CHAPTER 10 | MOVING

17K 377 4
                                    

Chapter 10

IT'S been 3 days matapos sumugod sa bahay namin si Shannon, at ngayong araw kami lilipat sa bahay ni Lucious. Alam na ito ng mga magulang ko, ang saya nga nila dahil akala nila ay nagbalikan na kami ni Lucious.

Pag dating namin sa bahay nya ay sinalubong kami ng kasama nila sa bahay na si Manang Flor.

" Nako iho, ito na ba ang asawa't mga anak nyo?" Masayang tanong nito. Halos maubo naman ako sa sariling laway dahil sa tanong nito.

" Opo, Manang ito po ang tatlo naming anak na sina, Uzumaki, Killua at Levi. Ito naman po ang magiging asawa ko na si Aeofi." Nakangiting pakilala samin ni Lucious. Magiging asawa? pumayag ba ko? hinayaan ko na lang sya.

" Magandang umaga po, manang." Masayang bati ko dito.

" Ang ganda naman ng magiging asawa mo, Lucious bagay na bagay kayo." Alanganing ngiti ang ibinigay ko dito habang si Lucious ay tinatawanan lang ang reaksyon ko.

" This is your room kids." Masayang ipinakita ni Lucious ang magiging kwarto ng mga bata. Malaki ito at maramig laruan sa loob, mayroon itong tatlong kama na sakto lang para sa mga bata. Pumasok naman ang mga bata sa kwarto nila samantalang kami ni Lucious ay dumaretso sa magiging kwarto ko.

" This will be our room." Nabaling ang tingin ko sakanya dahil sa narinig.

" Our? iisa lang ang kwarto natin?" Kunot noong tanong ko sakanya. Ngumisi naman ang loko.

" Yes, our room. This will be one of my ways on how am I going to gain your trust again." Sinulyapan ko naman ang kwarto, malaki ito at may malaking kama, mayroon ding sofa.

" Isn't that too much? hindi naman tayo mag asawa para magsama sa iisang kwarto." I blurted out. Nagkibit balikat naman sya.

" Marry me then. Para maging asawa na kita."

" Nasisiraan ka nanaman ng ulo." I said as I roam my eyes in the room.

" Anong ulo ba?" Nakakaloko ako nitong tinignan kaya hinampas ko sya sa braso.

" I'm just kidding, pumayag ka na wala ka na din namang magagawa pinalock ko lahat ng guest room kay manang." Hindi naman halatang planado nya ito. Sa huli pumayag nalang ako dahil kahit naman magtalo kami gagawin nya ang gusto nya.

" About your work, I want you to stop working. Gusto ko sana ako ang magtatrabaho bilang ako ang haligi ng tahanan, I mean magiging halagi ng tahanan kapag pumayag ka ng magpa kasal saakin." He said.

" I can't agree with that. Kailangan ako ng company namin at isa pa ayokong iasa sayo lahat ng gastusin sa bahay." Seryoso nya akong tinignan.

" I can handle your company naman. Gusto ko din kasi na magfocus ka sa pag aalaga sa mga bata. Hindi man tayo kasal pero gusto kong maranasan ang umuwi at salubungin ng mapapangasawa ko." Pwede pa rin namang mangyare yon kahit nag- tatrabaho ako diba? pero may point naman sya mas matutuon ko ang atensyon ko sa mga bata.

" Pwede ka din naman sumama sa company paminsan minsan." He added. Wala na akong nagawa kung hindi pumayag. Hahayaan kong gawin ang mga gusto nya lalo na't nag uumpisa kaming ayusin ang relasyon na nasira noon.

Alam kong dapat ay patawarin ko na sya, paano ko sya papatawarin kung hindi naman ako nagalit sakanya? hindi naman talaga ako nagalit, nasaktan ako dahil sa hindi ko pakikinig pero hindi ibig sabihin na nalaman ko na ang totoo ay madali ng ibalik ang tiwalang nasira na, na trauma ako, hindi madali ang pinagdaanan ko. Walang galit sa puso ko, takot ang meron.

Hindi ako tanga para sabihing hindi ko na sya mahal pero hindi ko kayang sabihin sakanya ang tatlong salitang iyon ng may takot pa rin sa puso ko. Hindi ko gustong sabihin sakanya ang tatlong salitang iyon kung may doubt pa rin sa puso ko. Gusto ko kapag sinabi ko na ulit sakanya ang tatlong salitang iyon ay purong pag mamahal nalang ang nasa puso ko.

" Alam na ba nina tita ang tungkol sa mga bata?" Tanong ko sakanya. Napatingin naman sya sakin.

" I haven't told them yet. I want to surprise them. Sinong mag aakala na mas marami pa pala akong anak kesa kay kuya Liam?" Natatawang sagot nya. Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi nya.

" Alam na ba nila kuya Liam na dito na kami sayo nakatira?" Tanong ko ulit.

" Actually, I haven't told them nor our friends." Sagot nya kaya kumunot ang noo ko.

" Why?"

" Gusto ko muna kayong masolo, pag- kasi sinabi ko sakanila na dito na kayo nakatira ay baka araw arawin nila ang pagpunta dito." He explained. Naiintindihan ko naman dahil ilang taon nya ding hindi nakasama ang mga bata. Maganda rin na mag- bonding muna silang mag aama.

" Aeofi Soriano, Will you marry me?" Kunot noo ko syang tinignan heto nanaman sya sa kalokohan nya. Lagi nalang kumukunot ang noo ko dahil sakanya baka mamaya maaga akong magka wrinkles. Kinurot ko sya sa abs- I mean sa tyan kaya natawa sya.

" Lucious D'Angelo Ferrer tigil tigilan mo ko ha."

" Sorry na, Love." Natatawa pa rin nyang sabi. Inirapan ko naman sya.

" Thank you." Tinignan nya ako sa mata ng seryoso kaya ganon din ang ginawa ko.

" What for?" Tanong ko habang hindi napuputol ang pagkakakonekta ng aming mga mata.

" For agreeing to live with me and I'm sorry for not being there when you need me the most. I'm sorry kasi wala ako sa tabi mo noong nahihirapan ka sa pagbubuntis sa mga anak natin, Sorry kasi wala ako noong panahong naglilihi ka." All you can hear is sincerity in his voice.

" It's not your fault. Kasalanan ko kung bakit hindi mo sila nakasama. Kung sanang nakinig lang ako noon baka nakasama mo sila. Sorry for allowing my emotions to take over me." Napayuko nalang ako at hindi napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Agad naman nya akong hinapit sa bewang ang tiningala ang baba ko.

" Shh, it's not your fault, Love. Stop crying, I hate to see you cry." He said while using his thumb to wipe my tears away.

AFTER ng iyakan moment namin ay hinayaan ko na muna syang puntahan ang mga bata para maka pag bonding sila. Hindi na rin ako nakisali dahil gusto kong masulit nila ang bawat oras na kasama nila ang isa't isa.

KINAGABIHAN nag tatalo nanaman kami dahil sa pwesto sa kama.

" Bakit ka ba naglalagay ng pillow sa gitna natin? pampasikip lang yan." Angal nya ng maglagay ako ng pillow sa gitna namin.

" Safety is a must." Sagot ko sakanya.

" So sinasabi mong hindi ka safe sakin?" Nakataas ang kilay na tanong nya.

" Mahirap na, nang gagapang ka pa naman kaya nga nagkaroon ng triplets." Straight forward na sagot ko sakanya. Natawa naman sya sinabi ko at kinuha ang pillow na nasa pagitan namin.

" Kaya nga sagabal lang to, Love." Patuloy nya sa pang aasar.

" Pag hindi ka tumigil sa sofa ka matutulog, Lucious D'Angelo Ferrer." Binahiran ko ng inis ang boses ko para malaman nyang seryoso ako.

" Sorry na, Love. Nagbibiro lang ako. Tulog na tayo, Good night, dream of me. I love you to the milky way and back." Sagot nya sabay balik ng pillow sa gitna namin. Humarap naman ako sa kabilang side ng kama so bali nakatalikod ako sakanya. When I already close my eyes when I heard him say-

" I'll do anything just to gain your trust again. I'll wait for you even if it takes a hundred years just so I could be with you until the next lifetime."

Matapos nya itong sabihin ay naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo saka yumakap sakin. Hindi na ako umangal at yumakap nalang pabalik sakanya, pabalik sa ama ng nga anak ko.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Short update.

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon