Chapter 27

43 2 1
                                    

Chapter 27

Kath's P.O.V

Sinundo ako ni Kevin sa amin dahil sabay na daw kaming pupunta sa party sa Stargaze, nagsuot lang ako ng simpleng black sleevless paired with shorts at nag shoes lang din ako. Habang nasa byahe panay lang ang kwento ni Kevin tungkol sa friendship nila ni Tristan 

"Alam mo grabe, kahit sa una pa talaga, ganyan na talaga katahimik si Tristan but once your close grabe mukhang mas talkative pa sa iyo" bahagya pa siyang napatawa habang naalala niya ang mga times they've spent together and I must agree, ganoong klaseng tao talaga si Tristan, kung una mong pagmamasdan ay he's cold but deep inside mas may matabang puso pa siya sa iyo and yes I'm falling for him and balak ko narin sanang sabihin kay Kevin, naghahanap lang talaga ako ng tamang tyempo. Palagi kasing wrong timing eh

Ngayon ko nga sana iyon sasabihin but it's Tristan's party and di ko iyon inexpect. Napapangiti nalang ako habang inaalala iyon unexpected na tawag galing kay Tristan, akala ko nga si Kevin ang una niyang tatawagan but I never told Kevin about it, ang sabi ko lang sinabihan lang ako ni Tristan that there's gonna be a party tonight nong napatawag si Kevin sa akin

At nong dumating na kami sa Stargaze, di gaanong marami na tao but everyone was there, our friends at ang ibang closest friends nila. Mukhang Tristan rented the place or maybe congratulatory gift na ito sa may ari sa kanya

Nandito rin sina Troy and his friends and syempre andito na sina Clark, mas nauna pa talaga sila sa amin

"They're finally here!" sigaw ni Clark

"Akala namin kinidnup mo na si Katherine!" paghalakhak ni Ed

"Oh shut up guys!" natatawang sagot ni Kevin

And then our eyes met, I smiled at him and he smiled back, mas lalong tumitibok ng mabilis ang puso ko

Ako na ang nag iwas ng tingin dahil baka mas lalong kumalabog tong puso ko at di ko na mapigilan at sumabog pa

Merong disco at syempre si Tristan ang nag dj, he's really good, no doubt pinili siya ng agency na iyon and I must admit malayo talaga ang mararating ni Tristan from this. Alam kong kikilanin siya sa buong Pilipinas and he will be one of the famous dj's here. 

Habang nag d-dj siya ay wala akong ibang matignan kundi siya lamang, hindi rin naman ako masyadong mapapansin ni Kevin dahil he's having fun celebrating his bestfriend's success

Maya maya ay dumating ang bisitang kanina ko pa hinihintay, nagulat ang lahat at nagulat din is Tristan kaya napatigil siya

"Tristan..."sambit ng isang babaeng may edad na

"M-Mom?" takang tanong niya dito sa babae at lahat sila nagtataka rin kung bakit nandito ang mommy ni Tristan, bumaba siya sa stage at lumapit dito. Nandito rin ang sister niya. Sumulyap si Gretchen kay Kevin and Kevin just looked at her, si Gretchen na mismo ang unang umiwas ng tingin

"What are you doing here?" tanong ni Tristan sa kapatid niya

"She called us at mabuti nalang dahil di pa namin malalaman ito kung di siya tumawag" Gretchen said 

"K-Katherine?" at binalingan ako ni Tristan, Kevin looked at me too, puno ng mga katanungan ang mata niya

"A-Ah, oo, sorry Tristan, alam kong di mo gusto pero kasi... I thought your family should know, especially dahil success mo ito" I said and di ko kayang makatingin sa kanya kasi parang...parang mali ata ang nagawa ko. Aish! Nakikialam na naman kasi ako eh

"N-No..No.. It's okay, I'm not mad" at pagkasabi niya noon napatingala ako at nakita ko ang mapupungay at masasayang mata ni Tristan but somehow parang malungkot din "...Thank you" malambing niyang sambit. Napatango nalang ako at binalingan ulit ni Tristan ang mommy at kapatid niya

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon