*dahil medyo nasipagan ako noong andun ako sa probinsya, medyo mabilis ang update ko! kaya hetoo guys! enjoy!! :)*
---------------------------------
Nagising nalang ako ng kusa dahil parang nakaramdam ako na umaga na, oh dba, may ESP na ako. hahah! biro lang. pero may ngiti sa mga labi ko ngayon at dahil walang pasok ngayon syempre gusto ko pang matulog pero naalala ko bigla! oh my! shemaays! Saturday pala ngayon! ngayon pala ang date namin ni Kevin.
date
oh my, just the word of it, grabe nagblublush ako, di ko keri to! kasi naman itong kevin na ito eh and just as i was thinking about him, i received a text na galing sa kanya
"i'll pick you up at 12" sabi sa text
parang mala telenovela naman to oh! kenekeleg aketch
wait! bago ako tuluyang malunod sa kakilig ko ay naalala kong wala pala akong decenteng damit na naman! anebenemen iyaan!
binuksan ko ang cabinet ko and i tried scanning my dresses pero wala talaga eh kaya tinawagan ko si Eliza, tatawagan ko sana si Trishia din pero naalala kong may problema pa iyon kaya si Eliza nalang
"oh ano problema?" tanong ni elay
"elaaaaaaaaaay! may big problema ako" sabi ko
"ano? anong nangyari?" tanong nya
"may damit ka ba dyan, iyong maganda at bagay sa akin, kasi naman nakalimutan kong ngayon pala ang date namin ni kevin eh :(" sabi ko sa kanya
"hala ka dyaaaaan! oo nga noh! sabado pala iyon! wets, titignan ko! aay wala kengkay eeh! eh si trishia kaya?" tanong nya
"ahhh kasi naman, baka brokenhearted pa iyon" sabi ko
"tawagan mo nalang kasi, magtatampo rin iyon pag di ka nagpatulong dun, pupuntahan din kita dyan" sabi nya with her malahinhin na boses
"ah sge, bye"
at gaya ng sinabi nya tinawagan ko si tipay
"trishia, alam kong wala ka sa mood, pero i really need your help" sabi ko
'bakit? may problema?" tanong nya
"kasi, do you have an extra dress there? iyong pwede sa date ko ngayon?" tanong ko
"di ka nakapagready?" tanong nya
"oo eh, kasi namaaan" sabi ko
"oo sge, puntahan kita dyan after 5 minutes! maligo ka nalang!" sabi nya
"sge salamaaat! maasahan ka talaga" sabi ko tapos naligo narin ako gaya ng sabi niya after 5 minutes eh dumating na sya, tsaka maya maya ay dumating narin si Eliza
"sorry talaga guyys" sabi ko
"oks lang iiyon!" sabi ni eliza
"sorry din trishia, alam kong-" sabi ko
"okay lang iyon, ano ba! you need us after all" sabi nya while smiling
the best talaga tong mga jumegas ko! kaya i love them so much
hindi rin nagtagal ay dumating narin ang sundo ko :3 shacks eto na
"eto na gurl!" sabi ni eliza
"galingan mo ha" sabi ni tipay
"parang contest lang" sabi ko
"syempre noh! manok kaya kita" sabi ni tipay
"heh, oo na, sge aalis na ko, alis na ako ya" sabi ko
BINABASA MO ANG
Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019
Teen FictionSa umaga ay ako si Katherine Gonzales, isang simple girl peru medyo madaldal, hopelessly romantic at president lang naman ng No Boyfriend Since Birth club Sa gabi ay ako si DJ K, isang tagapayo sa pag ibig. medyo sikat ang Love Guru ng bayan pero wa...