Chapter 31
Kath's P.O.V
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko na sinagot ko na si Kevin habang di pa naman ako nakakamove on ng tuluyan kay Tristan pero kailan naman ako magsisimulang mag move on? Kapag huli na ang lahat? Kapag nawala na si Kevin sa akin ng tuluyan? Siguro nga eto ang the best na solution.
Simula nong araw na iyon hanggang sa nakabalik na kami sa Maynila ay walang ibang ginawa si Kevin kundi ang maging sweet sa akin araw araw. Natatandaan ko pa nang gabing sinagot ko siya
Di siya makapaniwala na sinagot ko na siya
"Baka naman naprepressure kalang Kath... Hindi naman kita minamadali, I'm serious. I can wait for-"
"Kevin...Gusto mong bawiin ko nalang ang sinabi ko?" nakataas ang isang kilay ko at nakangiti
"Eh, di naman sa--"
"I told you Kevin, yes nga diba? Tsaka I'm sure of it"
And he gave me one genuine smile, a smile na para bang nanalo pa talaga siya ng lotto. Hinagkan niya agad ako and he keeps on repeating 'Thank you' and 'I love you'
Napapangiti nalang ako
"Are you sure about this one?" nagaalalang tanong ni Eliza sa akin, I called her nang dumating ako sa Maynila.
"I guess?"
"Kath.. Kung sinagot mo lang siya dahil naaawa ko, di iyan pwede. It's not good. Mas masasaktan mo lang si Kevin"
Alam ko naman eh
"I know pero paano ako makakamove on? Kung palagi nalang akong hung up sa kanya? I need to make a move Eliza at eto ang naisip ko. Besides, di naman mahirap mahalin si Kevin eh"
"Oo nga pero tignan mo, mas minahal mo si Tristan"
"That's a different story"
Napabuntong hininga siya sa kabilang linya "Okay fine. Just...Just be careful at wag mong pilitin"
The next morning ay nag imbeta si Kevin sa akin na mag brunch kami. I just wore a yellow flowy dress at naka black close shoes lang ako.
"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" tanong niya ng nakasakay na ako sa kotse niya
"Yup, how about you?" tanong ko at binalingan ko siya
"Ofcourse. I had the best sleep" at hinagkan niya ang kamay ko. I find that gesture sweet enough to make my heart flutter
Pagkarating namin sa Bread and Butter na restaurant ay agad nanlaki ang mata ko at biglang kumalabog ang puso ko sa kaba
Anong ginagawa niya dito?
Tristan's P.O.V
"Come on Tristan, take a bite? Sayang naman ang pag imbeta ng girlfriend mo sa iyo dito sa brunch" pagtutukso niya sa akin
"I really am sorry about that Faye" paghihingi ko ng paumanhin
"I know. Kahit naman binasted mo ako, andto parin ako. I can still be a friend Tristan. Just.. Just let me be one" tinignan ko ang kanyang mga mata and they were too serious. Alam kong may gusto parin sa akin si Faye, she said it to me the day before the accident. Pumunta siya sa party ko bago dumating sina Katherine.
We had a talk
"Congratulations Tristan! I'm so happy for you!" at hinagkan niya ako, nagulat ako sa pagdating niya, I didn't expect her to be here
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Come on! I wouldn't miss this for the world! Buti nalang at sinabi sa akin ni Clark" ngiti niyang sambit
BINABASA MO ANG
Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019
Teen FictionSa umaga ay ako si Katherine Gonzales, isang simple girl peru medyo madaldal, hopelessly romantic at president lang naman ng No Boyfriend Since Birth club Sa gabi ay ako si DJ K, isang tagapayo sa pag ibig. medyo sikat ang Love Guru ng bayan pero wa...