(Yoonjae) Seo In Guk's Point of View
"Wow, may bago na namang nireject si Yoonjae. New record na naman."
"Hindi na ba siya nagsasawa sa pagpapaiyak ng mga babae?"
"Bakit ba ayaw niya sa mga babae? Maganda naman yung umamin sa kaniya kanina ah."
Tuloy lang ako sa paglalakad ng corridor habang rinig na rinig ang mga bulungan nila. Hindi ba sila nagsasawang pagtsismisan ako? Ano bang pakialam nila sa ginagawa ko?
"Baka bakla."
Natigilan ako nang marinig ko yun. Nakita ko ang isang pamilyar na babae, siya ang kilalang siga sa school na 'to. Jung Eunji. Balita ko dinaig niya ang mga lalaking kilalang gangster dito.
"Makiulit mo nga yung sinabi mo?" sabi ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi naman siya nagpatalo sa pakikipagtitigan sakin.
"Ang sabi ko baka bakla ka. Kasi ang hilig mong magpaiyak ng mga inosenteng babae." walang ganang sagot niya habang nakatitig pa rin sakin.
"Hindi ko kasalanan kung nagkakagusto sila sakin."
"Yun na nga ang nakakapagtaka, ano bang meron sayo at nagugustuhan ka nila? May itsura ka lang pero mukhang lalamya lamya."
Napangiti ako parang hinahamon niya masiyado ang pagkalalaki ko.
"Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo. Baka kainin mong lahat ng yan at mahulog ang loob mo sakin." inilapit ko ang mukha ko sa na siyang nagpaurong bigla sa kaniya. Pero sinubukan niyang magmukhang hindi naapektuhan sa sinabi ko.
"E di sana nagkagusto na lang ako sa bakla talaga kaysa mahulog ako sayo." pagtataray niya bago naglakad paalis.
Tinitigan ko siya habang naglalakad palayo. Asahan mo ng masaktan Eunji kasi sigurado akong magkakagusto ka sakin.
---
"Para saan yan?" walang ganang tanong ni Eunji nang makita ang nilapag kong bulaklak sa desk niya.
"Para sayo."
"Hindi lapida ang desk ko na basta-basta mo na lang nilalapagan ng bulaklak ng patay."
"Pwede mo namang sabihin yung salitang 'salamat'."
"Magpapasalamat para saan? Kung binigay mo na lang sana yung perang pinambili mo dito, baka mas naging thankful ako."
Kinuha niya yung bouquet na binigay ko at itinapon sa basurahan.
"Yah! Hindi ka ba nasasayangan diyan?" inis na tanong ko.
"Kung galing sayo, hindi yan sayang." simpleng sabi niya bago naglakad paalis.
Wala akong nagawa kundi mapakamot sa ulo ko. Mahihirapan akong paamuhin yung tigre na yun. Hindi siya tulad ng mga normal na babae.
Hindi siya nadadaan sa mga bagay na gustong natatanggap ng mga babae. Dapat matagal ko na tong pinagplanuhan noon.
--
"Tara date tayo." pag-aaya ko sa kaniya habang nakangiti.
"At saan mo ko dadalhin? Sa gaybar? Wag na lang, baka ikaw lang yung mag-enjoy dun." pang-aasar niya sakin.
Agad na napasimangot ako at hinila siya palabas ng school. Sinubukan ko siyang kaladkarin papasok sa isang cafe. Pero nagulat na lang ako ng palipitin niya yung braso ko nang ganun kadali.
"Aray. Aray. Aray. Hindi na. Eunji bitawan mo na ko." pagmamakaawa ko, ramdam kong parang mababali na yung braso ko.
Binitawan niya naman ako at agad na napahawak ako sa balikat ko.