Chapter 3

85 3 3
                                    

Buong gabi ay wala akong ibang maisip kundi iyong kamukha ni Tristan na nakita ko sa tapat ng station namin. The girl was kinda pretty and sexy, kahit gabi na nun, alam ko kasi obvious naman sa porma ng girl na sexy sya and i think na maganda sya, i think lang naman. 

Hay ewan, ayoko nang maisip eto! Please Lord, patulugin niyo na ako o bigyan niyo man lang ako ng love life

Nagising nalang ako dahil ginising ako ni yaya Lina dahil wala epek alarm clock ko ngayong araw na ito! My gaash! Bakit kasi tagal ko nakatulog kagabi 

Nagmadali na akong naligo at nagbihis, Agad din ako pumunta sa kotse at medyo binilisan din ni Manong ang pag dridrive. Nakarating kami sa skwelahan nga 10:26, kaya ayun, takbo to the fastest level ang peg ko

Pag ka dating ko sa classroom, ayun, hingal na hingal, syempre, ikaw kayang takbuhan itong building namin, nasa 3rd floor pa naman classroom namin. at umupo na rin ako ng maayos at timing, dumating si sir. Hay salamat 

At napansin kong tulog si Tristan na naman, pero at least andito sya 

Wait, bago ako kiligin kailangan ko syang tanungin about kagabi, I need to make sure if sya nga iyon

Pero paano ko makakausap tong mokong na to, eh tulog nga parati. Haay nako

Kaya inibalin ko ang focus ko sa blackboard, kahit boring ang subject, no choice kaysa isubsub ko ang utak ko sa pag iisip tungkol kagabi. 

After few minutes

Wa epek! Hindi ko talaga makalimutan. Aaaaaaaaaaah! tumingin ulit ako kay Tristan, tulog parin, as usual

"Tristan?" bulong ko

"Tristaan?" 

See? Wa epek!

*sigh!

"May kailangan ka?" tanong nya

Hindi ko namalayang nakatitig na pala sya sa akin 

Oh my! Speechless si Ate! Wait, back to the topic, tanungin mo sya

"Hmm, kasi..."

He gave me a "what?" look

"Kasi.... bakit absent ka kahapon?" boom! Pwede na po akong kainin ng lupa, napahiya ko sarili ko. Hiya x 1000 level na ata to eh! Please Lord, sana ay may kumuha sa akin dito sa lupa at ilipat ako sa ibang lugar, bakit tinanong ko iyon! Hindi dapat iyon ang tanong ko

Moment of silence bago nya sagutin ang tanong ko

"Ah, kung ayaw mo sagutin, ok--"

"Nakatulog kasi ako" sagot nya

Ha? Nakatulog weeh?

"Weeh?" sabi ko

Again! kainin na sana ako ng lupa. As.in now na! Emergency exit please. Nasaan na ang stairway to heaven

Tumawa sya ng konti bago sagutin nya ang tanong ko

"Ah, oo, kaya ayun, hindi na ako nakapasok" sabi nya

"Ah ganun ba" sabi ko

Tinignan nya lang ako, and I know I felt so shy and I know I blushed. Sana lang hindi nya iyon napansin pero nag smile sya at biglang yumuko ulit. My gash! Mukhang napansin nga nya!

Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kanyaaaaaaaa

Break time

"Anong nakain neto?" tanong ni Trish

"Ewan, kanina pa iyan" sabi ni Eliza habang nakakibit balikat pa siya

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon