Kasabay ng pagsibol ng mga halaman, ang pagngiti kong muli. Nasaktan ako dati, pero limot ko na yun. Darating talaga tayo sa puntong kailangan tayong iwan ng mahal natin. Mahirap. Pero kailangang tanggapin.
Mag-isa akong naglalakad habang tumitingin sa mga bulaklak na tila nakikiayon sa ganda ng umaga. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ang pagiging romantikong muli.
"Tabi!" Napalingon ako sa sumigaw na babae. Huli na nang maramdaman kong bumangga ang bisekleta niya sakin.
Pagdilat ko nakahiga na ko sa lupa at nakatitig sakin ang isang babae. Mapungay na mga mata, matangos na ilong at mapulang labi. Para akong nakakita ng anghel.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin. Ang lamig ng boses niya kaya ang sarap pakinggan.
Tumango ako at dahan-dahang bumangon. Bumuntung hininga muna siya at tumingin sa nakataob niyang bisikleta.
"Tumingin-tingin ka kasi sa dinadaanan mo!" sigaw niya bigla sakin kaya napaatras ako. Asan na yung anghel?
"Ako na nga ang nabangga parang ako pa ang may kasalanan." hindi niya pinansin ang sinabi ko. Itinayo niya lang ang bisekleta niya at umangkas ulit dun.
"Kasalanan mo yan, maging aware ka kaya sa harap mo. Hindi kung anu-ano yung tinitingnan mo." pagkasabi niya nun umalis na siya.
Cute niya sana. Napakasungit nga lang.
Nagsimula na kong maglakad habang nakatingin sa dinaraanan ko. Mahirap na baka may makabangga na naman sakin.
Dumiretso ako sa coffee shop para mag-agahan. Pagka-order ko umupo ako sa isang table malapit sa isang babae. Halos mapanganga ako sa rami ng pancakes na in-order niya. Nakita ko ang unti-unti niyang paglantak ng pagkain. Pagkainom niya ng coffee shake niya, nayanig pa ko sa malakas na pagdighay niya. Agad na nagtakip siya ng bibig at tumingin sa paligid.
Napangiti ako bigla, habang pinipigilang matawa. Napatingin siya sa direksyon ko. Ngumiti siya sakin habang naka-peace sign pa. Napatawa na ko ng mahina lalo na nang makita kong may syrup pa sa gilid ng labi niya. It was kind of cute.
Dumating ang waitress dala yung order ko. Pagkababa niya ng pagkain tumitig ito agad sakin.
"May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik at nag-abot lang ng band aid.
Agad naman kinapa ko yung mukha ko at naramdamang may sugat pala ako sa pisngi. Dala siguro 'to ng pagkakabangga nung bisekleta sakin. Binuksan ko yung band aid at napangiti sa waitress na nagbigay sakin. Pero inirapan niya lang ako.
"Ah salamat?" halos patanong na ang sabi ko kasi mukha siyang naiinis.
"Ayoko lang ng mga basagulerong customer."
"Ha? Mali ka ng--"
Hindi na niya ko pinatapos at naglakad na paalis. Parehong-pareho sila ng ugali ng nakabangga ko kanina. Di niya pinapahalatang concern siya. Cute.
Pagkakain ko ay dumiretso na ko sa may waiting shed para mag-abang ng masasakyan.
Habang nag-aabang ako ng sasakyang bus, may narinig akong babae na sumisigaw ng 'Saglit' sa may jeep na huminto sa may shed. Pinara ko yun para maabutan niya. Kaso nadapa pa siya bago makasakay. Kaya tinulungan ko pa siyang makatayo.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Napatulala na lang ako nang ngitian niya ko. Nagkalat na ba ang mga anghel ngayon?
"Salamat po kuya." sabi nito pagkatayo, at sumakay agad sa may jeep. Nauntog pa nga siya bago pa makaupo, kaya tawanan ng pasahero ang maririnig dun.
Kung ganun kamalas ang babaeng kakilala ko, mapapasubo kang ingatan ang tulad niya.
Pagkaalis ng jeep may tumigil namang kotse sa harap ko. Nagtanong sakin yung driver ng direksyon kaya 'to huminto. Wala rin naman akong ideya kung saan ang tinutukoy nitong pupuntahan kaya nag-sorry na lang ako. Pero nakuha ng atensyon ko ang babaeng nakasakay sa likod. Tahimik lang siya at parang nakatitig lang sa kawalan.
Matamlay ang mukha nito at saktong nagkatitigan kami, ang lamig ng titig niya sakin. Hanggang sa umandar na paalis ang kotse, nakatitig ako dun.
Mahal ang mga ngiti ng ganung babae. Parang hindi niya planong ibigay yun sa iba. Ang lungkot ng mata niya.
Pagkahinto ng bus na sasakyan ko, umupo agad ako sa may bandang dulo sa tabi ng babaeng maigsi ang buhok.
"Kuya dun ka sa kabila baka mapagkamalan nilang boyfriend kita." bulong ng katabi ko sakin.
"Ha?" Hindi ko nadali yung sinabi niya. Ano raw?
"Tingin ka sa paligid mo, puro couples ang sakay nito. Couple bus kumbaga."
Napatingin naman ako sa paligid. At oo nga kung titingnan mo ang mga babae't lalaking magkakatabi, para ngang nakasakay kami sa couple bus. Tatayo na sana ako para lumipat ng upuan kaso pinigilan niya ko.
"Eto naman 'di ka na mabiro hahaha."
Nagtuloy ang biyahe na kinakausap ako ng katabi kong babae. Nakakatuwa nga at kompartable kami sa isa't isa kahit ngayon lang kami nagkakilala. Nang makarating na kami sa bababaan ko ay napasimangot siya na parang bata.
"Ayyyy iiwan mo na ko. Ge na nga shupi, single na naman ako ajuju." Pagbibiro pa nito sakin.
Nagpaalam kami sa isa't isa bago ako bumaba. Pagkababa ko bigla kong naalala hindi ko nakuha yung pangalan niya. Kaso paglingon ko nakaalis na yung bus. Sayang.
Naglakad na lang ako ulit pero napatigil ako nang biglang may humablot ng jacket ko. Pagkatingin ko nakita ko ang naka-uniform na babae na kasabay ko bumaba. Kung titingnan mo siya mukhang hindi siya high school student.
"Kuya, nalaglag niyo po." Sabi nito bago inabot ang wallet ko.
"Ah salamat."
"Mag-iingat po kayo sa gamit niyo." sabi nito bago naglakad paalis.
Mabait naman siya, napatingin ako sa wallet ko. Teka hindi ko na 'to hawak nung nasa bus palang ako. Barya na nga lang sa bulsa ko ang ibinayad ko sa bus. Nalaglag ko na 'ata 'to nung nasa coffee shop pa lang ako. Sumunod siya sakin hanggang dito? That was nice of her.
Naglakad na rin agad ako, mahirap na baka kanina pa niya ko hinihintay. Bago ako makipagkita sa kaniya bumili muna ako ng bulaklak na paborito niya.
Pagkarating ko sa tuktok ng burol, nilapag ko ang bulaklak sa tabi niya.
Napahiga ako sa lilim ng puno malapita sakaniya at dinama ang hangin.
"Alam mo ba may pitong paru-paro akong nakasalubong. Mukhang sila ang rason kaya magiging maganda ang tagsibol ko." kwento ko sa kaniya.
"Pero sa lahat ng paru-paro, sayo lang nakatingin ang bulaklak na gaya ko." sabi ko habang pinipigilang maluha sa tabi ng libingan niya.
Para akong bulaklak na isang beses na nalanta pero may tiyansang sisibol ulit ang pag-asa.
---
NOTE:
It was kind of dramatic. Sorry. Iniisipan ko kasi ng magandang story yung album nila na related sa kanilang pito. Pero parang fail 'ata. By the way, kayo na lang ang manghusga kung sino sa mga babae yung A-Pink members. Thank you for reading! Feedback jusseyo!

BINABASA MO ANG
Pink Panda's Playlist (One Shots)
SonstigesCompilation of Short Stories about A-Pink.