Hush

61 14 3
                                    

Namjoo's Point of View

"Aha, nandito ka lang pala lagi Namjoo. Nakita ko rin ang tambayan mo."

"Hushhh.. Ano ba Bomi unnie wag kang maingay nasa library tayo?" pabulong kong suway sa kaniya nang batiin niya ko.

Napalingon ako sa direksyon kung nasaan siya. Nakahinga ako ng maluwag na hindi siya nag-abalang lingunin kami. Buti na lang naka-earphones siya.

"Ahem."

Hinarap ko si unnie at nakita ko ang pag-angat-angat ng kilay niya. Napa-gasp ako, alam kong may ideya na siya kung bakit sa library ako nakatambay.

"Hehe unnie, nagkakamali ka ng iniisip." pagmamaang-maangan ko. Pero halata sa mukha niyang hindi niya bibilhin kung anuman ang idadahilan ko.

Mas lalong napalapad ang ngiti niya nang makita ang nilingon ko. Kitang kita niya ang isang lalaking seryosong nagbabasa. Gawd. Kahit wala siyang ginagawa, hindi ko maiwasang titigan siya.

"Please don't tell them." pakiusap ko kay unnie.

Natatakot akong kapag nalaman ng mga kaibigan namin. Sigurado akong mag-aala cupid ang mga yun lalo na si Naeun unnie. Ayokong mangyari yun. Kuntento na kong nakikita ko siya dito sa library.

Napabuntung hininga muna si unnie bago tumango.

"Thank you unnie." bulong ko sabay yakap sa kaniya.

"Pero.. akala ko talaga nag-aaral ka dito sa library. Ikaw ha. Sino ba yang tinitingnan mo lagi? Kilala mo ba siya?"

Napakalas ako sa yakap tiyaka marahang umiling.

"What? Ni hindi mo man lang alam yung pangalan niya? E halos mukha ka ng stalker ngayon."

"Ssshh.." suway ko sa kaniya habang naka-'hush' ang mga kamay ko.
"Unnie naman e, hinaan mo naman yung boses mo." pakiusap ko sa kaniya.

"Wala naman masiyadong tao Namjoo, wag kang OA."

"Hindi yun unnie, baka marinig niya tayo." bulong ko tiyaka pasimpleng lumingon ulit sa kaniya.

"OA ka nga, tingnan mo naka-headphones siya. Malayo-layo rin ang pwesto niya. Tingin mo talaga rinig niya pa yan."

Hindi na ko nagreklamo pa. May punto naman siya, ewan ko rin ba sa sarili kung bakit nagpapaka-paranoid ako.

It's been a month na nag-i-stay ako sa library para lang makita siya. Wow happy monthsary sa creep na gaya ko. Pero ang masakit dito, hindi niya na nga ko kilala wala rin akong ideya tungkol sa kaniya. Ang alam ko lang ay yung physical appearance niya at kung paano niya ko hinahalay sa mga simpleng kilos niya. Ooppss. Sorry for the word.

I don't know you who you are
I don't even know your name

--

"Bakit di mo na lang kasi siya lapitan nang matapos na tong pagiging stalker mo?"

"Hush unnie."

Wala siyang nagawa kundi bumalik sa paglalaro ng cellphone niya. Isang linggo na rin akong sinasamahan ni unnie dito sa library. Wala raw siyang magawa kaya niya ko sinasamahan dito.

"Papalapit siya dito." nakangiting sabi ni Bomi unnie.

Nanlaki ang mata ko nang makitang totoo nga ang sinasabi niya. Nag-panic agad ang utak ko hindi ko alam kung anong gagawin. Dali-dali kong kinuha ang libro sa harap ko at nagkunwaring nagbabasa.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang lagpasan niya kami. May kinuha lang siyang libro sa shelf na nasa likod lang namin. Pabalik na sana siya ng pwesto niya nang biglang harangin siya ni unnie. Napalunok ako dahil sa ginawa niya, naghuhumiyaw ang utak ko 'Unnie hajimma!~'

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon