Chapter 33

35 1 0
                                    

*Sorry po talaga dahil natagalan na naman ako sa paguupdate ko, medyo nagkarron lang ako ng writer's block. Pero eto na po! I hope you will enjoy it guys!*



Chapter 33

Tristan's P.O.V

"Tristan? Anong ginagawa mo dito?"  tanong ni Kevin sa akin, bigla naman akong nagulat at medyo nagpanic

"A-Ah.. Wala lang.. I was just gonna talk to Faye but I think she's not here yet. Saan kaya iyon?"  iyon lang ang nasagot ko. Puta! Pwede na ba akong ihampas dito sa dingding? Napakabobo naman ng sagot na iyon. Umalis na ako and avoided him as I could. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang  itago lahat kay Kevin or even to the girl that I love that I still love her. Hearing her say those words make my heart ache. Alam kong nasasaktan ko siya kasi kahit ako mismo ay nasasaktan din

But I know this will fade, I know in time everything will be forgotten and alam kong lahat kami ay makakamove on. Alam kong sa simula pa lamang ay mali na may maramdaman ako para sa kanya cause I know my love for her won't lead to any good

Lumabas ako sa bahay at pumunta sa may veranda para magpahangin at susubukang makalimot sa nararamdaman ko ngayon, I don't want to waver when it is just the beginning. 

"Oh anong ginagawa mo dito? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah!" sambit ni Faye while standing beside me and was also staring at the view kong saan ako nakatingin

"Medyo lang" sambit ko

"Is this about her again?" napabaling siya sa akin at napabuntong hininga

"I guess I am right. Hanggan kelan ka ba magiging ganito ha Tristan?" takang tanong ni Faye sa akin

"Hanggang maging okay na ang lahat" sagot ko habang nakatingin parin sa view na kanina ko pa pinagmamasdan

"Alam mo, di ko alam kong magiging proud ako sa iyo because you are doing this for your friend or magagalit ako sa iyo dahil nagsasakripisyo ka" sagot niya sa akin at binalingan niya ako, di ko parin sya binabalingan

"Well...Paano nga ba?" nakangiti kong sambit sa kanya then I looked at her, nakakunot ang noo niya as if trying to read my expression and what I am thinking

"Ano ka ba, wag kang magalala sa akin, besides in no time makakalimot narin siya sa akin"

"Tanga ka talaga. Bobo. Tanga. Ewan ko nga rin ba kung ano ang nakita mo sa Katherine na iyon eh mas maganda naman ako" inirapan niya ako at nakabusangot lang ang mukha niya, napakunot ang noo ko at napangiti sa sinabi niya, ginulo ko ang buhok niya and she even slapped my hand as a sign na itigil ko ang pagugulo sa buhok niya, inakbayan ko siya at mas lalong ginulo ang buhok niya

"Ano ba Tristan! Itigil mo nga iyan! Alam mo namang ayaw kong ginugulo ang buhok ko eh!" pagsambit ko sa kanya

"Asees, parang di mo naman namiss to!" napahalakhak pa ako

"Oo nga, namiss ko to, ever since we broke up, eveything about you, I started missing it all. Namiss kita Tristan, sobra" seryosong sambit niya at napabitaw ako sa pagkakaakbay ko sa kanya at I stared at her eyes

"Faye..."malumanay kong sambit

"Tristan, bakit...Bakit di pwede ako? Ako nalang ang gustuhin mo, wala akong sabit, di ka na kailangan pang magsakripisyo and you don't need to get hurt" napapaos ang boses niya when she said it

"Faye..."

"I know. I know that you love someone else right now and I'm trying Tristan, I really am pero everytime na makita kita na nagkakaganito, di ko mapigilan na masktan, syempre mahal kita, sana nga lang naging totoo na lang ang lahat ng to, that I was really your girlfriend pero lokohin ko man ang sarili ko alam kong imposible eto. Because I really am not your girlfriend at may mahal kang iba" mas malumanay na pagkasambit niya and a tear fell in her cheeks

Ang buhay ng Isang Love Guru #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon