawa kung umasta?Tss!
Ang girlfriend lang daw ni boss ang parang malambing minsan kay boss.
Bahala nga sila. Buti pa magluto na lang ako. Nagsaing na lang ako ng kanin bago nagluto ng ulam. Adobong manok ang niluto ko at nagtimpla rin ako ng juice."Ayiiee! Ang bango talaga ng niluto ko." Nakangiting sabi ko pa.
Umalingasaw kasi ang amoy ng adobo. Natakam tuloy ako. Napatingin ako sa relo ko. Pasado alas-syete pa naman ng gabi. Hinanda ko na ang pagkain sa mesa bago lumabas. Pagtingin ko sa sala wala na si boss.
Mukhang nasa kwarto niya.
Umakyat ako at kumatok ng tatlong beses sa pinto pero walang sumagot. Pinihit ko na lang ang seradura at sumilip sa loob. Hindi ko nakita si boss kaya pumasok ako.Nasaan 'yon?
Nakita kong bukas ang sliding door patungo sa verandah ng kwarto niya.
"Boss!" Tawag ko pa sabay lapit sa sliding door.
"Boss, kakain na tayo–––"
Napatigil ako ng wala akong makita. Napakamot na lang ako at pumasok na uli sa loob ng kwarto.
"Boss! Kain na tayo––waahhh!" gulat na sigaw ko pa nang makita kong bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si boss ng naka boxer lang.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Husband (Complete)
RomanceWarning ⚠️: Rated SPG Alessia Rae Salvatore, isang simple at ambivert type na babae, minsan ay maluko at makulit pero strong ang personality. Pilit siyang nagmakaawa sa isang CEO ng kompanyang pinag aplayan niya. Nag resign kasi ito sa pinagtrabahu...