I Got You

69 10 2
                                    

Yookyung's Point of View

With great power, comes with great responsibility.

Kaya kong pigilan ang oras sa tuwing pinipigilan ko ang paghinga ko. Great right? But I'm no superhero. I decided not to. I made my power as a way to my sanctuary.

Pinipigilan ko ang paghinga ko habang nagtatrabaho bilang artista. Pantakas ko to sa magulong mundo, sa lahat ng liwanag at kasikatan sa paligid.

Nasa kotse ako at tinitingnan ang mga humahanga samin. Ang mga cellphone at camera na nakatutok sa mga sasakyan namin. Ang sakit sa mata, masiyado akong nasisilaw. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ko yun pinigilan at parang sa isang iglap tumigil silang lahat.

"Tulong! Saklolo! Tumigil na naman ang mga tao! Sinong gumagalaw diyan! Tulungan niyo ko!"

Agad akong natigilan sa mga sigaw ng lalaki sa labas. Imposibleng mangyari to, may hindi naaapektuhan ng ginawa ko. Dali-dali akong lumabas sa kotse at nakita ko ang isang lalaki sa kalsada. Tarantang-taranta siya na parang nasa ibang mundo o dimensyon siya nakapunta.

(Nandito ako!)

Gusto kong isigaw yun sa kanita pero hindi ko magawa. Dahil nakapigil lang ang paghinga ko. Gusto ko siyang habulin, gusto kong ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Pero bumalik ako sa loob ng kotse at napahinga ng malalim na siyang nagpabalik sa takbo ng oras.

"Unnie, ok ka lang?" tanong ni Namjoo sakin na parang nagulat sa pamumutla ng mukha ko.

"A-ayos lang ako." nanghihinang sabi ko.

Hindi ko naman ikamamatay 'tong panghihina ko. Mamamatay? Kapag nawala ako at nalagutan ng hininga, habambuhay titigil ang oras ng mundo. Totoo nga sigurong immortal na ko. Pero bakit wala akong maalala sa nakaraan ko?

--

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nung nakita ko ang lalaking yun. Magmula rin nung araw na yun hindi ko na pinigilan amg paghinga ko. Parang natatakot ako sa mararamdaman niya kapag tumigil na naman ang tao sa paligid niya. Nakakabaliw yun sigurado.

Hindi mawala ang imahe ng mukha niya na takot-takot sa paligid. Parang pamilyar na ang mukha niyang yun. Gusto ko siyang makita ulit.

"Unnie, ano bang gusto mong gawin? Kanina pa tayo naglalakad dito. Paano kung may makakita sating media?" reklamo ni Namjoo habang nakasunod sakin.

Naglalakad kami sa isang pamilyar na kalsada kung saan ko huling nakita ang lalaking yun. Pero parang sa ibang lugar ako gustong dalhin ng katawan ko.

"Sabi ko naman kasi sayo, wag ka ng sumunod sakin. Babalik din ako agad sa dorm."

"Ayoko nga, hindi ligtas sa labas unnie."

Kung alam niya lang siguro ang kaya kong gawin baka natahimik na siya at hinayaan niya lang ako.

Natigilan ako sa paglalakad nang makakita ako ng lalaking nasa harap ng antique shop. Saglit akong napatulala sa lugar na yun. May gustong alalahanin ang isipan ko.

"Unnie? Anong nangyari sayo? Bakit nakatigil ka? Nakarating na ba tayo?"

Pinigilan ko ang paghinga ko nang mapansin kong maglalakad na siya paalis. Pero nagtuloy lang siya sa paglalakad na halatang hindi naapektuhan, napatakbo ako papunta sa kaniya.

Wait! Please Stop! I need to talk to you!

Isang patak ng luha ang tumulo sa mukha ko na parang nasasaktan sa pag-iwan niya. Iniwan niya ko?

Nakapasok ako sa isang antique shop at naramdaman ko ang ulo ko na parang tumibok ng malakas. Napahawak ako sa ulo ko dala ng sakit. Agad na nanghina ang katawan ko at napahiga sa sahig. Naramdaman ko na may tumatapik sa katawan ko.

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon