Bomi's Point of View
"Hindi ka talaga nag-shower?" ulit na tanong ni Chorong unnie sakin.
Inamoy-amoy ko ulit yung sarili ko bago ko siya hinarap at tinanguan.
"Siryusli!? Unnie naman, pupunta ka sa school nang hindi man lang naglilinis ng katawan?" gulat na sabi ni Yookyung sakin. Siya
"Yook di naman ako tulad mo na kailangang buong araw nasa loob ng banyo. Wag na nga kayong OA kailangan ko ng umalis. Nagmamadali ako, may practice pa kami."
"Hindi naman yun yung punto nila. Baka nalilimutan mo lang nandun si Hoya." sabi ni Eunji sakin may kasama pang kindat.
"So what? Sige na aalis na ko." paalam ko sa kanila bago nagmamadaling lumabas ng dorm. Ayoko ng pakinggan yung gusto pa nilang ihirit sakin. Ts.
Lagi na lang ba silang ganito araw-araw. Dapat talaga hindi ko na sinabi sa kanila na nagkakagusto na ko kay Hoya. Hindi pa naman sigurado yun e.
"You're late." bungad ni Hoya sakin habang naka-cross arms.
"E pano kasi yung mga kasama ko sa dorm." tanging yun lang ang nasabi ko habang pinupusod ang buhok ko.
Mahinang napatawa siya na halatang nakuha niya na agad yung gusto kong sabihin. Damn that sexy laugh. Bakit ba may sinilang na tulad niya? Gwapo, matalino, mabait at talented pa. Para sa ibang babae whole package na siya. Ang nakakapagtaka lang ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng girlfriend hanggang ngayon. He's still not gay.. right? Please wag.
"Ok ka lang Bomi? Bakit ganiyan ka makatitig?" tanong niya bigla sakin.
"H-ha? W-wala. Ah ano nakakainis ka kasi wala pa naman akong sinasabi tumatawa ka na." pagdadahilan ko. Ano ba naman yung sarili ko? Masama na to.
"Kahit wala ka namang sabihin haha. Alam ko namang yung pag-aayos mo sa sarili yung problema nila. Bakit di mo na lang kasi sila sundin?"
"Pagpapawisan din naman ako dito anong sense ng pagligo? Tara na nga." niyaya ko na siya sa mga kasama namin para makapag-start na kaming mag-practice.
Baka kapag hindi pa siya tumigil magsalita, hindi ko mapigilan yung sarili ko. Just kidding.
---
"Parang.. pamilyar yang suot mo." bati ni Hoya sakin habang tinitingnan ako magmula ulo hanggang paa.
"Pati ba naman ikaw napansin mo?"
"Halatang yan din yung suot mo kahapon nung pumunta ako sa inyo e hahaha." pang-aasar niya pa lalo sakin.
"Nagpalit naman ako ng underwear, sayang lang yung damit ko."
"Hindi ka ba naturuan na isang beses lang sinusuot ang damit sa isang araw? Hahaha."
"No one saw me wear it, therefore it's not dirty."
"E ano pala ako?"
"Si Hoya ka lang."
Ikaw lang naman yung lalaking nagugustuhan ko ngayon. Not a big deal. Psh.
---
"Oppa anong masasabi mo kay Bomi?" rinig kong tanong ni Hayoung. Dali-dali namang na-enhance ang hearing sense ko.
Pero sinubukan kong magmukhang natural habang nananahi ng props na gagamitin namin sa sayaw. Nandito kami sa may living room at abalang gumagawa ng props na gagamitin namin para sa sayaw na pinagpapaguran namin.
"Hahaha bakit bigla mong tinatanong yan?" natatawang sabi ni Hoya. Hindi naman siya masiyadong masaya sa lagay na yan? Napunta lang sakin yung usapan, natatawa na siya.
BINABASA MO ANG
Pink Panda's Playlist (One Shots)
DiversosCompilation of Short Stories about A-Pink.