Nagising ako sa tunog ng alarm clock, saktong sakto, 9 am naligo na ako at nagmadaling nag ayos.
"Alis na po ako Ya" sabi ko
"Hindi ka ba kakain?"
"Ay hindi na po"
I'm not really a breakfast type of a person
"Sgee, mag ingat ka"
"Opo"
Hinatid na ako ni Mang Estong papuntang eskwelahan, saktong 10:15 ay nakarating narin ako sa Xavier University. Nag aaral nga pala ako ng journalism, kasi mahilig akong magsulat ng mga estorya kaya eto, ito na ang pinili ko. Actually, magkaiba kaming tatlo ng kurso, Si Eliza ay kumuha ng nursing habang si Trish ay kumuha ng AB communications kasi nga mahilig itong magsalita ng magsalita, dba nga, sya iyong may pinaka malaking bunganga sa amin at pinaka maingay? Kaya bagay sa kanya ang maging newscaster. Pwede rin naman sana syang mag journalism pero ayaw niya gusto daw nya maiba.
Arte din noh? Pero love ko iyan
"Hooy! Bakit hindi mo ako rineplayan ha?" tanong ni Trish sabay siko sa aking braso
"Andito ka na pala!"
"Ay hindi, actually virtual image lang tong nakikita mo, ano ba kasing ginagawa mo at nakatayo ka lang dito sa harap ng gate? Ano to music video ang peg?" tanong nya
"Hindi no! Chaka ka! May naisip lang ako kaya napahinto"
"Okay ka lang?" tanong ni Eliza
"Ano ka ba Eli, okay lang yan, I'm sure kinikilig lang iyan dahil kagabi"
"Anong kilig ka dyan! Hindi no! Nakatulog nga ako ng maaga kasi pagod ako kaya hindi ko kayo nareplayan" sabi ko
"Ay ganun? Hindi nag dumamoves?" tanong ni Trish
Parang baklush din itong magsalita ang jumega ko eh, nagmana ako sa kanya
"Hindi no! Hindi pa" sabi ko sabay wink
Sabi ko sa inyo diba, nag mana ako sa baklush nato
"Magaling magaling kaibigan! At nagmana ka talaga sa akin" sabi nya
"Buti alam mo iyan trish, akala ko kailangan ko pang i.epxlain sa iyo" sabi ko sabay nag tawanan narin kaming tatlo. ganito kami palagi, nagtatawanan, nag aasaran at sabay sabay na naghahanap ng mga gwapo pero ngayon nag iba kasi nga may mga shota na sila, syempre, loyal tong mga kaibigan ko eh. Kaya simulang nagka shota sila, hindi na naghanap pa ng iba.
Buti at naturuan ko ng maayos hehe joke lang, ganyan talaga sila
At nag ring din ang bell, pumasok na kami sa aming mga classrooms, nag si paalaman na at naging tahimik muna ang mundo ng University dahil maghihiwalay muna, saglit, ang "tres marias"
Sa eskwelehan, isang tahimik at napaka low profile ko lang na estudyante, hindi ako masyadong mahilig jumoin ng mga school activities kasi nga busy na ako sa other life ko, busy din ako sa studies ko, nasabi ko bang, may pagka nerd ako? Studies first ika nga.
Marami kasi akong pangarap sa buhay ko kaya gusto kong maka graduate ng maaga at may malaking grado, nag aim din akong maging cum laude, cum laude lang kasi parang hirap ma reach ang magna at soma (tama ba spelling ko? haha)
Ang upuan ko ay medyo nasa likod kasi nga ayoko ng attention, I like to sit at the back of the classroom.
Hay, tulog na naman ang seatmate ko, palagi nalang tong tulog pag may time sya, kahit nga nag didiscuss si sir, natutulog din
Nagsimula narin ang klase, first subject ko ay math, boring at first subject pa nga, ang malas ko at math pa talaga, inaantok na tuloy ako
"Buti patong isang to, ang sarap ng tulog" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa seatmate ko
BINABASA MO ANG
Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019
JugendliteraturSa umaga ay ako si Katherine Gonzales, isang simple girl peru medyo madaldal, hopelessly romantic at president lang naman ng No Boyfriend Since Birth club Sa gabi ay ako si DJ K, isang tagapayo sa pag ibig. medyo sikat ang Love Guru ng bayan pero wa...