Chorong's Point of View
"Park Chorong! Yoon Bomi! Jung Eunji! Son Naeun! Hong Yookyung! Kim Namjoo! Oh Hayoung!"
Isang ngiti ang sumilay sakin habang nag-peperform kami. Pagod man o tagaktak ng pawis parang lahat yun napapawi lang ng ganun kadali. Nagpapasalamat ako sa mga sumusuporta na nagbibigay ng lakas samin.
Pagkatapos ng performance stage namin ay agad na kinawayan namin ang mga fans namin bago tumuloy sa back stage.
"Great job!" masayang sabi ko sa kanila. Habang nagpupunas ng pawis at nag-tatanggal ng mic.
"Hehe u-unnie nagkamali ata ako sa may bandang chorus." sabi ni Eunji sakin habang naka-peace sign.
"May bago pa ba?" napabuntung hininga ako saka nag-stretch.
Bigla namang tinakpan ni Eunji ang mukha niya na parang takot na takot.
"Problema mo Eunji?" tanong ko.
"Hindi mo ba ko aatakihin o pagsasabihan unnie?" nagtatakang tanong niya.
Napangiti na lang ako habang umiiling-iling.
"Saka na. Ayokong masayang yung laway ko ngayon, basta ayusin mo yung sayaw mo next time. Makakatikim kang hapkido kapag di mo pa inayos." pananakot ko sa kaniya.
"Grabe unnie, don't be too hard on Eunji unnie. Sadiyang busy lang magpaka-actress yan." dagdag ni Yookyung.
"Yookyungie~ buti ka pa naiintindihan mo." pagpapaawa ni Eunji tiyaka yumakap kay Yookyung.
"Ehem ako rin po busy, wala naman akong mali." pagpaparinig ni Naeun na nasa gilid lang.
"Yah, dyosa ka. Hindi ka talaga nagkakamali, nadudulas lang haha." biro ni Bomi kay Naeun.
"Hahaha naaalala ko yan unnie! Ang sweet nga nung sahig gusto makatanggap ng hug, sa sobrang kadiyosahan ni Naeun unnie." singit ni Namjoo na may nguya-nguya na agad na pagkain. Pareho sila ni Hayoung na pinairal na naman ang sikmura.
Agad namang sinamaan ng tingin ni Naeun si Namjoo. Tiyaka nagbangayan tulad ng normal na ginagawa nila.
"Yah! Kayong dalawa, saan niyo naman nakuha yan ha?" tanong ko kay Hayoung.
Malalim na lunok ang ginawa ni Hayoung bago ako sinagot.
"Ehe bigay ni m-manager oppa." sagot ni Hayoung habang naginginig.
Napaangat ang kilay ko para mapakitang hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Napa-pout na lang si Hayoung bilang pagsuko.
"Inabot ng fans natin, nakakahiya namang hindi tanggapin." pagtatapat ni Hayoung.
"Next time tumanggap pero wag kainin agad. Akin na nga yan confiscated yang mga yan." agaw ni Bomi sa pagkain ni Hayoung at Namjoo.
"Bomi-ah, don't you even dare." pananakot ko sa kaniya. Dahil kilalang-kilala ko na siya at alam na alam ko ang gagawin niya dun.
"Eto na oh, iaabot ko na kay oppa." malungkot na sabi niya.
Napahawak na lang ako sa ulo ko. Mga sakit sa ulo talaga. Ts.
Pagkarating namin sa dorm. Kaniya-kaniyang gawain kami sa isa't isa. Hanggang sa dumiretso kami sa living room para magkwentuhan bago matulog.
"Biruin niyo bukas anniversary natin." panimula ni Bomi na may nginguya ng pagkain. Wala talaga akong kasalanan kapag nadagdagan yung timbang niya.
"Oo nga e, buti na lang ginawang day off ni manager yun kahit may schedule dapat tayo." dagdag ni Namjoo na nakahiga ngayon sa lap ni Naeun. Tingnan mo 'tong dalawang 'to. Kanina lang wagas kung makapag-away tapos ngayon peace na agad sila.
