Chapter 9

45 2 0
                                    

"hija, gumising ka na dyan, ano ka ba, malalate ka na" sabi ni yaya

"ano na po ba oras?" tanong ko

"mag 10 am na" sabi ni yaya, nagulat naman ako kaya napatayo agad ako 

"whatdapeeeek! 10?" agad akong naligo at nagbihis, gulo pa nga ng buhok ko lumabas sa kwarto ng tawagin ako ni yaya at sabihing

"lalabas ka ng ganyan?" tanong ni yaya

"ay bahala na" sabi ko

"anong bahala ka dyan, andyan kaya boypren mo" sabi nya

boypren? may boypren na ako? late lang ng gising may boypren agad? 

"ha? sino ho?" tanong ko

"ay yuung, naghatid sa iyo dati" sabi nya

kevin? anong ginagawa nya ditooo?

..........................................................

ayyyyy! oo nga palaaaaaa! si kevin! ihahatid nya akon ngayon! takteee! nalimutan ko talaga

kaya agad akong humarap sa salamin at nagsuklay

"salamat po yaya" sabi ko habang pabukas ng pinto at paglabas ko, nakita ko si prince charming.

kasi nga naman talaga, gwapo sya, oo aaminin ko, gwapo talaga si kevin pero medyo natatakot ako, kasi nga, varsity player, alam mo na, mga gago kaya iyan. pero feeling ko rin naman ibang iba si kevin, nakikita ko ang sincerity nya. 

"hi beautiful" sabi nya

"wala akong piso noh" sbi ko

"haha! hindi naman ako humihingi ng piso eh, puso mo lang ang hinihingi ko" sabi nya

nak ng sumaaan! keneleg ako dun ah! bakit ba mas dumoble ang pagka sweet ni tsong, may gusto na kaya ito sa akin? ayy asa naman ako, malabo mangyari iyan noh

kasi nga, ilang beses na may ganito akong nasubaybayan, eh sa huli, linoloko lang naman pala sila, kaya minsan natatakot akong umibig eh, pero i still believe in it. i still want to experience it, kesho hindi lang dumating ang pagkakataon, possibleng, ito na ba?

sya na mismo ang nagbukas ng pinto at naglagay sa akin ng seatbelt, hinahayaan ko rin naman sya kasi nga ang shweeet, matagal ko nang hiniling sa maykapal na mangyari to sa akin noh, buti nalang, it came at the right time, ready na nga ba talaga ako?

kung makapagsalita naman ako, nanliligaw na ba si kevin? eh hindi kaya wag munang maging asyumera! hahay -_-

habang nasa byahe biglang napatanong si kevin

"nakaboypren kana ba dati?" tanong ni kevin

akooo? what daw? NBSB kaya to! loyal si tsang!

"ah hindi pa nga eh" sabay nag pout

"talagaa?" sabi nnya

"oo nga! ano benemen" sabi ko

ipamukha talaga sa akin? ganun?

"buti naman" sabi nya sabay ngiti

"anong naka buti don?" tanong ko

"ah wala, never mind, bakit pala wala kang boyfriend?" tanong nya

paksheet! kailangan tanungin ako dun? ipamukha talaga?

"ahhh kasi, wala pa namang manliligaw and di ko pa nakikita si the right guy eh" sabi ko sabay smile kahit mashaket kasi nga wala pang nagkakagusto sa akin ng totoo kaya masakit, kasi nga, 3rd year na kaya ako, mag nanineteen narin pero eto, wala parin. 

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon