Step

54 10 1
                                    

Naeun's Point of View

Napatigil ako sa pagkain nang makarinig na naman ako ng paglakad sa taas ng apartment room ko.

"Ayan na naman yung malikot na lalaking yan. Naeun, bakit hindi mo pa kasi siya ireklamo? Sabi mo nabubulabog na niya yung pag-rereview mo." tanong ni Eunji unnie sakin, nagpasama muna ako ngayon sa apartment sa kaniya para magpaturo.

"Gustuhin ko man hindi pwede unnie, anak mayaman daw yang nakatira sa taas ko. Yung pamilya raw nila yung may-ari ng facility na 'to." pagrarason ko sa kaniya.

Nakakainis nga, kung hindi lang biniyayaan lang yang lalaki na yan, irereklamo ko talaga siya! Grrr.. hindi na tumahimik yung gabi ko sa lakas ng yabag ng paa niya.

"Psh. Kaya naman pala. Pero teka bakit ba ganiyan yung lakad niya? Try niya naman kamo buhatin."

"Hindi ko pa nakikita yung nakatirang lalaki diyan. Pero tingin ko sobrang taba niya kaya hindi niya mabuhat." dagdag ko saka kami natawang dalawa. Kahit dito man lang makapaghiganti man lang ako sa lalaking yun. Kung sino man siya.

---

Agad akong napabangon at tiningnan yung orasan ko. Ala una na! Bakit ba hindi pa rin siya tumitigil sa paglalakad o pagtakbo? Hindi ba siya marunong mapagod! Aaarrrggghh!

Dahil hindi na ko nakatiis, dali-dali akong lumabas at umakyat sa taas na floor ng apartment room ko. Kakatukin ko na siya kung kinakailangan, may exam pa ko bukas at hindi siya ang magiging rason ng pagbagsak ko. Pagkakatok ko binuksan agad yun ng isang balingkinitan na lalaki, na blonde ang buhok.

"Nasaan yung may ari nung apartment room na 'to?" walang ganang tanong ko sa kaniya.

"Uhh.. bakit? May kailangan ka?"

"Oo! Gusto kong sabihin sa kaniya na patahimikin man lang yung gabi ko. Nakatira ako dun sa baba. Matagal ko ng tinititiis yung mga malalakas na yabag ng paa niya. Problema ko na nga yung pagiging estudiyante, wag na kamo siyang makidagdag pa."

Pagkatapos kong magsalita nakatitig lang sakin yung lalaki.

"Nandiyan ba siya? Wag mo na siyang itago." pagpasok ko sa loob walang ibang tao kundi yung lalaki na yun.

Paglingon ko sa kaniya kakamot kamot siya ng ulo na halatang guilty sakin. Naobserabahan ko yung paligid at nakakita ako ng parang dance studio sa loob. Kaya naman pala sobrang ingay sa baba ko na parang matabang lalaki yung naglalakad sa taas. Nagsasasayaw pala yung nakatira dito.

"Sorry kung naistorbo man kita ng pagsasasayaw ko. Wag kang mag-alala dadahan-dahanin ko na lang yung steps."

Saglit naman ako natigilan nang makita yung ngiti niya. Hindi ko alam na may itsura rin pala siya. Pero sinubukan kong magtaray pa rin para totohanin niya yung sinasabi niya.

"Siguraduhin mo lang." sagot ko bago lumabas ng kwarto niya.

"Taemin nga pala. Ikaw anong pangalan mo?" habol niya nang maglalakad na ko paalis.

"Naeun." sagot ko nang hindi siya nililingon. Hindi Naeun wag kang magpapahulog sa charm niya, just be cold diyan ka magaling.

---

Ilang araw rin ang nakalipas magmula nung nagkaharap kami ni Taemin. Should I call him oppa? No thanks. Pero thankful pa rin ako at tumahimik na yung kisame ko tuwing gabi.

Napatigil ako sa pagsusulat nang makarinig ako ng katok sa pinto. Malamang si Eunji unnie na yan, ang sabi ko dumaan siya dito at pagdalhan ako ng ice cream. Ewan ko ba, ang lamig lamig ngayong gabi pero gusto ko pa ring kumain ng ice cream.

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon