I Don't Know

154 16 0
                                    

Sana may signal ang pag-ibig kung kelan 'to darating.

Manhid.

Hindi ko alam kung gaano karaming pana ni kupido ang tumama sakin. Ilang beses siyang nagparamdam pero hanggang sa huli wala akong ideya sa pagtingin niya sakin.

Tandang-tanda ko pa kung paano namin nakilala si Naeun. Naghahanap kami nun ng pwedeng maging assistant ng swimming team. Wala kasi kaming coach na pwedeng gumawa ng ibang bagay para samin.

Sasabihin ko na rin na parang alalay ang trabaho ng kukunin naming assistant. Maraming tumanggi kasi alam nilang wala naman silang mapapala sa trabahong yun. Kaya nagulat ako nang magprisinta si Naeun. Bukod sa nagdadala siya ng pagkain habang nagpapractice kami, bumibili rin siya ng swimming supplies pati na rin ang pag-aayos niya sa pagsali namin sa tournaments.

Si Naeun ang tipo ng babaeng mabait at maalalahanin sa iba. Mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti. Hindi maiiwasan ng ang isang lalaki na mahulog sa kaniya. Pero mukhang iba nga ako sa kanila. Dahil hindi ko pinapansin halos ang presensiya niya basta ang mahalaga lang sakin ay ginagawa niya ang duty niya. Yun lang yun. Yun nga lang ba talaga?

Hanggang sa isang araw hindi na niya napigilan ang sarili niya. Maaga akong pumunta sa pool para mag-ensayo nang makita ko siya na nakaupo sa may diving board.

"Naeun? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kaniya. Hindi niya ko sinagot at matamlay na ngumiti sakin. Kung titingnan mo parang hindi siya yung Naeun na araw-araw kong nakikita na masaya.

"Gusto mo bang malaman kung bakit ako nagprisintang maging assistant niyo captain?"

Hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kaniya. May iba pa nga ba siyang rason? Tumingin siya sa may pool. Ang alam ko hindi siya marunong lumangoy at gusto niyang matuto.

"Ikaw lang ang nag-iisip na dahil gusto kong matututong lumangoy. Pero ang totoo dahil may taong gusto kong laging nakikita. Kaya ko to ginagawa kasi may lihim akong pagtingin sa kaniya."

Napahakbang ako papalapit sa may diving board para makita ang mukha niya.

"Ilang beses na nga kong nagpaparamdam. Laging siya yung unang inaabutan ko ng tuwalya bago ang iba. Siya lang ang inaabangan kong magpaalam sakin bago ako umalis. Lahat ng atensyon ko na sa kaniya lang kapag lumalangoy siya."

Imposible.

"Kaso manhid ata talaga siya tulad ng sabi ng mga kasama niya dahil hindi niya man lang nahahalata." lumingon siya sakin at ngumiti.

"May kailangan lang akong sabihin bago tumalon. Hindi lang yung takot ko sa paglangoy ang papakawalan pati ang takot ko na umamin. Kapag niligtas mo ko tinatanggap mo ang feelings ko, kung hindi ay handa na kong mamatay dahil ni-reject mo ko."

"GUSTO KITA OPPA!!" tumalon siya sa pool nahuli ko pa siyang nakangiti.

Parang napako naman ang paa ko sa pwesto ko. Bakit ngayon ako nag-iisip? Bakit ako nalilito? Alam kong wala akong nararamdaman para sa kaniya. Hindi ko rin alam na gusto niya pala ako.

Pero bago pa ko tumalon ay naunahan na ko ng kaibigan ko. Rinig ko pa ang pagsigaw niya sa pangalan ni Naeun bago tumalon.

Pagkatapos ng insidenteng yun hindi na siya bumalik sa pool. Nag-quit na siya bilang assistant ng swimming team. Alam kong dapat masanay na kong wala siya dahil kasalanan ko rin naman kaya siya umalis. Pero nagugulat na lang ako sa sarili ko na siya ang una kong hinahanap at inaabangan kapag nasa pool. Parang inaasahan kong babalik siya.

Hanggang sa isang araw maramdaman ko na gusto ko rin pala siya. Gusto ko si Naeun.

Siguro nga late bloomer lang ako tulad ng iba. Kailangan pang maubos ang pana ni kupido para matauhan ako sa nararamdaman ko. Sinubukan ko siyang hanapin sa school pero iwas na siya sakin. Pati mga kaibigan niya ay ayaw na nilang lumapit ako. Alam kong kasalanan ko rin yun, pero hindi ba sila masiyadong unfair sakin? Kasalanan ko bang huli 'tong puso ko na makaramdam.

Ginawa ko ang lahat para makausap siya. Pero huli na nang malaman ko lang na sila na ng kaibigan ko na sumagip sa kaniya.

Hindi ko alam na may gusto siya sakin. Nung umamin siya basta ko na lang yun pinalampas nang hindi nag-iisip na magkakagusto rin ako sa kaniya.

Pero hindi ko alam na may gusto rin pala ang kaibigan ko kay Naeun at hinayaan siya nito na manligaw sa kaniya. Hanggang sa huli ba naman wala akong alam.

END

Note: Ang drama haha. I don't know kung paano gagawan ng love story eh. Gusto ko lang patamaan ang mga lalaking manhid na huli ng maka-realize. Kulang na lang ibalandra naming mga babae na CRUSH PLEASE NOTICE ME!  That's the meaning of A-Pink's debut song 'I don't know'. Thank you for reading! Feedback jusseyeo!

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon