Chapter 38- Ending

54 2 0
                                    

Chapter 38 (Ending!)

*Eto na ho ang ending na pinakahihintay nating lahat! Especially po ako :3 hahah. Maraming maraming salamat ho sa lahat ng sumuporta sa storya kong eto! Hanggang sa muli! Enjoy!*


Tristan's P.O.V.

Mahigit tatlong taon narin ang nakalipas simula nang umalis at umamin ako sa nadarama ko para kay Katherine. Naging okay narin kami ni Kevin and looks like he is into dating and flirting again. Sabi niya, di na muna daw siya sa seryosong relasyon. I was sorry to him and he said na wala akong dapat ika sorry dahil di ko naman daw kagustuhan na magmamahal kami sa iisang babae

My mother is okay now and medyo gumagaling narin siya and syempre isa na ako sa mga kilalang dj's here sa Pinas. May gig nga ako sa isang pinakamalaking event na gaganapin dito sa Manila, isang street dance entitled Free Bird. Kasi magsasayaw lahat at magpaparty na parang mga free birds, walang malisya, walang magaalaskador sa iyo kung ano man ang matipuan mong gawin sa gitna ng kalsada

Three years rin kaming nagkakabutihan ni Katherine, even though madalas lang kaming magkausap dahil sa time difference naming dalawa, it was not easy at first, syempre kailangan naming masanay sa oras. Minsan naman nakakatulugan ko siya or the other way around. Di pa naman talaga officially kami kasi balak ko talagang ligawan siya pagbalik niya, syempre walang nangyaring ligawan sa aming dalawa. I want to make her feel special kahit na alam na namin ang nararamdaman namin sa isa't isa, she still deserves the best

Pero netong nakaraang buwan ay di na siya nagpaparamdam sa akin, kinakabahan nga ako dahil parang ayaw niya akong kausapin, nagdadahilan siya na busy siya at may inaasikaso lang siya nong nakaraang buwan at netong buwan, ni hi ni ho wala talaga akong natanggap galing sa kanya

"Still not on the speaking terms?" tanong ni Kevin sa akin, andito kami ngayon sa club at nagchichill, dahil sa sobrang busy na namin sa aming mga trabaho ay minsan nalang kami makapag gala, especially Kevin since he is really managing their business

"Nope" simpleng sagot ko sa kanya, kasama rin namin si Ed at si Clark. No girls. Boys night kasi namin eh

"You should ask her friends about it" sambit naman ngayon ni Kevin

"I aksed Trish about it but she says nothing about it, nagkikibat balikat lang siya or she's changing the topic" sagot namn ngayon ni Clark at napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba talaga ang nangyayari?

"Baka naman may ginawa ka dude" sambit naman ngayon ni Ed, napailing ako dahil wala naman akong maalalang maling ginawa ko sa kanya, di naman ako nagtaksil. Araw araw ko pa nga pinapaalam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Oo nga, nagiging cory na ako, di naman talaga ako ganito but Kath made me do it. Gustong gusto kasi niya ang mga romantic guys kaya nagpapakaromantic ako kahit mahirap gawin. Kevin was good at it

"Baka naman kasi di mo alam ang manglambing, di gaya ko" napahalakhak si Kevin. Oo, aaminin ko, malayo naman talaga kami ni Kevin. Kevin's used to doing sweet stuffs, madali lang sa kanya ang magpakilig sa mga babae kaya nga nakilala iyang playboy dati at eto naman siya, balik na naman sa kanyang gawi. But he says he is enjoying being a bachelor

"Oh teka, are you worried about it?" tanong naman ni Kevin nang napansin niyang parang napapaisip ako

"Come on dude, I was just joking. Mahal ka niya kahit ano ka pa man o kahit anong gawin mo. Mahal na mahal ka niya. Di nga umubra sa kanya ang charms ko eh" napapatawa na sambit ni Kevin

I looked at him with a questioning look, minsan nagdadalawa akong mag share sa kanya tungkol sa amin ni Kath knowing they have history at knowing na he loves Kath the most

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon