CHAPTER 4 | LUKE

18.8K 407 14
                                    

Chapter 4

NANDITO na kami ngayon sa Palawan. Tapos na din ang birthday ni Daddy, we decided to celebrate it by eating dinner together. Ayaw din kasi ni daddy ng bonggang celebration. So far so good, maayos ang pag-s-stay namin dito sa Pilipinas. Habang tumatagal ay lumalapit naman ang araw na kailangan kong kausapin si Lucious.

Ang balak ko ay puntahan sya sa company nila para kausapin. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko din mag vacation kami ng mga bata ay para makaipon ako ng lakas ng loob.

We are currently staying here in a hotel, 1 week lang ang plano kong mag stay kami dito. It is our first day kaya excited din ang mga bata.

Naglalakad kami ngayon ng mga bata papunta sa dining hall nitong hotel. Balak muna naming kumain bago mag swimming.

" Mommy, I want to pee." Levi said while pulling the end of my botton up shirt.

" Uzumaki, Killua mauna na kayong maghanap ng table sasamahan ko lang magcr si Levi." I said to my two other kids. Tumango naman sila bago maglakad ulit.

Sinamahan ko namang magcr si Levi at paglabas namin ng cr ay may naabutan kaming batang umiiyak. Dahil mabait ako niyaya ko ang anak ko para lapitan ito.

" Hey little boy, is there a problem?" Yumuko ako para magkapantay kami. Nasa itsura nito na halos ka-edad lamang nito sina Uzumaki.

" I'm lost." Mangiyak ngiyak na sagot nya. Hindi ko alam kung coincidence lang na kamukha nya ang anak ni ate Charmaine na si Luka. Sigurado akong hindi ito si Luka dahil 2 years old na si Luka noong umalis ako ng Pilipinas at nasa 7 years old na ito ngayon.

" Shh. Don't cry na tutulungan ka namin okay? now tell me what's your name?" Pagpapatahan ko dito. Si Levi naman ay nilapitan din ito at hinagod ang likod. Nagulat ako sa ginawa nito. Hindi kasi mahilig makihalubilo ang mga bata sa mga tao at hindi rin sila mahilig makipag laro kaya naman bago ito saaking paningin.

" I'm Luke and I'm four years old." Sagot nito habang tinataas pa ang apat na daliri.

Nginitian ko naman ito. " Will go to the front desk of the hotel to ask for help to find your parents okay? but we will eat first hmm?" I told him. Tumango naman ito.

Sinama naman namin ito sa pwesto nina Uzumaki. Kaya kunot noong tinignan naman nila si Luke.

" Who's he, mom?" Kunot noong tanong ni Killua.

" He's Luke and he's lost. We will help him find his parents after we eat." Tumango naman ito saaking sinabi.
Tahimik naman kaming kumain ng dumating ang order namin. Paminsan - minsan ay pinupunasan ko ang bibig nila dahil makalat silang kumain ganoon din kay Luke.

After namin kumain ay dumaretso kami sa front desk ng hotel para mag patulong hanapin ang parents ni Luke. Ilang oras na din kaming nag - hihintay pero walang dumadating. Naiinip na rin ang mga bata.

" Mommy, gusto ko na pong mag swimming." Levi said while pouting.

" Levi, we need to wait for Luke's parents." Sagot naman ng kuya nyang si Uzumaki. Lalong humaba ang nguso nito.

" But kuya kanina pa tayo naghihintay wala naman naghahanap sakanya. Why don't he come with us nalang muna while hindi pa nahahanap ang parents nya?" Suggestion nito. Tumingin naman sakin sila Killua na halatang sang ayon sa sinabi ng kapatid.

Tinignan ko naman si Luke. " Is it okay with you if you'll come with us for the mean time?" I politely ask.

Tumango naman ito kaya agad syang hinawakan sa kamay ni Levi ganon din ang ginawa ni Killua sa kabila nyang kamay. Himala magaan yata ang loob nila kay Luke? or baka gusto lang nila ng kalaro.

Sinabi ko sa stuff sa front desk na kung may maghahanap kay Luke ay ibigay ang number ko para matawagab ako o di kaya ang room number namin kung sakali.

Masayang naliligo ang mga bata sa dagat habang pinapanood ko lamang sila. Hindi kasi ako marunong lumangoy habang ang mga bata naman ay natututong lumangoy sa New York.

Lumapit naman sakin ang mga bata para ayain akong lumangoy pero tumatanggi ako. Mas gusto ko sana kung swimming pool lang para abot ng paa ko yung tiles kaso hindi. Mahirap na baka isama ako ng alon.

Pinagmamasdan ko ang mga bata habang naglalaro sila sa dagat. Masaya silang kalaro si Luke. Hindi naman sa ayaw kong makipag laro sila dito. Naninibago lang ako dahil sa ibang bata ay mailap sila samantalang kay Luke ay kakikilala lang nila pero parang matagal na nila itong kakilala sa paraan ng pakikitungo nila.

Mag hahapon na din ng yayain ko silang bumalik sa hotel. Baka kasi nandoon na din ang parents ni Luke.

" Can we do it again?" Narinig kong tanong ni Killua. Nauuna silang mag - lakad saakin.

" Do what?" Tanong ng nakakatanda nyang kapatid na si Uzumaki.

" Play with him." Sagot nito sabay turo kay Luke. " You know baka kasi kapag nakita na nya ang parents nya hindi na natin sya makita." Dagdag nito.

" No, I'll talk to my mommy kung pwedeng puntahan kayo sa hotel room nyo." Nakangiting sagot ni Luke sakanila. " I also want to introduce you guys to my parents and my kuya."  dagdag pa nito.

So may kapatid din pala sya. Pinalitan ko muna ang mga damit nila bago pumunta ulit ng front desk ng hotel. Baka kasi ginawin sila. Pinahiram ko muna ng damit ng mga bata si Luke. Mukhang kasya naman kasi sakanya ang mga damit ng mga bata.

" Ma'am, galing po kanina yung parents nya pero nagmamadali din pong umalis nung sinabi ko pong umalis po ang bata kasama nyo. Hindi ko na din po naibigay yung number nyo o yung room number nyo po. Galit na galit din po kasi yung daddy ng bata nakakatakot po sya sabi nya tatanggalin daw po nya kami sa trabaho kapag may nangyare sa anak nya. " Nanginginig na sabi saakin ng stuff na nasa front desk. Grabe naman pala yung tatay ni Luke sana naman pinatapos nya sa pagsasalita yung stuff edi sana natawagan nya ako.

" Ganon ba. Sige hihintayin nalang namin bumalik sila dito." Tumango naman ito sa sinabi ko. Umupo kami sa may couch dito sa front desk para hintayin ang parents ni Luke. Ilang oras na din ang dumaan pero hindi pa rin sila bumabalik. Tinignan ko naman si Luke na masayang kausap ang mga anak ko parang nakalimutan nyang nawawala sya. Mga bata nga naman.

" Si kuya kamukhang kamukha nya si daddy tapos matanda sya sakin ng 2 years." Bibong kwento ni Luke sa mga anak ko.

" Talaga? " Tinignan ako ni Uzumaki ng tanungin nya ito. " Mommy, kamuka po ba namin si daddy?"

Nginitian ko ito. Wala namang masama kung sasabihin ko ang totoo.
" Oo, kamukhang kamukha nyo ang daddy nyo."

" Kamukha nga po nila yung tito ko." Napatingin naman kami kay Luke nung sinabi nya ito. Tito?

" Kamukha namin yung tito mo?" Nag - tatakang tanong ni Killua.

" Oo, kaso imposible naman na pinsan ko kayo kasi ikakasal na si tito ko." Malumanay na explain ni Luke.

" Yup, that's impossible. Si mommy lang naman pakakasalan ng daddy namin." Proud na sagot ni Killua sakanya. Hindi ko alam anong mararamdaman sa sinabi ni Killua kasal? jusmiyo porpabor baka nga magsakalan lang kami ng daddy nyo pag nagkita kami.

Ilang minuto pa ang hinintay namin ng magdesisyon akong bumalik na sa hotel room namin. Sinabi ko sa stuff sa front desk na kung sakaling bumalik ang parents ni Luke ay ibigay ang room number namin. Sinabi ko kasi kay Luke na sa hotel room na muna namin sya matulog at bukas ng umaga kung hindi pa namin makita ang parents nya ay magpapatulong kami sa hotel stuff na ireport na ito sa pulisya. Pumayag naman si Luke sa suggestion ko.

Tinabihan ko sa pagtulog ang mga bata, katabi din namin matulog si Luke. What a day to begin with here in Palawan.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
- May part na excited akong isulat pero ilang chapters pa bago yung part na iyon. Enjoy reading :>

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon