Tristan's P.O.V
grabe, habang kumakain kami di parin maalis sa isip ko ang ginawa ko kanina habang nandoon ako sa kwarto nila Katherine, bakit ko ba nagawa iyon? anong pumasok sa kokote ko? haaaaaay! di talaga pwedeng makulong kami sa iisang lugar, baka mas malala pa dun ang gawin ko. lately kasi, medyo nagiging komportable na ako sa kaingayan ni Kath na para bang iba na pag wala sya sa tabi ko, pero noong nakaraang linggo ay medyo tahimik sya sa usual nya. Ngayon parang wala lang naman sa kanya ang ginawa ko kasi kain lang sya ng kain at parang di nya namamalayang nahihiya na si Kevin at kanina pa pumupula ang pisngi dahil nga masaya sya dahil na appreciate ni Kath ang luto nya, pwe, kaya ko naman magluto rin ah! tekaaa? ano ba itong pinag iisip ko? di pwedeng makipag kumpetensya ako sa kaibigan ko. off limits na si Kath noong nalaman kong may gusto si Kevin sa kanya, minsan lang mag seryoso ang kumag na iyon and i know he's serious with her, more serious than he was with my sister.
pagkatapos naming kumain nagyayaya na sina Clark na mamasyal sa lugar
"guys! punta nalang tayo ng beach!" sabi ni Trishia
"oo ngaaaa! sgeeee!" sabi naman ni Troy
"wa-ait guys, hmm, pwedeng iba nalang kami ni Kath?" tanong ni Kevin na para pa bang nahihiya, see? that's what i said, seryoso nga sya
"ano? talagang kayo lang?" sabi ni Trishia na nakataas pa ang isang kilay nya
"teka Kevin? bakit di tayo sasabay sa kanila? gusto ko rin sanang mag beach" sabi ni Kath na parang walang kamalay malay sa gustong mangyari ni Kevin
"a-ah, kasi... kasi.. wala, i just want to spend some time with you alone" sabi ni Kevin at parang namula na naman "okay lang sa inyo iyon Trish? tsaka may time rin naman kayo mamaya eh" sabi ni Kevin at nakangiti lang
"sure! pero baka may iba gustong puntahan at samahan si Kath?" tanong ni Trishia at tumingin sya kay kath at nagtaas ng kilay habang nakangiti ng nakaloko, ano kaya ang ibig sabhin nya, tinignan ko si Kath na nasa gilid ko lang
"ha-a? ano? saan ba tayo pupunta Kevin?" tanong nya kay kevin
"basta, sge guys! kita kits nalang mamaya, susunod nalang kami ni Kath kung nasaan kayo" sabi ni Kevin at sumakay na si Kevin sa sasakyan nya, pasakay narin si Kath nang tumingin sya sa likod, sa akin, at umiwas agad sya at sumakay narin ng sasakyan, parang may naramdaman akong kirot sa aking puso ng nakita ko silang magkasama, si Kevin pa talaga ang nagbukas ng pinto para kay Kath at yun na nga, umalis na sila, parang ayaw ko sanang pa.alisin noon si Kath, tekaaa! ano na ba itong nararamdaman ko! putragis!
Kath's P.O.V
Saan kaya kami pupunta? ano na naman kaya pakulo ni Kevin, napatingin ako sa kanya at ngumiti sya sa akin at tumingin nalang din ako sa window, kasi nakakahiya kong palagi akong titig na titig kay Kevin, nagmamaneho lang syang nakangiti, pero habang naalala ko ang inasal ni Trishia, gusto ko na talagang manapak! humanda sa akin iyong bruhildang iyon, kinuha ko ang phone ko at nag text sa kanya
"ogags! humanda ka sa akin mamaya!" sabi ko
"hehe, ano ba? teka, sino ba talaga ang gusto mong makasama?"
"tumahimik ka dyan! walang hiya ka, baka anong isipin ni Kevin"
"well then best, just enjoy your time with him" sabi nya
di na ako nagreply, nakakabanas ang babaeng iyon, di man lang nag sorry pero muli syang nag text
"pero bestiiiieee! sana di nalang kayo umalis, super hot ni Tristan babes ngayon!" sabi nya
BINABASA MO ANG
Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019
Novela JuvenilSa umaga ay ako si Katherine Gonzales, isang simple girl peru medyo madaldal, hopelessly romantic at president lang naman ng No Boyfriend Since Birth club Sa gabi ay ako si DJ K, isang tagapayo sa pag ibig. medyo sikat ang Love Guru ng bayan pero wa...