Chapter 7
AFTER what happened ay hindi na muna kami lumabas ng hotel room namin ng mga bata. It's already dinner time ng magdecide akong lumabas na kami.
Good thing is hindi namin nakita sina ate Charmaine ng kumain kami. Hindi naman sa ayaw ko silang makita it's just that gusto ko munang makausap si Lucious para naman maalis na yung awkward moment saming dalawa pero gaya ng sabi ko pagka- tapos ng isang linggo saka ko sya kakausapin.
After namin magdinner ay binihisan ko na ng pangtulog ang mga bata at saka ko na sila pinahiga para matulog.
When the kids are finally asleep, I was about to turn off the lampshade when I notice that someone is in our room's veranda. Kinabahan ako sa nakita dahil baka masamang tao ito at ano pang gawin sa amin ng mga anak ko.Dahan dahan akong lumapit dito para silipin ang taong nasa veranda namin ng bigla akong hilahin nito at isandal sa pader.
" Bitawan mo ako! sino ka?!" Nag- pupumiglas ako sa hawak nito ngunit sadyang mas malakas sya. Agad nyang tinakpan ang bibig ko ng akma akong sisigaw.
" Shh! it's me. Calm down, Love." Dahan dahan nitong tinanggal ang kamay sa bibig ko. Unti unti ko namang naaaninag ang mukha nito dahil sa liwanag ng buwan.
Lucious
" Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko. Hindi pa din nya inaalis ang hawak saking kamay at nakasandal pa din ako sa pader.
" I was just checking you and the kids." Sagot nito. Bakit naman nya kami ichecheck? test paper ba kami? corny.
" Bakit mo naman kami ichecheck?" Takang tanong ko habang sinusubukang alisin ang pagkaka- hawak nya sa kamay ko.
Binaliwala nya ang tanong ko at dahan dahang inalis ang pagkaka- hawak sa kamay ko. Umaangat ang dalawa nyang kamay sa bewang ko at isinubsob nya ang mukha sa leeg ko. Bigla namang bumagal ang paghinga ko sa ginawa nya.
" Ano bang ginagawa mo?" Mababang boses na tanong ko dito.
" Tell me they are mine. I want to hear it from you, Love." Bulong nito sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko. Hindi ko naman ito sinagot at nanatili sa pwesto ko.
" Please Love, say it. Tell me their mine." Nagmamakaawang pakiusap nya. Dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak nya sa bewang ko at tinignan sya ng deretso sa mata. Ito na, wala ng urangan. Go go go na'to.
" Yes, they are your sons." Pinag- mamasdan ko lang ang magiging reaksyon nya sa sinabi ko ng bigla itong maluha. Nagulat ako dahil hindi ko expect na iiyak sya dahil lang sa nalaman nyang may anak kami.
" Why didn't you tell me before?" Bago ko sagutin ang tanong nya ay dahan dahan ko syang tinulak. Feeling ko kasi ay hindi na ako makahinga sa sobrang lapit nya.
" Nasaktan ako, Lucious. Napangu- nahan ako ng mga emosyon ko. Noong nahuli ko kayo ni Shannon yun din yung araw na nalaman kong buntis ako. Isusurprise sana kita kaso ako yung nasurprise sa nakita ko." Pigil ang luha kong sagot dito. Hindi na ako iiyak.
" Sorry, Love if I've hurted you but please believe me walang nangyari saamin." Yayakapin sana nya ako ng lumayo ako. Kailangan namin mag usap at hindi maayos ang problema kung magyayakapan lang kami at iiyak.
" Walang nangyari? parehas kayong hubad tapos sasabihin mo saaking walang nangyari?!" Hindi ko mapi- gilang pagtaasan sya ng boses.
" It was supposed to be a meeting with her parents pero nagulat nalang ako sya yung dumating then kasalukuyan kaming nagmemeeting nung inumin ko yung juice pagkatapos non nagising nalang akong katabi sya habang walang damit." Mahabang paliwanag nya. Should I believe him? hindi ko pa alam. Nasaktan ako at hanggang ngayon nandito pa rin yung sakit. Hindi ko alam kung makakaya kong paniwalaan sya.
Nagsalita ito ulit ng mapansing wala akong balak magsalita.
" I want to meet them." Ngumiti sya ng sabihin ito.
" Tomorrow, I'll let you meet them." Ngumiti naman ito sa naging sagot ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
" The thing is may relasyon kayo ni Shannon at ayaw kong maging dahilan ang mga bata o ako ng pag- aaway nyo. Ikakasal na kayo kaya dapat nyang malaman na may anak ka saakin. I-explain mo sakanya na sa mga bata ka lang may responsibilidad at hindi saakin para hindi na kami magkagulo." Seryoso ko itong sinabi sakanya. Hindi ko lang gusto na magkagulo pa sila ng dahil saamin ng mga bata. Isa pa ikakasal na sila ayaw ko namang maudlot yon dahil lang sa nalaman nilang may anak kami.
" I have no plans of showing up at our wedding. Sila mommy lang ang may gusto nung kasal. Akala kasi nila may nangyari samin 5 years ago. Sinabi kasi ni Shannon kina mommy na may nangyari saamin kaya sila mommy gusto kaming ikasal kaya ginagawa ko ang lahat wag lang yon matuloy kaya umabot ng 5 years ay hindi pa din kami kasal. Ayaw din kasing maniwala sakin nila mommy na wala talagang nangyare samin." Mahabang paliwanag nya ulit. Saakin lang talaga sya ganito. Yung sobra sobra kung mag explain pero sa ibang tao napaka -kuripot nyang magsalita.
" It's still you, Love it will always be you." Napipi naman ako sa sinabi nya. Always be me? buti nalang hindi ako marupok.
" Stop joking, Lucious. Bukas ipapa- kilala kita sa mga bata." Tanging sagot ko sakanya.
" I'm not joking, Mi amore." Mi amore mi amore hindi ako madadala sa ganyan.
" Will you stop? hindi na ako tutuwa." Pinakita ko sakanya na naiirita ako kaya agad naman syang tumigil.
" Sorry, should I bring something tomorrow? like foods or anything?" Halatang excited sya bukas.
" Your presence is enough. Gusto ka na din kasi nilang makilala." I simply said.
" Talaga?" Halatang masaya sya.
" Oo naman. Sabik sila sayo."
" I can't wait till I hug them." He is excited. I can tell. Sana pala noon ko pa sinabi sakanya kung alam ko lang na ganito ang magiging reaksyon nya sadyang napangungunahan lang ako ng emotions ko. Nature na rin siguro ng mga tao yon yung makakagawa sila ng desisyon ng dahil sa emotion nila.
" You should go. Kailangan na nating matulog. Goodnight." Hindi ko na sya hinintay sumagot at pumasok na ako sa loob para tabihan ang mga bata. Hindi ko na din inisip kung paano sya nakaakyat sa veranda namin. Knowing him? gagawin nya ang lahat magawa lang ang gusto.
I guess this is goodnight.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)
RomanceSeeing the man you love with another woman in bed is painful. I should have listen to his explanation. Hindi sana nasayang ang limang taong wala sya sa tabi ng mga anak namin kung nakinig lang ako. Lucious D'Angelo Ferrer the man that she love, th...