Sky High

56 10 1
                                    

Namjoo's Point of View

Nilagay ko na agad lahat ng mga gamit sa bag ko nang mapansin kong malapit nang mag-uwian. Pagkalabas ng teacher namin dahan-dahang nakayuko akong lumabas ng room.

"Hoy Jjoo! Iiwan mo na naman ba kami dito? Kasama ka sa mga cleaners dito." sigaw ni Sungjae sakin. Lagot. Nahuli ako.

Nasa tapat na siya ng pinto habang naka-cross arms. Nakakunot ang noo niya na parang sa tatay ko. Inayos ko ang pagkakatayo ko at nag-pacutes sa kaniya.

"Eh hehe Jae naman, alam mo namang may practice kamk ng track and field. Kaya kung maglilinis pa ko, mapapagod yung katawan ko. Paano na ko makakatakbo?" sabi ko habang naka-pout para mas maawa sakin. Pero pinitik niya lang ang noo ko na parang nanggigil.

"Awww.." napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit.

"Maglinis ka muna, kahit magpunas-punas ka man lang."

"Unnie, mukhang may matinik kang bantay ngayon hahaha. Sige una na kami nila Naeun unnie." paalam ni Hayoung sakin.

Napasimangot naman ako sa kaniya para maawa man lang pero nilagpasan nila ako.

Wala akong nagawa kundi maglinis ng mga gamit sa loob ng room. Habang hinihiling na sana matapos na sila Sungjae sa paglinis ng sahig.

Pagkatapos nilang maglinis, isinakbit ko na yung bag ko at ready to go na.

"Namjoo! Teka lang!"

Natigilan ako nang biglang sumigaw si Sungjae sakin. Urgh. Ano na namang problema? Hindi ko siya nilingon at inabangan lang siya sa sasabihin niya. Narinig ko lang siya na lumapit sakin, nananalangin na lang ako na hindi niya ako patapunin ng basura.

Naramdaman ko na lang na parang sinusuklay niya yung buhok ko. Parang naiinat yung anit ko dahil pinupusodan niya pala ako. Pagkapusod niya sakin, hinarap ko siya at pinisil ang pisngi niya.

"Aigoo gomawo chingu-yahh!"

Nagpaalam na ko sa kaniya at tumakbo paalis.

"Good luck Namjoo!" sigaw niya pa sakin.

Napangiti ako, dahil kahit sobrang strict niya minsan. Siya pa rin yung kaibigan na lagi akong inaalala.

---

Pagkatapos nung linggong yun, pinagbigyan na ko ni Sungjae na maagang makauwi at makapag-practice. Lalo na't malapit na yung sports fest kami ang ilalaban para magprisinta sa section namin. Kailangan kong manalo lalo na't ako ang huling tatakbo.

"Go Namjoo!!!" sigaw ni Sungjae nung mag-uumpisa na kong tumakbo.

"Tsss."

"Bakit biglaan 'ata yung pagsuporta sayo ni Jaejae mo?" bulong ni Naeun unnie sakin. Inismiran ko naman siya dahil ginamit niya na naman yung tawag ko kay Sungjae. Tunog 'Jeje' e, ang sagwa.

"Nakipagpustahan kasi siya kay Peniel oppa na kapag natalo tayo, isang buwan kaming magiging cleaners. Ang unfair nga e, bakit grupo lang namin? Bakit hindi kayo damay? Kasama ko rin naman kayong tatakbo."

"Eyy! Andwae! Ikaw yung last runner na makakakuha ng baton. Kaya sayo pa rin nakabatay ang lahat."

"Ganun ba yun? Hmp. Ang daya talaga, tapos kapag natalo sakin lahat yung sisi." napayuko na lang ako bilang pagsuko.

"Kaya natin to Namjoo unnie! Fighting!" sigaw ni Hayoung sakin. Matamlay ko naman siyang tinitigan.

Tinawag kami ni coach para pumunta na sa posisyon namin. Sumunod naman ako pero parang wala ako sa sarili nang mga oras na yun. Nakakaramdam ako ng kakaibang pressure sa sarili ko. Parang hindi ko kakayanin na manalo kahit matagal-tagal ko na tong pinapangarap noon.

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon