Chapter 6

63 3 0
                                    

Kath P.O.V.

"Tristan?" 

At lumingon nga sya

Gulat syang nakatitig sa akin, pero bago sya makapagsalita

"Kath?" tanong ni Kevin "....Sakay na" sabi nya

"Ah sge" pag lingon ko ulit, nakatitig lang sya akin, ako din, pero no choice baka mag wonder si kevin kaya sumakay nalng ako

"Sige goodnight!" sabi ko pagkadating namin sa bahay ko

"Goodnight din" sambit niya at nakangiti siya sa akin

"Ah oo nga pala, eto Kath"

"Ano to?"

"Cake! Bigay mo sa yaya mo at sa driver mo rin" sabi ni Kevin. sweet nya ah 

"Ah sge, salamat" pumasok na ako sa amin at binigay kay yaya ang cake, lubos nasiyahan si yaya at para bang botong boto na sya kay Kevin, panay kakasabi na gusto nya eto makita at makilala. umakyat ako agad sa kwarto para makapag pahinga

Sure ako sa nakita kong iyon, si Tristan talaga iyon! Pero paano? Dj sya? Sikat sya? Ganun, pareho lang kami?

Kinaumagahan, ah, oo nga pala, sunday na, buti nalang walang trabaho, pag weekends kasi, walang trabaho, pinapayagan nila akong mag rest at syempre mag socialize kasi daw kinuha na nila weekday nights ko. Pero wala naman akong magawa ngayon kaya eto nag open nalang ako ng laptop at nag sign in sa facebook ko. 

While browsing my facebook may bigla akong naisip

I.stalk ko kaya itong Tristan, ano nga iyong last name nun

Typing..... Tristan Reyes

Etoo na! Wait! Ano ba naman klaseng profile picture to? Black? Sure nga? Black talaga?

Mutual friends sila nina kKvin at Clark ah! Why? 

Hay ewan, hindi ko ma view iba pictures nya, naka private, eh wala nga halos friends eh, parang mga important people lang ata ang friends nya. 

Teka, online si Kevin, tatanongin ko kaya sya? Wag na baka ma curious at malaman pa nya na crush ko si Tristan.

Parang ang landi ko pakinggan. Eh ano ngayon? Single si ate eh, hayaan na. Bago ako mamental sa kakaisip kung bakit andun sya, inoff ko nalang laptop ko at nag pamusic nalang, at medyo natulog ulit

Tristan's P.O.V

Hay nako! Feeling ko talaga nakita ako ng babaeng iyon! Anong gagawin ko? Hay bakit kasi may taga Xavier dun, akala ko puros Saint Charlie lang, matawagan nga ang engot na manager ko

"Oh Tristan bakit napatawag ka?" sabi ng manager ko

"Malamang, tungkol eto sa kagabi"

"Anong meron?"

Nagdedeny pa itong kumag na ito

"Nak ng suman! Alam mo kung ano!"

"Eh sa wala nga eh" sabi ng manager ko

"Bakit may taga Xavier dun?"

"Huuuuh? Talaga? May nakakilala sa iyo?" tanong ng manager ko

"Malamang! Matataranta ba ako kung wala?"

"Kasi naman, ininvite tayo ni Troy, alam mo naman tagahanga mo iyon at suki na" 

"Aaisssh! Baki mo kasi tinanggap"

"Eh kasi po kaibigan nyo! Hinaan mo nga iyang boses mo! Mas matanda ako sa iyo ha!"

"Ay ewan! Pag may mangyaring hindi ko gusto! I'll fire you!"

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon