It Girl

132 16 0
                                    


"Kapag hinayaan mo kong manligaw, sisiguraduhin ko na lagi kitang papasayahin. Hayaan mo sana akong ingatan kita Chorong. Kasi mahal na mahal kita."

Tahimik. Napakatahimik. Binigyan niya lang ako ng titig na hindi ko mabasa. Alam ko na yung magiging resulta pero ginawa ko pa rin. Bahala ng masaktan. Basta ang importante naamin ko sa kaniya.

Ilang minuto lang siyang nakatitig sakin hanggang sa bigla siyang napangiti. Ngiting laging nagpapatayo ng mga balahibo ko.

"Pasasayahin mo ko? Talaga lang ha?" lumapit siya sakin kaya napaatras ako ng konti.

"P-pangako yan."

Sisiguraduhin kong tutuparin ko 'to sa isa pang pagkakataon. Dahil ngayon alam ko na.

"Tingnan mo nga yung sarili mo, mas  natatakot ka na sakin. May nagbago nga sayo pero mas bata ka pa rin. Tapos poprotektahan mo ko?"

"Gagawin ko lahat ng gusto mo."

"Gagawin mo lahat?" napangisi siya at saglit na napatigil.

"Sige ba. Sinasagot na kita. Sunduin mo ko bukas sa bahay. 9 am sharp."

Nakahinga na ko ng maluwag nung naglakad na siya paalis.

Pero teka. Kami na? Boyfriend niya na ko? Agad-agad? Hindi ba dapat masaya ako? Parang may mali, pumayag siya ng ganun-ganun lang.

Nagawa ko rin.

--

Dumating ako sa bahay nila ng saktong 9am. Nakita ko siyang nakaabang na sa labas at masama ang tingin sakin.

"Good morning." nakangiting bati ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

"Late ka." walang-ganang sagot niya.

"Sabi mo 9am, sakto naman ako di ba?" tiningnan ko pa yung relo ko para makasigurado.

"Dapat 30 minutes kang mas maaga sa usapan." mahina akong napaaray nang pahampas niyang inabot ang bag niya sakin.

"Pero nung ginagawa ko yun dat--"

"Shut up! Tara na nagugutom na ko." naglakad na siya paalis habang ako nakasunod sa kaniya. Anong problema? Meron ba siya? First Day siguro.

Pareho kaming hindi nag-iimikan hanggang sa makarating kami sa mall. Mahirap na. Ayoko namang sa first date namin mag-away kami. Nang makarating kami sa restaurant, naghanap agad ako ng mauupuan.

"Dito." yaya ko sa kaniya sa may apatang upuan. Saglit niya kong tinitigan bago umupo.

"Anong gusto mo?"

Hindi niya ko pinansin, kinuha niya lang ang cellphone at earphones niya para magpatugtog. Hindi ko na siya kinulit pa. Naaalala ko pa naman kahit papaano kung anong gusto niyang kainin.

Pagkalapag ko ng order ko umupo ako sa harap niya at bigla niya kong tinitigan na naman ng masama.

"Bakit?"

"Tayo na di ba? Anong ginagawa mo pa diyan sa harap ko?"

Oo nga pala.

"Pasensiya na, nalimutan ko hahaha." pagbibiro ko bago maupo sa tabi niya.

Natapos agad siyang kumain kaya mga ilang saglit lang nakita ko na siyang nakatitig sakin.

"Saglit lang matatapos din akong kumain." sabi ko habang pilit na minamadali ang pagkain ko. Siguro naiinip na naman siya.

"Pumangit ka pala." natigilan ako sa pagkain at nilingon  siya. Mukhang hindi lang siya masungit ngayon, parang nasapian pa siya.

"Ha? Pumangit ako?" nasa tono ko ang pagkontra.

Pink Panda's Playlist (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon