Wishlist

147 15 0
                                    

There's only one person that I've dream to be with.

"Ang damot mo naman Yook. Anong problema sa paghingi ng papel? Magkaibigan naman tayo ah." pagdadahilan niya sakin. Ang kulit din ng lalaking 'to eh.

"Magkaibigan tayo? Kelan pa?"

"Simula nung in-accept mo yung friend request ko." nakangising sagot niya. Seryoso ba siya?

"Hindi yun nag-aapply sa real world."

"Kahit na, kilala mo pa rin ako. Alam mo bang pumapangit ang babae kapag nagdadamot."

Huminga ako ng malalim bago mahigpit na pinilas ang papel not thinking kung may sulat ba yun.

"Isa lang pwede mong hingin. Dali na alis." pagpapalayas ko sa kaniya.

Bahala siya sa buhay niyang magsagot sa may scratch o kung anumang nagawa kong scribble dun.

"Yieehh natakot pumangit, gusto mo sabihan kitang maganda kaya ka namigay noh?"

Magsasalita pa sana ako pero dali-dali na siyang lumabas ng room.

"Ang ganda mo Yook!" habol na sigaw niya kaya sunud-sunod na panunudyo at tuksuhan ang narinig ko sa mga kaklase namin. Nakakainis.

The one who’ll wake me up like the sunshine.

"Good Morning!" bati niya agad sakin pagkapasok ko ng room.

Tinanguan ko lang siya bago dumiretso sa upuan ko. Inaantok pa ko at wala ako sa mood sa mga kalokohan niya. Dudukmo sana ako pero bigla niyang sinapo yung ulo ko ng dalawang kamay niya.

Kaya napaangat yung tingin ko at biglang napapikit ako sa liwanag. May hawak siyang flashlight.

"Ano ba! Masakit sa mata."

Agad niya naman yung pinatay at ngumiti.

"Nang-aasar ka ba talaga?" inis na tanong ko.

"Sabi ko good morning, umaga na. Dapat matuto ka ring batiin ako pabalik ng nakangiti."

"Morning." matamlay na sagot ko.

"Ngiti sabi eh." hinawakan niya yung magkabilaang pisngi ko at pilit inangat yun. Bakit ba ako na yung gusto niyang pinagtritripan?

The person that will make me smile and sadness will disappear.

Mag-isa akong kumakain sa isang bench dito sa zoo. Kanina pa ko nagugutom sa sobrang pagod. Ayaw na ayaw ko talagang pumupunta sa mga school trip. Nakakapagod. Na-mimiss ko na agad yung kama ko.

"Hindi nga sabi masama yun! Masama lang yun kasi binabawalan mo yung sarili mo." napalingon ako sa gilid at nakita ko siyang may kasamang batang babae.

"You're stupid manong. Di mo pwedeng gawing pet ang unggoy." protesta ng bata.

"Pwede kaya! Alam mo ba yung theory ni Charles Darwin na galing sa unggoy yung tao. Sign of respect ang pag-aalaga natin sa unggoy kasi dun tayo galing. Sinong stupid ngayon ha?"

Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang tawa ko sa usapan nila. Ang lakas naman ang loob niyang makipagdebate sa bata.

"Duhh! Alam ko yun! Baka ikaw galing dun manong. Look at you naiwan ka pa ata."

Di ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na ko ng malakas. Benta kasi nung joke ng bata, totoong totoo. Nagtuloy lang sila sa pagtatalo hanggang sa tinawag na yung bata ng mga magulang niya.

Pagkatapos niyang magpaalam sa bata ay tumabi siya agad sakin.

"Marunong ka pa lang tumawa." bungad niya agad sakin.

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon