Namjoo's Point of View
"Noona!" napapitlag ako nang marinig ko si Yuki na tinawag ako. Agad na binigyan ko siya ng malambing na ngiti.
"Hi baby!" bati ko na nagpasimangot sa mukha niya.
"Noona, 15 years old na ko. Kailangan bang baby pa rin ang tawag mo sakin?" reklamo niya.
"Well para sakin, you're still my baby. By the way happy birthday." sabi ko habang hawak ang regalo niya.
"Salamat noona!" kinuha niya yun at binuksan agad. Napangiti siya nang makita ang isang pares ng sapatos. Alam kong matagal niya ng hinihiling yun sa mama niya. Inilapag niya yun kasama ang ibang regalo niya.
Bigla niya kong hinila papunta sa likod ng bahay nila. Palayo sa party. Pagkarating namin sa likod hinarap niya ko, saka yumuko at tila inatake bigla ng hiya.
"Ah noona, naaalala mo pa ba yung pangako mo sakin 5 years ago?" tanong niya sakin. Natigilan ako bigla. Oo, tandang-tanda ko pa ang sinabi niya nung bata pa siya.
"Ang alin?" Liar.
"Yung sinabi kong kapag naka-graduate na ko ng highschool, liligawan kita." seryosong sabi niya sakin.
"Yuki look, bata ka pa lang nun. Sa rami ng nagbago, ako pa rin ang gusto mo?"
"Ang tanging nagbago lang sakin ay yung age ko. Pero yung nararamdaman ko sayo magmula nung bata ako, hindi nagbago. Gusto kita noona, seryoso ako sayo magmula pa noon."
"Yuki.. sorry. I just can't" napayuko ako sa harap niya.
"Bakit? Kasi malaki ang age difference natin?"
"Hindi naman ako concern sa 5 years na agwat ng edad natin. Sadiyang little brother lang ang tingin ko sayo magmula noon. Hindi ko nga akalaing seseryosohin mo ang pangako mo. Bata ka pa, you deserve better." hinawakan ko ang balikat niya to make him feel better.
"But I'm in love with you noona." halos mangiyak-ngiyak na siya sa harap ko pero pinipigilan niya lang.
I just smiled at him. Ang deep ng pagmamahal niya na ni maski akong matanda hindi naramdaman yun. But I just wanna say sorry to him. Iba ang nararamdaman ko towards him.
--
Dali-daling napahiga ako sa sofa pagkarating namin ni Naeun unnie sa boarding house.
"Yah. I heard ni-reject mo yung young suitor mo. Why? Cute pa man din siya." disappointed na sabi ni unnie.
"Gusto mo iyo na siya?" matamlay na sabi ko.
"Ani. Dongsaeng lang turing ko sa kaniya."
"Telk you what, ganiyan din ang tingin ko sa kaniya." napabuntung hininga ako nang maalala ang nangyari kanina.
Agad-agad na tumakbo si Yuki papunta sa loob ng bahay nila. Pilit siyang pinapalabas kahit mag-blow lang ng candles pero ayaw niya talaga. Babo Namjoo. Kasalanan ko to.
"Anyway, don't feel guilty. Bata pa lang siya, hindi niya pa talaga naiintindihan. Sige na mag-shower na tayo, nangangamoy ka na." pang-aasar ni unnie bago pumasok sa kwarto niya.
Sa pilitang itinayo ko ang sarili ko para mag-shower. Kahit papaano na-relieve naman ng tubig ang stress ko. Napakanta pa ko sa sobrang sarap sa pakiramdam.
Pagkaligo ko, dumiretso ako sa kama ko kung saan may nakaupong gwapong lalaki. Wait, what? Binalikan ko ng tingin yung lalaking nakaupo sa kama ko. Nagkatitigan kami at nginitian niya ko.
Agad akong napatili at dali-daling bumalik sa loob ng CR. Nakailang sampal ako sa sarili ko. Namamalik-mata ba ko? Natagalan 'ata ako sa shower kaya nagkaroon ako bigla ng hallucinations.