Chapter 5

79 3 0
                                    

Kath's P.O.V

"Yaaayaaaaa!!!!!" sigaw ko 

"Bakit? Anong nangyari? May magnanakaw ba?" nagmadali si yayang pumunta sa kwarto 

"Aah, wala po, hmm, bagay po ba sa akin?" tanong ko habang pinapakita kay yaya ang isusuot ko sana sa party mamayang gabi

Tama, mamayang gabi na ang party! At eto ako, nagpapanic na kung anong isusuot!

"Hay nako hija, akala ko pa naman may problema ka, iyan lang pala" sabi nya

"Yaya naman! Importante to sa akin noh!" sabi ko habang nag pout

"Hay, ano ba kasin meron?" tanong ni yaya

Sasagot na sana ako nang may.....

"May party kasi yaya Lina kaya nagpapaganda si Kengkay" 

Hay, ang boses na iyan, mala megaphone at may 10 mic sa bungnga, si Trishia

"Aah, anong party ba iyan?" tanong ni yaya

"Party lang ng syota nya" sabi ni trishia

"Anong syota? May syota kana Katherine?" tanong ni yaya

"Hindi noh! Hindi ko syota iyon! Wag kang maniwala sa Trishia na iyan" sabi ko

"Hindi pa! Dun din naman yon pupunta eh" sabi ni Trishia

"Ano ka ba Trish, alam mo namang may ibang gusto tong kaibigan natin" sabi naman ni Eliza

"Sino? Iyong Tristan na iyon? Eh hindi pa nga natin nakikita eh" sabi nya

"Kasi naman hindi pa niya pinapakilala sa atin" sabi ni Eliza

"Paano ba naman kasi, laging tulog ang mokong na iyon" sabi ko habang naka pout na naman

"Hay, ewan ko sa inyo, kayo nang bahala kay Katherine, bababa na muna ako maghahanda ng almusal" sabi ni yaya

"Sige po ya" sabay kaming tatlo

"Ano bang problema mo et?" tanong ni Trish habang nakakunot ang noo

"Obvious ba, damit!" sabi ko

"Aaaaaaaaah, hindi bagay iyan, teka patingin nga ng cabinet mo!" sabi nya

Tumingin si Trishia sa cabinet ko pero wala syang makitang bagay sa akin kaya nag suggest nalang sya na bumili kami sa mall mamaya after almusal, wala naman akong choice kasi nga pinipilit ako ng tipay na to! Hahay! Ewan ko ba, sige na nga lang para naman ma gandahan din sa akin si Kevin. 

Pero feeling ko... Ay ewan basta! 

"Ano ba tinutunganga mo dyan? Maligo ka na at magbihis para alis agad tayo!" sabi ni Trishia

"Sige, bababa na muna kami Kath ha!" sabi ni Eliza

Nagmadali na akong naligo at nagbihis, after ko magbihis ay bumaba na rin ako agad, kumain na kami ng almusal, naghanda si yaya ng corn beef at hotdog, ang favorite na favorite kong almusal, kung gusto kong mag almusal, syempre, hindi malilimutan ang isang cup ng coffee. That would make my breakfast. 

Nagpadrive narin kami ni Manong Estong papuntang mall, pagkadating namin sa mall, pumunta agad kami sa Penshoppe, tapos sa Bench, tapos sa Oxygen, tapos sa Human at kung saan saan pa dyan, mukhang nilibot na nga namin ang buong mall makahanap lang ng outfit. kaya minsan ayoko nang mababae kasi ang hirap ,daming ka artehan sa katawan

"Ano ba guys? Hindi pa ba kayo nakapili?" tanong ko

"Ano ka ba Kath! Dapat magpaganda tayo, lalo kana para magustuhan ka ni Kevin"

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon