Une Annee

74 13 3
                                    

"Une Annee. Seven fairies return. A new start, a new beginning. 4 seasons Winter, Fall, Summer and Spring together again."

-

Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Pumasok ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Nakita ko agad si Naeun sa counter habang naggagawa sa coffee maker.

Sa unang tingin isa lang siyang babaeng may malamig na titig. Kikilabutan ka sa simpleng pagtingin niya lang sa mata mo. Napalingon siya sa direksyon kung nasaan ako. Pagkalapit ko sa kaniya ay nag-sorry agad ako. Nilagay ko ang apron ko at pumunta sa counter.

"Na-late ka ng gising? Don't even dare na magrason sakin na traffic, alam kong hindi yun totoo."

Natigilan agad ako sa sinabi niya. Siguro kung ordinaryong tao lang ako ay kikilabutan na ko agad. But its what she does.

Naeun can read minds.

Mas malinaw pa lalo ang pandinig niya sa isip ng tao dahil winter.

"Mas maaga naman ako kay Yook kahit papaano."

Napatawa lang si Lavie saka kami nakaramdam ng kakaiba.

"Sino namang nagsabing maaagahan mo ko?"

Napaurong ako nang makitang nasa tabi ko na si Yook at may suot na ring apron.

"Baka nalilimutan mo hindi ko problema ang oras."

Napabuntung hininga ako nang maalala ang kaya niyang gawin.

Yookyung can freeze time.

Sa tuwing pinipigilan niya ang paghinga niya ay tumitigil ang lahat at siya lamang ang hindi naaapektuhan. Mas lumalayo ang range ng kaya niyang pahintuin kapag winter.

Dumiretso siya sa likod para mag-umpisa ng mag-bake. Huminga muna ako ng malalim habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng nyebe.

--

Kinuha ko ang payong ko at binuksan yun nang mapansing bumubuhos na ang ulan. Nakarating ako sa shop. Nakita ko si Namjoo na nagwawalis ng mga nahulog na dahon galing sa puno.

"Namjoo, bakit ginagawa mo 'yan? Di ba trabaho yan ni Bomi?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti si Namjoo sakin saka biglang nagbago ang anyo niya.

"Bomi?" alam kong siya lang naman ang may kaya nito.

Bomi can shape shift like water.

"Bakit ginaya mo yung anyo ni Namjoo?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Hehe tinataguan ko yung kapatid ko, kinain ko kasi yung pagkain niya kanina? Wag kang maingay ha." paalala niya bago bumalik ulit ang anyo niya kay Namjoo.

Napailing na lang ako at pumasok sa loob. Nakita ko ang totoong Namjoo na naggagawa ng sabaw. Magandang negosyo ito lalo na't malamig ang panahon ngayon.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko sa kaniya nang mapansin kong hindi niya maabot sa shelf yung kailangan niyang sangkap.

Tinawanan niya lang ako bago inangat ang sarili sa ere.

Napabatok ako sa sarili ko nang maalalang kaya niya yun.

Namjoo can fly.

Lumapit na lang ako sa kaniya para tumulong sa paghalo ng sabaw.

--

Pinunas ko ang hawak kong bimpo sa tumatagaktak kong pawis. Sobrang init ngayong araw, mabuti na lang malapit lang sa beach ang part time job ko.

Pagkarating ko sa lemonade beach house tanaw ko na agad si Eunji na nagbubuhat ng mga kahon ng supplies.

"Good morning!" bati ko sa kaniya.

"Hoy lalaki, late ka na naman!" sigaw agad ni Eunji sakin. Napakamot ako sa ulo ko.

"Sorry na boss, tulungan na kita diyan." sabi ko bago abutin ang hawak niya.

"Wag na kaya ko na to, tulungan mo na lang si Hayoung sa loob."

Pumasok na lang ako sa loob. Halata namang kaya niya na yun mag-isa.

Eunji has unbelievable strength.

Nakakahiya sa tulad kong lalaki dahil siya lagi ang gumagawa ng trabahong panlalaki.

"Hayoung?" tawag ko sa kaniya.

Nandito lang siya rinig na rinig ko ang malalim na paghinga niya.

"Hindi ba pwedeng magpakita ka naman? Bakit bigla ka na lang nawawala?" tanong ko sa kaniya.

Hayoung can be invisible for short time.

"Nahihiya ako e." rinig kong sabi niya.

"Sa tagal ko ng nagtatrabaho dito hanggang ngayon nahihiya ka pa rin?"

Kumuha na lang ako ng basahan para magpunas ng mga lamesa.

Mahaba-habang bakasyon 'to.

---

Ang ganda ng pagsibol ng mga halaman habang naglalakad ako. Siguradong malakas na naman ang negosyo dahil maraming namumukadkad na bulaklak ngayon.

Nabigla ako nang madapa ako. Hindi ko napansin may bato pala dun. Dali-dali akong bumangon at pinagpag ang damit ko. Papasok na lang nagpakalampa pa. Tsk.

Pagkapasok ko ng flower shop. Nakita ko si Chorong na nagdidilig ng mga halaman.

"Aba himala ang aga mo ngayon." bati ni Chorong.

"Gusto ko lang may magawa lalo na't tayo lang dalawa ang nagtatrabaho dito." nakangiting sabi ko. Lumapit ako sa kaniya at napansin niya ang paglakad ko.

"Napano ka? Bakit pa-ika-ika kang naglalakad?" tanong niya.

"Ah nadapa kasi ako kanina dun sa--"

Hindi ko na natuloy ang kwento ko nang bigla niya kong tawanan.

"Hahaha ang pabo mo naman. Tara na nga, baka sabihin mo ang sama-sama kong boss."

Pinaupo niya ko sa gilid bago kumuha ng bulaklak sa gilid. Pinatong niya yun sa tuhod ko at sa isang iglap nawala na ang sakit.

Inangat ni Chorong ang tingin niya habang nakangiti. Sa lapit ng mukha niya ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"S-salamat."

Tumango lang siya bago bumalik sa trabaho.

--

Can I ask you something? Do you believe in fairies?

Nagkakamali ka kung iniisip mong ako si Peter Pan. Wala akong malikot na anino tulad niya. Wala akong berdeng suot magmula ulo hanggang paa. Hindi ko kayang lumipad. Hindi ko kayang makipaglaban sa pirata.

Pero may isang bagay na nagkapareho kami.

We both believe in fairies. He has one and I have seven. Seven fairies that has the power of four seasons. Seven fairies that made me think of happy thoughts.

One of them will make me fall in love. But which one?

--

Note: Nasosobrahan na talaga ako sa pagkahumaling sa fantasy genre. But isn't it cool kung may tiyansang magkaroon ng powers ang A-Pink. Imaginie they were real fairies? Daebakk~

Sorry kung matagal ang update ko sa Seven Springs. I just got busy kasi may narrative report pang pinapagawa sa min. Plano ko ring tapusin muna yung Flash bago 'to, kaya super bagal talaga ng update. Sana po maintindihan niyo.

Dedicated kay Eunjoomi_Chonayoung

Eto yung loyal reader talaga basta kapag A-Pink. And I want to say thank you kasi na-aappreciate mo ang gawa ko. More love fellow Panda!

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon