Chapter 30

33 1 0
                                    

Chapter 30

Pagkarating namin ng Surigao ay pumunta kami sa isang resthouse that I assume na pagmaayari ng pamilya nina Kevin. They are rich, no doubt about it. 

"Dito ang kwarto mo, and dito naman sa akin" sabay muwestra niya sa mga kwarto, magkatabi lang ang kwarto naming dalawa, there are three rooms in this resthouse. 

"Ah, okay" sagot ko habang tinitignan ang kabuuan ng resthouse, it's all wooden at sobrang presko sa pakiramdam ang luob dito. There are paintings all over the place. It's not really cemented kasi nga parang lahat ay gawa sa kahoy, di masyadong modernized but it's a good resthouse. 

"Di tayo pwedeng nasa iisang kwarto dahil baka ano pa ang magawa ko" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tinignan agad siya. Agad naman siyang napahagalpak ng tawa pagkakita sa reaksyon ko

"Katherine...You look so funny" at agad naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko, as if looking at me and memorizing my features

"Katherine...I woudn't do anything bad at I wouldn't do something you don't want" ngiti niyang sabi

Alam ko Kevin, alam kong di mo ako kayang saktan, alam kong mahal na mahal mo ako. Pero di ako nararapat sa pagmamahal mo, I'm not deserving dahil may mahal na akong iba. Masasaktan ko lang si Kevin pag nagpatuloy ito

"Kevin...." agad niyang binitawan ang kamay na nakahawak sa pisngi ko at agad siyang nag iwas ng tingin at binuhat ang bag ko

"Akin na 'to, ipapasok ko na sa room mo. Magbihis ka if you want or you can take a nap, magluluto lang ako ng lunch natin, gutom kana siguro" I think he's avoiding something, alam na kaya niya? Halata na kaya ako?

Ayaw kong sirain ang gustong bakasyon ni Kevin pero ayaw ko na ring paasahan siya dahil baka kung mas magtatagal eto ay mas lalo ko siyang masasaktan. I need to tell as early as possilbe

"Salamat" sabi ko nang nilapag niya ang bag ko at nginitian niya lang ako at umalis na siya sa kwarto. I can see the ocean in my window, malapit kasi kami sa beach.

It's good to breathe some fresh air every day. Blue ang curtain dito at gaya ng ibang rooms, may isang painting din na nakalagay. In this room, it was a painting of the sunset, ang ganda tignan. Sino kaya ang gumawa nito? I tried to look at the painting, touched it at may nakita akong naka sulat na pangalan

Kristine Lopez

Sino to? Kristine Lopez? Wala naman ata akong kilalang famous filipina painter na pangalan is Kristine Lopez, pinagwalang bahala ko na lang ang pangalan at napahiga sa kama.

Tinitignan ko ang ceiling at iniisip kung ano ang gagawin ko habang andito kami hanggang sa naalala kong tatawagan ko nga pala ang studio.

"Hello..Good afternoon ho, sorry ho sa abala kaso kasi eh...Nasa Surigao ako. Madalian ang pagpunta ko rito at tsaka mukhang tatlong araw pa ako dito. Sorry talaga ho kasi hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kaibigan ko na di ako pwede....Opo...Okay lang ho po ba?.......Sige ho.....Maraming salamat at sorry sa abala" at agad kong binaba ang phone

Mabuti nalang at di masyadong nagalit ang head ng studio at sinabi nalang na through phone patch nalang ako mag d-dj, since buti nalang at Biyernes na ngayon kaya last day ko eto sa trabaho since I'm off every weekend.

Napahiga ulit ako sa kama ko at napatingin at natulala nalang sa ceiling. Hanggang sa nakaidlip na ako

Pagkagising ko ay agad na bumungad sa akin ang isang nakangiting Kevin

"Hey...Did I wake you up? Nagaalala kasi ako sa 'yo, you haven't eaten anything yet. Eat first at pwede kang matulog ulit. We can go to the beach later tonight" malambing niyang sabi. Napaupo ako sa kama at kinusot ang mata ko

"No, okay lang naman ako. I just needed a power nap pero okay na ako. I'm hungry" sabi ko

"Good. I already cooked something?"

"Ikaw talaga ang nagluto?" naalala ko nakapagluto siya sa akin before but that was just a sandwich. Not really a full meal

"Oo naman. Akala mo si Tristan lang ang marunong.."His voice seemed so sad

"Ha?" nakakunot ang noo ko. Does he know something? Does he implying something?

"Kasi naman ang luto lang niya ang natikman mo, as you might not know young lady. Marunong din ako, pati nga si Troy, marunong din iyon" at napatayo na siya

"Let's go?" paanyaya niya at agad naman akong napatango at tumayo narin at pumuntang kusina

-----------

"Grabe ang sarap mo nga magluto!" nakangiti kong sabi sa kanya. He cooked sweet and sour and it was damn tasty

"Good to hear" nakapangulumbaba siya sa lamesa at tinututukan ako habang kumakain, napapangiti pa siya and it's making me awkward

"Are you just gonna stare at me?" pag iiwas ko ng tingin sa kanya

"Why? Is it wrong?" nakangiti niyang sagot

"Di naman sa ganoon pero nakakpressure kumain na may tumitingin sa iyo. Why don't you just eat?"

"I'm already full"

"Then do something else. Di ako makakakain ng maayos while you're staring at me"

"Okay. Okay" natatawa niyang sambit and so he drank some juice at kumain nalang

Napapangiti nalang ako

Nang sumapit ang hapon ay nagyaya siyang pumunta sa beach, ang alam ko kasi may event near here, parang may festival or something

"Kadalasan kasi iyan nagaganap sa buwang ito, it's called Ermiento, it's a kind of festival or something like that. A party that brings different peoeple together and associate with them" sabi ni Kevin habang papunta kami sa beach

Nang malapit na kami ay naaninag ko na ang mga taong parang nag cacampfire, there are also men who were wearing only a saplot at nagsasayaw, parang pang tribu na mga sayaw, mga ganoong bagay, Kevin said that it is a festival that focused on our culture, kaya siguro ganoon ang mga sayaw

I just a wore a short and simpleng white shirt lang, naka two piece din ako underneath it, the two piece Kevin bought. I just can't help but laugh when I think about it

Nang nakalapit na kami ay napakasaya nilang tignan, a lot of foreigners were dancing too, like an Igorot and even shouting like an Indian. Marami narin ang nakikisayaw hanggang sa hinigit ako ng isang kuya na sumayaw din at nang lingonin ko si Kevin ay hinigit narin siya kaya napangiti nalang kami at nakisayaw narin kami.

It was great having to come here, tawa ako ng tawa habang pinagmamasdan si Kevin na sumasayaw, did I ever mention na wala talaga sa kanya ang talent ng pagsasayaw. I just continued laughing at sumasayaw narin, hanggang sa nagyaya na ang ibang tao to form a cirlce and change partners. Parang iyong traditional lang din na camisa. And so we danced. 

Coming here was the perfect thing, hindi ko na masyadong naiisip si Tristan at what I feel about him hanggang sa dumating na ako sa tapad ni Kevin and we were the ones to dance.

I can't help but think, paano ko sasaktan ang taong nagmahal lang ng lubusan sa akin? I guess I'll just have to try, sabi ko nga diba, di naman siya mahirap mahalin and maybe... Just maybe I could still forget and move on from Tristan, maybe it was just a passing feeling.

I'm giving Kevin a chance and myself a chance too. A chance to love someone who could love me like I do to him. A chance to move on and a chance to have my happy ending too

"Kevin..."

"Hmmm?" tanong niya ng nakangiti habang nagsasayaw kami

"Yes" sambit ko at nginitian ko siya, right before he could answer ay nagpalit na ng partners and when I was about to move to the next person ay agad akong hinigit ni Kevin at lumabas kami sa circle

"W-What do you m-mean?" nakakunot niyang tanong at parang di siya mapakali

"I said it's a yes. Oo na, sinasagot na kita" I smiled and he was looking at me with his shocking face, nalaglag ang panga niya sa sinabi ko and I can't help myself but smile at this person. Alam kong balang araw, mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal ko kay Tristan.

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon