Chapter 24

45 1 0
                                    

*Sorry for the long update and di ito masyadong mahaba. Enjoy! :)*

----------------------------------------

Kath's P.O.V

Kahapon ay sobrang taas ng lagnat ni Tristan, sobra akong nagalala sa kanya, pagkauwi ko pa nga siya lang ang laman ng isip ko, di ako makapag reply ng maayos kay Kevin kasi hinihintay ko ang text niya. BAKIT KO NAMAN HINIHINTAY TEXT NIYA? Ah, kasi naman baka mas lumala ang pakiramdam niya, tama, iyon lang ang gusto kong mangyari na malaman kong ayos na ba siya, at maya maya nga ay nagreply siya. Kahit isang simpleng 'Thank You' lang na text ay sobrang naging masaya ako. Masaya ako dahil okay na pala siya, masaya ako dahil kinain niya ang pagkain na niluto ko. Tama, iyon lang ang dahilan kung bakit masaya ako.

At ngayon nga habang papunta ako ng Xavier University ay medyo kinabahan ako kasi ano kaya ang mangyayari ngayong magkikita kami ulit. Last week na namin to and sembreak na and finals narin this coming Thursday. Pagkarating ko ng classroom ay di pa sya dumating, naupo ako at linabas ko ang notebook ko kasi may short quiz kami ngayon. Habang sinusubsob ko ang sarili ko sa pag aaral ay dumating na si Tristan at pagkaupo niya ay may nilapag siya sa lamesa ko

Pagtingin ko ay isang box ng brownies, pag lingon ko sa kanya ay nakatingin na pala siya sa akin at parang hinihintay ang magiging reaksyon ko, tinaas ko ang kilay ko as a sign na parang di ko alam kong ano itong binigay niya

"Brownies iyan, para sa iyo, thank you ulit" pag sabi niya iyon ay umiwas agad siya ng tingin at parang bahagya pa siyang pumula ah

Tristan's P.O.V

Simula kagabi ay iniisip ko na ang feelings ko para kay Katherine, mukhang matagal na akong may naramdaman na something dito sa puso ko pero dahil kay Kevin, I pushed myself to back off, kasi nga parati kong tinatatak sa utak ko that Kath's off limits, mahal siya ng kaibigan ko pero kagabi ko rin napagtanto kong gaano rin siya ka importante sa buhay ko at ngayon dadahan dahanin ko, ipapakita ko sa kanya ang nararamdaman ko, ipapadarama ko iyon sa kanya. Di ko rin naman siya pipilitin at patas din akong lumaban, sasabihin ko rin ito kay Kevin soon, sa ngayon gusto ko muna ng ganito, na walang nakakaalam kasi sa oras na may makaalam panigurado, iiba ang trato niya sa akin at iiba na ang relasyon namin

Paano kung di niya ako gusto? Paano kung magalit siya dahil sa nadaram ko sa kanya? Paano kung sabihin niya sa akin na mas mahal niya si Kevin? Di pa ako handa.

Kaya ngayon nga ay bumili ako ng isang box ng brownie sa Sweet and Love na store, bibili na nga sana ako ng bulaklak pero baka magulat pa siya at magtaka kaya di na muna siguro, mamaya na pag okay na lahat. Pag handa na akong masaktan at ma reject

Habang binibigay ko sa kanya ang brownie ay parang gusto kong ngumisi nalang dahil sa reaksyon niya, nagulat nga siya dahil di naman ako ganito dati eh

"Brownies iyan, para sa iyo, thank you ulit" sabi ko at nag iwas agad ako ng tingin kasi parang kinabahan ako non ah! Putakte naman oh, dapat ay cool lang ako, panatiliin ang cool image Putragis parang naramdaman ko pang namula ako sana di niya iyon napansin, nakakabakla naman to tol!

Buong araw ay wala akong ginawa kundi ang magpapansin kay Katherine, feeling ko nga nagtataka na ito sa mga kinikilos ko, parati ko kasi siyang inaasar at palagi akong nagtatanong sa kanya kahit alam ko na minsan ay di na siya nakikinig at panay nalang hikab ang ginagawa niya, di narin ako ang dating Tristan na tulog nalang ang alam na gawin

"Oy, nakikinig ka ba?" tanong ko sa kanya habang nakapirmi lang ang tingin ko sa blackboard, baka kasi mabisto pa kami ng prof namin dahil di kami nakikinig sa lecture niya

"Ha?" kumunot ang noo niya at sinulyapan lang ako ng kunti, alam niya rin dapat di kami mabisto

"Nakikinig ka ba?" pabulong kong tanong sa kanya at ngayon tumingin ako sa kanya pero saglit lang tsaka bumaling na ulit sa blackboard

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon