Chapter 23

55 1 0
                                    

*I just edited some parts here :)*

Chapter 23

Kath's P.O.V

Ang bilis talagang dumaan ng mga araw ngayon, especially dahil malapit nang mag November, kaya eto mabilis takbo ng araw, parang di ko nga masyadong na feel ang weekend, although lumabas kami noong Sunday ni Kevin, sabay kasi kaming pumunta ng mass at ngayon nga ay Monday na, grabe! ang bilis talaga ng panahon

Pumasok ako ng school na walang ka energy energy, kasi naman eh, wala talaga akong panahon para makapagpahinga ng maayos, kung di ako busy sa school works, sa trabaho naman ako subsob! grabe talaga neto oh! Magkakasakit talaga ako neto

Pagpasok ko sa classroom ay napansin kong nakayuko ulit si Tristan, hay natutulog na naman? Naalala ko na tuloy na naman ang nangyari last week, ayoko na talaga sanang alalahanin iyon pero di ko ata magawa, everytime na makita ko sya, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko

Buti nalang at nagising sya nang dumating ang Professor namin, no need to wake him up baka kasi maulit na naman ang nangyari, buong araw ay ganun lang ang eksena namin, tahimik, minsan nag uusap naman pero tungkol sa projects, may pinagawa na naman kasi si miss eh

"Hey.." sabi nya ng natapos na ang klase namin

Tumingala ako sa kanya kasi nga nagliligpit ako ng gamit sa bag ko

"Kasi. I know we should make the project by now kasi for finals iyon but I need to go somewhere important" sabi nya sa akin na seryoso pa syang nakatitig sa akin, gosh! Tristan,  wag mo na ngang lalong patibukin ang puso ko, di na ako masyadong nakakahinga ng maayos ng dahil sa kagwapohan mo at ngayon parang mamatay na ako sa kakatitig mo ng ganyan sa akin

"A-ah, s-sge okay lang, w-we can do the p-project bukas" sabi ko sa kanya at agad ako nag iwas ng tingin, tahimik lang sya kaya akala ko umalis na sya pero nong tumingala ako, nandito pa pala sya sa harapan ko, di ko man lang naramdaman, nakatitig sya gamit ng mapupungay nyang mata, napabuntong hininga pa sya at biglang umalis, iniwan akong nakatunganga lang doon na parang ewan

Pagkatapos kong magligpit ay agad akong pumunta sa Radio station, maaga ako ngayon kasi maaga din natapos klase namin eh kaya dito muna ako

"Oh! Andito ka na pala Kath" sabi ni Kuya Sam na isang dj din dito sa station

"hi kuya, sino po ba guest niyo ngayon?" tanong ko sa kanya

"Ah, di mo ba alam? Hmm isang sikat na dj, I mean batang dj, grabe! Ang galing talaga nong batang iyon at medyo marami ng nakakakilala sa kanya" sabi ni kuya

"Talaga? Hmm, curious naman ako ah"

"Don't worry, makikilala mo rin iyon mamaya"

Pagpasok na pagpasok agad namin sa recording room ay agad tumambad sa akin ang isang pamilyar na lalaki. OMG! Bakit sya nandito? Teka? Baka sya ang

Aalis na sana ako pero biglang may humigit sa braso ko kaya napaharap ako sa kanya. 

"T-Tristan?" tanong ko sa kanya na nauutal pa ako

"Kath? Anong ginagawa mo dito?" tanong nya at kumunot pa ang noo nya

"Ah kasi... Kasi..... May kaibigan ako dito, pinapunta nya ako dito at may pinapabigay" sabi ko sa kanya at nag iwas ako ng tingin baka kasi mahalata nya ako na nagsisinungaling lang ako dito, tuliro ang mga mata ko, di ako makapakali, anytime, pwede nya akong mabisto

"Really?" tumaas pa ang kilay nya tumango nalang ako parang wla nang lumalabas sa bibig ko "Ano naman iyon?" tanon nya

"Ah... Ano... Kape!" sabi ko sa kanya 

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon