Eunji's Point of View
Magmula noong bata pa ko naniniwala na kong balang araw makikilala ko ang prinsepe na mamahalin ako. Na-iimagine ko na kung anong mangyayari kapag nakilala ko siya.
Kaiinggitan ako ng lahat ng babae sa school dahil sobrang gwapo niya. Lagi niya kong tuturuan sa school dahil sobrang talino niya. Hatid-sundo niya ko at laging nililibre sa lunch dahil anak mayaman siya. Tall and handsome yung tipong titingkayad pa ko para mahalikan siya.
"Eunji! Tara uwi na tayo!" yaya ni Sandeul sakin.
That was the end of my dream.
Agad na nabuhos samin ang atensyon dahil sa pagsigaw niya. Tinginan samin ang mga babae nang bigla niya kong akbayan papalabas ng room. Tingin na hindi nagsasabi ng inggit kundi pagtataka.
"Kamusta yung exam mo? Wala akong naisagot eh hahahaha. Pero tingin ko naman papasa rin ako." pagmamalaki niya sakin.
Sa loob-loob ko, I'm giving myself a face palm. Alam kong hindi siya ang pinakamatalino pero bakit kailangang siya pa ang maging pinakahuli sa klase? Laging pinapapapunta ang parents niya para makiusap na ipasa siya. Yun ang rason kaya nakaabot siya ng huling taon at kaklase ko pa rin.
Nang makalabas kami sa school, nag-aya siyang kumain muna sa isang fast food.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya pagkaupo namin.
"Burger and fries lang." tipid na sagot ko. Inabot niya ang kamay niya sakin. Napabuntung hininga ako habang kumukuha ng pera sa wallet ko.
Kelan ko ba mararanasang malibre niya ko kahit street food lang. Tsk.
Habang umo-order si Sandeul sa may counter biglang may kumalabit sakin. Paglingon ko, nakita ko si Jinyoung na nakangiti sakin.
"Anong ginagawa mo dito Eunji?" tanong niya sakin.
Si Jinyoung, kasama ko siya sa choir. Siya ang responsible na nag-pipiano ng mga piece. Dapat kasama ko rin si Sandeul sa choir, dahil maganda rin ang boses niya. Kaso tamad na tamad siyang sa ganun, hindi raw siya nag-eenjoy. Sa sobrang katamaran, tumataba tuloy lalo.
"Kasama ko yung boyfriend ko, nagmemeryenda lang kami bago umuwi." nakangiting sagot ko.
"Ganun ba? By the way kakauwi lang ni mama galing sa States. Gusto ko sanang bigyan ka ng pasalubong niyang chocolates." sabi niya bago inabot ang isang box ng chocolates.
"Wow, salamat Jinyoung!"
Tinitigan ko yung chocolate na mukha talagang mamahalin. Anak-mayaman talaga 'tong lalaking 'to. Hindi lang siya mayaman. Gwapo, matalino at talented pa, maswerte ang babaeng magugustuhan niya. He's like my.. dream prince.
"Ahem." pasimpleng ubo ni Sandeul pagkarating niya habang hawak-hawak ang tray ng order namin.
"Oh hi Sandeul, kamusta? You look great." compliment ni Jinyoung. Pero sa tingin ko mas nainsulto si Sandeul sa sinabi niya.
"Back off." yun lang ang sinabi niya habang masama ang tingin kay Jinyoung.
"Ok sorry, Eunji kita na lang tayo sa practice."
Tumango ako at nagpaalam sa kaniya. Pagkaupo ni Sandeul sa tabi ko, hindi maipinta ang mukha niya. Tuluy-tuloy lang siya sa pagkain, halatang naiinis siya. Ganiyan na ganiyan siya kapag nakakaramdam ng inis o depression.
"Don't be rude to Jinyoung, mabait naman siya. Tingnan mo binigyan niya pa kong chocolate." pagpapakita ko sa kaniya ng box.
"Psh.. binigyan ka lang ng chocolate, siya na yung kinakampihan mo? Paalala ko lang ako yung boyfriend mo." inis na sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/29987055-288-k838461.jpg)
BINABASA MO ANG
Pink Panda's Playlist (One Shots)
AléatoireCompilation of Short Stories about A-Pink.