Boo

111 9 0
                                    

Dongwoon's Point of View

Napatingin ako sa paligid nang makakita ng isang note sa locker ko. Nagtataka man pero kinuha ko yun.

"My head is full of your thoughts. I slowly fell into a sweet imagination. Have a wonderful day! - Boo"

Palihim akong napangiti nang mabasa ko ang note. Pero nakadama ako ng lungkot dahil hindi ko kayang suklian ang lahat ng nararamdaman niya. Tinitigan ko ang letter na i-rereply ko sana sa kaniya, pero hindi pa kong handang sabihin, maybe next time.

Halos magdadalawang buwan na rin noong magsimula siyang magsulat sakin. And she never fails to make me smile sa simpleng note na consistent niyang nilalagay sa locker ko.

--

Pagod na pagod ako galing practice, ilang beses akong nasuway ng dance instructor namin dahil hindi ako makasunod. Kasalanan ko bang hindi talaga ako pamilyar sa mga routines dahil bago lang ako. Inis na binuksan ko ang locker ko para magbihid. Pero natigilan ako ng makakita ng isang note.

Napakunot ang noo ko at tumingin sa paligid para makakita ng kahina-hinalang tao na naglagay nito sa loob.

"Don't be too disappointed on yourself. You're still great because you tried your best. You can do it! - Boo"

Normally pupuntahan ko ang mga kasama ko at pagalit na tatanungin kung sino ang naglagay nun. Pero imbis na mainis napangiti ako at kumuha ng ballpen at papel para mag-iwan ng note sa locker ko.

"Thanks. Kahit papaano napagaan mo ang loob ko."

Nang sumunod na araw may reply akong natanggap sa kaniya.

"Glad I could help. I know you can do it. Just believe in yourself. - Boo"

Sa mga lumipas na araw agad akong nakabawi sa practice. Madali na kong nakakasunod kahit may konti mang
pagkakamali. Ayoko mang aminin pero malaki ang naitulong ang words of encouragement na laman ng notes na natatanggap ko araw-araw.

Nang lumipas ang tatlong linggo, nagpasiya akong tanungin siya.

"Magkakilala na ba tayo? Pwede ba tayong magkita?"

Madaling-madali ako sa locker ko nung sumunod na araw dala na rin ng curiosity sa pagkatao niya.

"I'm just an ordinary girl, who likes to watch you close by. You can't see me, but I can see you. Like a ghost you can't feel my existence. I'm Boo. Your Boo."

Naging isang malaking misteryo ang pagkatao niya matapos nun. Marami na kong natanungan pero pati yung mga ka-dance mate ko walang ideya. Hanggang sa pinangilabutan ako sa ideyang isa nga siyang multo. Hindi kaya?

Pero nawala ang naiisip kong yun nang may makita akong na apat  babaeng nanggaling sa direksyong ng locker ko. Si Namjoo, Eunji, Hayoung, at Bomi. Isa sa kanila ang pwedeng naglalagay ng note sa locker ko. Pero sino?

----

"Dongwoon oppa! Tawag na tayo ni Mr. Lee. Start na raw ng practice." tawag sakin ni Namjoo. Tinanguan ko siya bago sumunod. Isinara ko ang locker ko at binulsa ang letter na hawak ko.

Hindi kaya si Namjoo?

Tinitigan ko siya habang naglalakad kami papuntang dance studio. Inaabangan ko siyang tapunan ako ng tingin pero hindi niya ginawa. Mukhang hindi siya yun dahil parang kuya lang ang turing niya sakin.

"Oy galingan mo ah, pero wag mo kong dadaigin. Baka mamaya laging ako mapansing nagkakamali eh." biro ni Eunji sakin. Nginitian ko lang siya bago nakipagkwentuhan sa kanila.

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon