Chapter 1

294 5 5
                                    

"Magandang Magandang Gabi sa inyo! Ako po si DJ K, ang inyong napakaganda kahit hindi nyo nakikita pero halata naman sa boses at ang inyo lingkod na Love Guru, now, for our first caller"

"Hello DJ K?" caller 1 said

"Oh, ano ba ang maitutulong ko sa iyo?" sabi ko

"Ah, kasi po, iyong boyfriend ko, gusto nyang makuha ang "v" card ko pero ayaw ko naman ibigay kasi nga bata pa kami, pero sabi nya he would break up with me kung hindi ko ibibigay, anong gagawin ko?" caller 1 asked

Ano ba naman to? Hindi ba obvious ang sagot? 

"Hmm, mahal mo ba sya talaga?"

"Opo"

"Sino mas mahal mo, sarili mo o sya?"

"Hmm syempre sya po"

"Ay tanga ka pala, sorry to be straight and parang mean ako pero tanga kung ibigay mo sa kanya ang "v" card mo, hello girl! kung mahal ka talaga nya, makakapag hintay iyan at hindi ka ba nakikinig sa mga past calls, you should learn to love yourself more, isa pa, marami pang lalaki dyan"

"Pero ayoko po mawala sya sa akin"

"Pumili ka, mawala siya sa iyo o mawala ang "v" card mo?"

"Hmmm"

"Wag na girl, dapat unahin mo ang sarili mo, they say, if the person loves you, that person will want the best of you, eh sya ba, nakakaisip sa iyo? Hindi! Kaya maghiwalay na kayo girl! Hindi sya worth it sa "v" card mo!"

After ilang minuto at ilang callers na natanggap ko this day, natapos din ako

"So, that was all guys, sa susunod, Muli this is your Love Guru, DJ K" sabi ko

Habang nag aayos ako ng bag ko may tumawag sa akin

"Katherineeeeeee! Ano ba bakit ang tagal mo?" sigaw ng napakaingay na bestfriend ko

"Oo na, papunta na ako dyan" sabi ko

"Bilisan mo ha! Sabi ko sa iyo wag kang ma late ano ba? Wag mo nga pinaghihintay ang mga bestfriend mo" sabi nya with the highest possible volume out there

"Oo na nga eh! Ano ba!" sabi ko at binaba ko na ang phone

Oo nga pala, nakalimutan kong ipakilala sarili ko, ako nga pala si Katherine Gonzales, isang napaka ingay, energetic kung minsan, palakwento, isang nagmamagaling na love adviser kahit wala naman talaga akong experience. Tama! Wala pa akong experience sa love na iyan! Walang wala! Ako lang naman ang tapat na president ng No Boyfriend Since Birth club na syempre pinatayo ni Lord God sa mga single na katulad ko. Paano ba, eh si lord na mismo ang nag assign sa akin na maging presidente eh. And before i forgot to say this, I am the person behind the voice of Love Guru, di nyo parin gets? Ako lang naman ang pinaka bata na DJ at ako si  Love Guru ng 365 Radio station.

Pero sekreto lang natin iyan ha! Walang nakakaalam kundi ang dalawang napaka chaka ay este napaka ganda na bestfriends ko na si Eliza (ang napakatahik) at si Trishia (ang napakaingay).  Hindi alam ng parents ko na nagwowork ako, eh kasi, wala naman sila sa bahay, magkahiwalay narin kasi parents ko, my mom has a family of her own at ang dad ko, well, meron narin, nasa ibang bansa si dad while si mom nasa Pinas lang pero malayo parin kami, ng medyo lang. Ako at si yaya Lina lang naman ang nasa bahay. 

Papunta ako ngayon sa ktv bar kung nasaan ang bestfriends ko at syempre mga shota nila. hahay, sinabihan ko na sila na hindi ako pupunta kasi parang double date ang peg nila, ako lang naman ang single sa amin eh, ano ba naman! Pero sabi nila may ipapakilala sila sa akin, siguraduhin lang talaga nila na gwapo dahil kung hindi, humanda sila makalbuhan ko!

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon