CHAPTER 9 | CUSTODY

18.4K 391 25
                                    

Chapter 9

IT'S been a week since we came back to Manila. So far so good. Sa loob ng isang linggo ay laging nasa bahay si Lucious para dalawin ang mga bata. Tinanong ko nga sya kung wala ba syang trabaho at sinagot nya lang ay

Tatakbo naman ang kumpanya kahit wala ako.

Kaya hinayaan ko nalang sya. Sa loob ng isang linggo sya lagi ang kasama ng mga bata dahil naging busy din ako sa kumpanya namin.

NGAYON nasa bahay ako nag take ako day off dahil naayos ko na din naman ang iilang problema sa kumpanya at gusto kong makasama ang mga anak ko. Where currently eating our breakfast, wala sila Mommy dahil may business trip sila.

" Mommy, pupunta po ba si daddy ngayon?" Tanong ni Killua.

" Hindi ko alam baby, wala ba syang nasabi sainyo?" Sagot ko dito. Wala naman kasing nasabi saakin si Lucious na pupunta sya ngayon.

Killua was about to answer me ng biglang sumingit si manang Lynda, ang kasama namin sa bahay simula nung bata pa ako.

" Anak, may nagpadala nito, para daw sayo." Inabot naman sakin ni manang ang brown envelope kaya naman kinuha ko agad sakanya ito. Hindi ko muna ito binuksan, balak ko itong buksan after naming kumain.

AFTER namin kumain ay pumanik na sakanilang kwarto ang mga bata dahil manonood daw sila ng My Hero Academia kaya hinayaan ko na sila. Pumunta naman ako sa may sala para buksan yung brown envelope.

Pagka basa ko sa laman ng envelope ay halos umusok ang ilong ko sa galit. How dare him? akala ko nakapag usap na kami ng maayos. Ano to? balak nyang kunin sakin ang mga bata?

Damn! sinong nanay ang matutuwa kung padadalhan ka ng custody about sa mga anak mo?!

I can't believe this. Buong akala ko ay ayos na sakanya ang napag usapan namin yun pala balak nyang kunin sakin ang mga anak ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag aalboroto ng pumasok si manang sa sala kasama ang taong dahilan ng galit ko.

" Anak, nandito si Lucious ipapasyal nya daw ang mga bata." Masayang sabi ni manang. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko munang makaalis sa sala si manang bago lumapit kay Lucious.

" Walangya ka!" Gigil na sigaw ko sakanya sabay hampas nung brown envelope sa dibdib nya.

" Akala ko ayos na tayo sa napag usapan natin. Yun pala balak mong kunin ang mga anak ko." Galit na galit ko syang tinignan. Kumunot naman ang noo nya sa narinig. Kinuha nya ang brown envelope na hinampas ko sakanya saka binasa.

" Hindi na dapat akong pumayag na dumalaw ka sa bahay namin kung alam ko lang na balak mong kunin ang mga anak ko." Galit pa rin ako. Hindi yon maitatangi sa tono ng boses ko.

" Hindi ako ang nagpadala nito, Love." Sagot nya habang sinusubukan akong hawakan pero iwinawaglit ko.

" Sinungaling!"

" Please, Love calm down. let's talk about it calmly." Nagmamakaawa nya akong tinignan kaya naman pinakalma ko ang sarili ko.

" Explain yourself bago pa kita masapak sa lalamunan." Habol ang hiningang sabi ko. Napalunok naman ito sa sinabi ko.

" Hindi ako ang nagpadala nito, Love kung kukunin ko ang mga bata kasama ka." Malumanay na sagot nya.

" Kung ganon sinong nagpadala nyan?" Kalmado ko nang tanong.

" It's Shannon, she already knew about our sons. Kaya din ako nagpunta dito para kausapin ka tungkol sa bagay na ito." He explained.

" Anong naging reaksyon nya?" Kalmado na ako.

" At first she's mad but sooner she said that she's ready to be their step mom." He said straight to the point.

" Hell no! ako lang ang magiging nanay ng mga anak ko. Like I said it's okay kung magpapakasal kayo hindi kita tatanggalan ng responsibilidad sa mga bata pero hindi ibig sabihin non ay pwede mona silang kunin at itara kasama ang asawa mo." Mahabang litanya ko.

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon