Kath's P.O.V.
Nong dumating na ang bandang mga 5 pm ay nagdatingan narin sina Troy at ang mga kaibigan niya. Nakilala ko narin si Stephanie, although wala pa naman talagang binabanggit si Troy sa akin na pangalan pero ramdam ko at kitang kita ko sa mga mata ni Troy ang ibang tingin niya kay Stephanie at mas napatunayan ko pa ito nong naglalaro sila sa dagat. Kasi naman itong Troy napakakulit kaya ayun nagkatuwaan narin naman sila Trishia. I also got to enjoy it at mas lalo kong napansin ang tingin niya nong nag babarbecue na.
Pero napapansin ko ring sumusulyap si Stephanie sa akin o baka naman kay Kevin? Tabi kasi kami ni Kevin at minsan umaakbay siya sa akin, di naman ako masyadong makaangal pero parang di ako komportable knowing Tristan is there. Nasa tapat lang namin si Tristan at kung di ako nagkakamali tinititigan niya ako at kung mahuli ko man ang tingin niya ay ngingitian lang niya ako pero may kakaiba sa mga tingin niya. Parang may halong lungkot pero di ko naman alam kung bakit.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya si Trishia na manonood kami ng movie habang ang mga boys ay tuloy tuloy lang sa inuman
Bago ako tuluyang pumasok sa loob ay nilingon ko muna si Tristan and he was looking at me too, ako na ang nag iwas ng tingin kasi ramdam na ramdam ko na naman ang paghuhuramentado ng aking puso
Ewan ko ba parang mas lumalakas na ang kabog ng puso ko these days
"Okay ka lang ba?" tanong ni Trishia nong makapasok na kami
"A-Ah, oo naman" at nginitian niya ako, nanliit ang mata niya pero nagkibit balikat nalang siya. Nag offer na ako na ako na ang pupunta sa kusina para kumaha ng snacks, sumama narin si Stephanie sa akin at medyo nagkakwentuhan pa kami
Napapangiti ako sa dalawang iyon kay Stephanie at Troy, although di pa ako sure kung may feelings rin ba si Stephanie kay Troy dahil parang magkaibigan lang ang turing niya kay Troy. Oh well, boto ako kay Steph para kay Troy.
At nung bumalik na kami sa salas para manood ng movie biglang nag vibrate ang phone ko at may nag text sa akin
Kevin:
Miss you :( Ano na ang ginagawa niyo?
Tristan:
What are you doing?
Bigla akong napangiti dahil sa text ni Tristan. Damn, ganito na ba kalala ang feelings ko para sa kanya? Mukhang di ko na mapipigilan ito. I guess I have to tell Kevin the truth about it. Ayaw kong umasa sa wala si Kevin, alam kong wala pang kasiguraduhan ang amin ni Tristan pero ayoko ng magpanggap, ayoko nang masaktan pa si Kevin.
Me:
Watching a movie
Una kong nireplayan si Tristan at nag text din agad ako kay Kevin
Me:
Grabe ha. Haha. Nagkita pa nga tayo kanina. Just watching a movie. Mag enjoy ka diyan with your friends. Matagal na kayong di nakakabonding.
Naguguilty talaga ako lalong lalo na pag sobrang sweet sa akin si Kevin, feeling ko nagtratraydor ako sa kanya. Kaya mas maaga mas maigi. I will tell him after his birthday. Di rin pwede ngayon kasi birthday na birthday niya. He doesn't deserve the pain that I'll cause him
Sobrang naging mabait si Kevin sa akin at wala siyang ibang pinakita kundi pagmamahal at importansya. That's why I'm so blessed to have him in my life pero ayokong gaguhin ang sarili ko. I like Tristan at mas worst, mukhang in love na nga ako sa kanya
Pagkatapos ng movie ay natulog narin kami, napagod narin kami sa byahe at sa party itself kaya dumeretso na kami sa kwarto at natulog.
BINABASA MO ANG
Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019
Teen FictionSa umaga ay ako si Katherine Gonzales, isang simple girl peru medyo madaldal, hopelessly romantic at president lang naman ng No Boyfriend Since Birth club Sa gabi ay ako si DJ K, isang tagapayo sa pag ibig. medyo sikat ang Love Guru ng bayan pero wa...