Namjoo's Point of View
"Hanggang kelan ka ba mag-i-stay dito? Pwedeng wag masiyadong matagal? Kawawa naman yung buhay ko." pagmamakaawa ko kay Hyuk. Pagkalingon ko sa kaniya, parang hindi naman siya nakikinig.
Tumitingin siya sa paligid na akala mo hangang-hanga sa nakikita. Halatang dayo lang siya dito. Bakit ba kasi pumayag pa ko kay Naeun unnie na ilibot siya?
Hindi na lang ako nagsalita at kung saan-saan na lang kami pumunta. Pero nahahalata kong parang mas kabisado niya pa nga yung lugar kesa sakin. Puro siya sabi 'Hindi ba dito yun?' at 'Papunta yun dun.' Parang napaisip ako kung ano pang sense na nandito ako?
Nang mapagod na kami kakalakad kung saan-saan. Naupo muna kami sa damuhan sa loob ng park malapit samin.
Napapikit ako nang maramdaman kong dumampi ang malamig na simoy ng hangin. Ang presko. Natigilan ako nang mapansin kong nakatitig si Hyuk sakin habang may malapad na ngiti sa mukha. May nakakatawa ba? Kinapa ko yung mukha ko kung may dumi bang nakalagay.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Tinitingnan ko kung may dumi ako sa mukha. Para kang matatawa habang nakatitig sakin eh." mas lalo lang siyang napangiti sa sinabi ko.
"Hindi ako natatawa sadiyang masaya lang ako." sabi niya bago ginulo ng konti yung buhok ko.
"Haaaayyy.. napagod ako."Nanlaki yung mata ko nang bigla siya humiga sa hita ko. Ang kapal!
"Hoy tumayo ka nga! Tingin mo sakin unan mo!?" sabi ko habang pinipilit iangat yung ulo niya. Ang kaso masiyado siyang nagmamatigas kaya wala rin akong nagawa. Hinayaan ko na lang siya ng ganun.
Agad na sa iba ako tumingin dahil nakatitig lang siya sakin. Ano bang problema niya?
Mga ilang minutong katahimikan, nakatitig ako sa mga ulap dahil naiilang ako sa titig niya sakin.
"Pwede bang magtanong? Bakit nandito ka sa past? Anong misyon mo dito?" pag-oopen ko ng topic para hindi ako mailang sa titig niya sakin. Bigla siyang tumayo saka hinila rin akong tumayo.
"May gusto lang akong maranasan." sagot niya sakin habang nakatitig sa mata ko.
"Ano yun?"
Hindi niya ko sinagot bagkus lumuhod lang siya sa harap ko. Napa-gasp ako sa ginawa niya. Ano 'to? Nang-titrip ba siya?
Pagkatayo niya, ngumiti siya at ginulo na naman yung buhok ko.
"Wag kang excited. Tingin mo magpo-propose ako sayo? Tinali ko yung sintas mo. Baka madapa ka bigla, mahirap na. Pangit na nga yung katawan mo magkakapeklat ka pa."
"Anong sabi mo!?"
Hinabol ko siya agad nang bigla siyang tumakbo.
--
Magdadalawang linggo rin siyang nanatili samin. Hindi naman siya naging pabigat, kung tutuusin mas naging madali ang buhay namin ni Naeun unnie nang dahil kay Hyuk. Siya lahat halos ang gumagawa ng chores na dapat na ginagawa namin.
Napapa-thumbs up nga si Naeun unnie dahil nagkakaroon na siya ng time para mag-aral. Ni maski ako thumbs up dahil mas masarap ang luto ni Hyuk kaysa kay unnie. Pero ayokong ipahalata siyempre, baka masapak ako ni unnie.
Pero kapansin-pansin din ang pagiging mabait at malambing niya sakin. Aminado akong nakakainis ang pang-aalaska niya minsan, but the truth he's not bad after all. Tuloy-tuloy nga ang panunukso ni unnie saming dalawa dahil para raw kaming may nakaraan. Pero naisip ko baka kasama lang to sa pagpapanggap ni Hyuk para hindi malaman na galing siyang future.