Alessia Rae's Pov.
Nakayuko lang ako habang nakatayo sa harap ng bampira---este ng masungit na lalaking 'to. Sinigawan pa ako kanina dahil pinagkamalan ko raw siyang bampira.
Ang gwapong bampira naman nito pagnagkataon. Kaya lang masungit, eh!
Sino ba naman ang hindi 'di ba? Nakapatay ang mga ilaw habang puro itim ang mga kurtina.
Hayst!
Sarap tusukin ng ballpen ang maganda niyang mga mata.
Hehehe.
Ang tangos-tangos pa ng ilong.
"Stop staring." cold na sabi pa nito.
Napalunok na lang ako at napakamot ng batok.
Ano ba ang gagawin ko? Kailangan ko ng trabaho ngayon, eh.
Hindi pwedeng aalis ako rito ng hindi natatanggap.
Hayst!
Pa'no ba naman kanina pa niya ako pinapaalis dahil ayaw niya akong tanggapin matapos kong sabihin ang pakay ko rito.
Nagalit pa siya ng magtanong ako kung nasaan ang matanda, panot, kulubot ang mukha at nagyoyosing CEO nitong kompanya.
Kaya ayon, isang malutong na mura at malakas na sigaw ang natanggap ko.
Malay ko bang siya pala ang CEO. Hehehe.
Sinabihan pa akong stupid kanina. Gusto ko sana uli tuhurin ang dalawang itlog niya kaya lang pinigilan ko ang sarili ko. Baka lalo lang siya magalit sa akin.
Halos mamuti na lang ang mata ko habang nakatingin sa ginagawa niya. Nagbabasa lang naman siya ng mga documents sa table niya habang prenteng nakaupo.
Halos isang oras na akong nakatayo sa harap niya.
Hayst!
Anong gagawin ko? Humingi naman na ako ng tawad sa nagawa ko kanina, ah.
"Sir, sorry na po sa nagawa ko. Please tanggapin mo po ako bilang assistant mo. Kelangan ko talaga ng trabaho, eh." nagmamakaawang sabi ko pa.
Pero hindi niya ako pinansin. Animo'y wala ako rito.
Abah! Nag exist pa ho ako sa mundo--este sa office niya.
Huhuhu.
Nananakit na 'yong binti ko sa kakatayo rito.
"Sir, sige na po. Patawad po sa nagawa ko kanina. Hindi ko naman sinasadyang pagkamalan kayong bampira-----"
"Shut up and get out!?" inis na sigaw pa nito.
Napayuko na lang ako. Mukhang ayaw niya talaga akong tanggapin, eh.
Pa'no na 'to? Kapag hindi pa ako nakapag padala ng pera kay Inay ay mas lalaki ang babayaran nila sa hospital.
Aish!
Ang malas ko naman! Akala ko papanigan ako ng panahon.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano kaya kung iiyak ako sa harap niya para maawa siya at tanggapin ako 'di ba?
Oo!
Ang talino ko talaga. Walang kupas. Alessia Rae Salvatore pa rin hanggang ngayon.
Hehehe.
Dapat maayos ang acting ko. Dapat gagamitin ko ang acting skills ko.
Hoy 'wag kayo, ah! Best actress kaya ako sa school noon dahil sa galing kong umarte.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Husband (Complete)
RomansaWarning ⚠️: Rated SPG Alessia Rae Salvatore, isang simple at ambivert type na babae, minsan ay maluko at makulit pero strong ang personality. Pilit siyang nagmakaawa sa isang CEO ng kompanyang pinag aplayan niya. Nag resign kasi ito sa pinagtrabahu...